gusto mo bang makarma?

kung nagbabasa ka ng blog ko, alam mong plurk ang isa sa pinaka malaking dahilan ng kawalan ng aksyon dito. syempre, bukod pa ‘yun sa kaimposiblehan ng walong oras na tulog pag tanghali dahil midnight shift ka, at ang kawalan ng buhay at kulay pag pang madaling araw ka nagtatrabaho. sa panahon daw ngayon iyon na ang uso, micro-blogging. pero kahit sa panaginip hindi ko naisip iwan ang blog na ‘to, hindi pa siguro sa ngayon. sa pagtambay tambay ko sa bagong mundo, nakaisip ako ng ilang mga teknik kung papaano ka magkakakarma ng mabilis dun, at kung tatanungin mo ko kung ano ang karma at kung bakit importante sa mundo ng plurk ‘yun? bukod sa ilang mga pribilehiyo para sa account mo tulad ng dagdag emoticons, wala na akong naiisip na iba bukod sa virtual ego booster.
at dalawa ang nangungunang dahilan kung bakit mo kailangan ‘yang karma na ‘yan. una, kung bago ka lang kailangan mo ‘yun para nga makalikot mo ng husto ang plurk mo  :nod: pangalawa, kung kulang ka sa kalinga ng magulang nung bata ka pa, naniniwala ako na kayang punuan ng pagtaas ng karma mo ang lahat ng iyon. maniwala ka, alam ko ‘yun.
at bilang isang kaibigan, andito ako ngayon para tulungan kang tumaas ang karma mo sa paraang subok na at kung ano man ang dahilan mo kung bakit kailangan mo ng karma bukod sa dalawa kong nabanggit, bahala ka na

  1. gaano man kasama pakinggan, kailangan mong manggamit ng mga tao, magpadami ka ng plurk mates, kahit ‘yung ibang mga tao na ayaw mo at nakakairita sa’yo, add lang ng add may mute naman dun pag kailangang kailangan na.
  2. magtanga tangahan sa pagrereply, sadyain ang typo error at ‘wag kalimutan na ikorek agad ‘yun for instant
    2 plurks.
    ex.
    jon cabron: welcEme back!
    jon cabron: sorry, welcome back pala.
  3. magkunya kunyarian, wala kang maiplurk? magimbento ka.
    ex.
    jon cabron: kumakain ako ng rosas.
    joncabron: lumalangoy ako ngayon sa swimming pool sa gitna ng dagat.
  4. maging sobrang opinionated, makiisa sa lahat ng debate. kahit pa ang reply mo lang ay laging
    ex.
    jon cabron: tama!
    jon cabron: may point ka!
  5. maging masayahing tao. mali, maging sobrang masayahing tao!
    ex.
    plurkmate: im back!
    jon cabron: lols!
    plurkmate: anong magandang vitamins?
    jon cabron: lols!
  6. maging feeling sobrang importanteng tao, isipin mo na bawat galaw mo importanteng malaman ng lahat.
    ex.
    jon cabron: nangungulangot ako gamit ang kanang hinlalaki ko.
    joncabron: at kaliwa naman ngayon.
  7. at dahil pag maraming nagcomment sa thread mo, dagdag karma rin ‘yun, maging creative. instant 40+ replies.
    ex.
    jon cabron: antok na ko matutulog na ko. – sampu ang magrereply dyan ng “goodnight” at “bye, sweet dreams”
    after 30 minutes
    jon cabron: taena di pa rin ako makatulog! – sampu ang magrereply dyan ng “inom ka ng gatas” at “naku! baka may insomnia ka na!”
    after 30 minutes ulit
    jon cabron: ayan na inaantok na ko talaga – sampu ang magrereply dyan ng “congrats!” “sweet dreams”
    after 30 minutes pa
    jon cabron: bye plurkmates. zzzzZZ – at magugulat ka dahil sampu pa rin ang magreerply dyan ng panibagong “goodnight” at “bye, sweet dreams”
  8. laging mag “im back” kahit hindi ka naman nawawala. – epektibong reply magnet yan!
  9. laging maggawa ng thread na nagtatanong.
    ex.

    jon cabron: anong ulam n’yo ngayon?
    jon cabron: anong kamay ang gamit n’yo pag naghuhugas kayo ng pwet?
    jon cabron: gaano kalalim ang bibig n’yo?
  10. at sa huli,pag nararamdaman mo ng nagkakainitan na kayo ng isang ka plurk mo, unahan mo na’ burahin mo s’ya sa listahan mo, nakakababa ng karma pag may nagtanggal sa’yo sa listahan. ‘wag kang pauuna.

.. sana makatulong.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

12 thoughts on “gusto mo bang makarma?”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s