scandal sa bus

grade 3 siguro ako nun, may promo ang big bag sa alabang, hindi mo alam ang big bang? pwes, hindi ako dapat nakikipag kaibigan sa’yo. isinama kami ng nangungupahan sa amin dahil arkilado ng kumpanya nila ‘yung buong carnaval, meron kaming sinakyan ng kuya ko na kaming dalawa lang ang sakay, nagluko amputangena, nagbunggu bungguan ‘yung mga silya, at mukhang nagenjoy si mamang tiga control sa panood kung papano kaming mag agaw buhay na magkapatid.
‘yun ang naiisip kong simula kung bakit naging mahihiluhin ako, at sobra ‘to dahil kahit sa duyan o tumba tumba lang, pwede mo na akong patayin sa hilo sa loob lang ng limang minuto.
sinamantala ko ang unang bus na dumaan kanina, hindi ko alam na sa likod na lang pala ang bakanteng upuan, kinakabahan na ako nung umupo ako at otomatik na hinanap ng batok ko ang sandalan, marami akong nainom na tubig sa buong walong oras na shift ko at pinasalubungan ako ng kapalit ko ng pancit canton. hindi pa ako nagtatagal sa b’yahe naramdaman ko na s’ya sa may lalamunan ko. sinubukan kong buksan ang bintana para mahanginan pero tinraydor ako ng hangin, lalo akong nakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka, at wala na akong lakas para isara ulit ang bintana.
naramdaman ko ang biglang pag akyat ng likidong may buo buo sa lalamunan ko at diretso sa bibig ko, isang puno. biglang gumana ang isip ko, pag inilabas ko ‘to yari ako sa mga katabi ko dahil malakas ang hangin. binigla kong nilunok ang nasa bibig ko, sumingaw palabas sa ilong ko ‘yung lasa.
nabubuwisit ako sa hangin dahil parang lalo n’yang kinikiliti ang sintido ko para lalo akong mahilo, at isinusumpa ko ang citibank para itext ako ng ganung kaaga, at nasa ganun akong sitwasyon. nakadagdag ng malaking porsiyento sa hilo ko ang pagbabasa ng text habang umaandar ang bus. big fucking mistake.
at ito ang sitwasyon na walang pinagkaiba nung una kang nireyp ng tito mong bakla, wala kang lakas para tutulan ang lahat ng nangyayari, pipilitin mong labanan ang pwersa.. hanggang sa maubos ang lakas mo at magpaubaya ka na lang, at wala ka ng mapagpipilian kundi magpaubaya.. at mag enjoy.
isinakto kong nakatigil ang bus sa pila ng toll gate, buong pwersa kong isinuka ang lahat ng nakapila sa lalamunan ko, nagpapasalamat ako na marami akong nainom na tubig dahil dire diretso lang ang daloy ng pancit canton sa lalamunan ko. at dahil isa akong dakilang manginginom, alam ko na ang teknik at SOP pag susuka ka, lagi mong isipin na para ka lang nananalamin, pantay lang ang mukha mo ‘wag kang tutungo masyado para hindi lumabas sa ilong mo ang ininom at kinain mo.. pakiramdam ko pulang pula ang mukha ko, at puno ng luha ang mga mata ko, wala akong pakialam sa mga katabi ko, tae silang lahat! at nung naramdaman kong medyo humuhupa na ang lahat sa lamang loob ko, kinusot ko ang mga mata ko para mawala ang mga luha, at nung nagliwanag ang paningin ko dun ko lang napansin ang isang nilalang sa kabilang bus na ibini video ang pagsuka ko gamit ang celfone n’ya at wala akong nagawa kundi pakyuhan s’ya habang tatawa tawa s’ya at ‘yung katabi n’ya.
maayos naman akong nakauwi at nun lang nakapag bihis na ako ng pambahay kumatok sa akin ang mga posibilidad, kaya nananawagan ako sa lahat ng mga tao sa internet, na kung sakali man na may makikita kayong video ng isang lalaking sumusuka sa bus, maputi at mataba, naka kulay dilaw na abokadong tshirt at hilam ng luha ang mukha, ‘wag n’yo na lang pansinin. respeto lang. at kung hindi n’yo mapigilang silipin ang video na ‘yun.. oo, ako ‘yun at kinagagalak kitang makilala.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

18 thoughts on “scandal sa bus”

  1. gross.. :no:
    pero mahiluhin din kase ako sa biyahe at ang sikreto lagi kang mgdala ng “suka bag”
    mas maganda yung ziplock para pwede mong ipasok sa bag mo if walang available trashcan sa sasakyan.

    aabangan ko yung video moπŸ˜†

  2. shet jon. moment yun ah! kulang lang yung pagpunas mo ng likod ng kamay mo sa labi…

    panalo yung reaksyon mo sa taga-kabilang bus!

    at sa babaeng nagsabi na cute ka raw with matching laglag ng bangs sa mata… hindi kami naniniwala… URL muna?

    lol!

    kaibigan pa rin kita jon!

  3. Nitong nakaraang weekend mahigit tatlong oras kong tiniis at ginawang see saw ang suka ko dahil erkon ang bus at silyado ang bintana, tapos nasa dulo pa ako nakaupo. Sariwang hangin lang pala ang katapat para sa akin, nalusaw na nang husto sa bituka ko ang suka ng makaranas ako ng sariwang hangin.

  4. uy kakagulat naman parehong pareho tayo. Actually ang natotolerate ko lang sakyan eh kahit anong open vehicle (jeep,ordinary bus,open na kotse, open na taxi). Aside dun eh siguradong susuka ko.

    nasubukan ko na rin sumuka sa plastic, upuan ng taxi, cup ng starbucks at buko juice pati sa panyo ko. Yucks.

    Hay ang hirap ng ganun…baka may video din ako…patay na. :no: :no: :no:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s