mutor

ilang beses ng nangyayari sa akin ‘to. puyat akong naglalakad sa kalsada sa pagkeuma umagang oras ng araw dahil galing ako sa midnight shift, wala akong tulog at madalas wala pa din akong kain sa mga oras na ‘yun. hindi ako kumakain ng almusal sa pinagtatrabahuhan ko dahil natatakot akong kumbulysunin ang tiyan ko habang nasa biyahe ako. matitiis ko kahit kailan ang gutom, pero hindi ang pagtatae.
habang matiwasay kang naghihintay ng oras ng pagtawid mo at may lihim na ngiti pa sa mga labi mo dahil ilang minuto na lang nasa bahay ka na at makakatulog ka na rin, at habang tinitignan mo ang huling sasakyan sa may kanan mo, at hinihintay itong lumagpas sa’yo para makatawid ka na sa kabila ng kalsada, mapapalingon ka sa kaliwa at dun na babagsak ang balikat mo kasabay ng pag akyat ng dugo mo sa batok sa makikita mong grupo ng mga kalalakihang naka mutor na maliliit. ewan ko kung ako lang, pero mas gugustuhin ko pang mabangga o masagasaan ako ng malalaking sasakyan tulad ng jeep at kahit na trak pa, kesa mabangga ka ng mutor. bakit? pag nabangga ka ng sasakyang malaki, patay ka agad at kung mabuhay ka man walang kahit na isang matinong tao ang magtatawa sa sinapit mo, pag sinuwerte ka pa, wala kang malay kaya walang sakit. pag nabangga ka ng mutor, kung hindi ka rin lang tatalsik paniguradong nakakahiya ang magiging itsura ng pagkakahiga mo sa kalsada. pagtatawanan ka ng mga tao. at ang masama hindi sapat ang mutor para mawalan ka basta basta ng malay tao.. makikita mo ang mga mukha ng mga tao sa kalsada na tinatawanan ang itsura mo dahil sa pagkakasalampak mo sa kalsada. at mararamdaman mo ang lahat ng sakit sa bawat minutong dadaan dahil may malay tao ka. at sinisiguro ka sa’yong iyon na ang pinakamatagal na minuto ng buhay mo.  seryoso, san ba nanggaling ang mga luko lukong ‘to? at bakit parang ganun na lang kaluwag para magkaron ng sasakyang ‘yan? at requirement ba talaga na para magkalisensya kang magpatakbo n’yan sa kalsada na dapat e pagagu gago kang laging nagmamatulin at walang pakialam sa mga tumatawid?
ilang beses ka ng nakakita ng mga nagmumutor na basta na lang humaharang sa mga sasakyan o bigla ka na lang mapapaatras sa pagtawid mo dahil bigla silang parang mga langgam na nagsusulputan sa kalsada? lima? sampu?
ilang beses ka ng nakakita ng aksidente sa kalsada na involve ang mutor? marami na.
matagal ko ng ipinrogram sa utak ko ‘to. kahit nasaan ako basta may mutor na bumangga sa akin at alam kong nasa tamang lugar ako, isinusumpa ko na makikipag bugbugan ako sa gitna ng kalsada basta’t makakatayo pa ako. at naisip ko din na pag maluwag ang skedyul ko dito sa trabaho, gagawa ako ng maskara at magpapagawa ako sa nanay ko ng costume tapos bibili ako ng baseball bat, pupwesto ako sa isang madilim na lugar sa kalsada ng muntinlupa, at wala akong gagawin dun kundi maghintay ng mga grupo ng nagmumutor na mga maiingay ang tambutso, gigitna ako sa kalsada tapos iwawasiwas ko lang ng iwawasiwas ‘yung bat na dala ko. sinisigurado kong maraming matutuwa sa gagawin kong ‘yun.
at kung ikaw ay isang malungkot na tao at naiisip mo ng wakasan ang buhay mo, ‘wag kang iinom ng lason dahil baka pumalya mabuhay ka pa, sunog na lalamunan mo. ‘wag kang magbibigti lalawit ang dila mo at isa pa kakatakutan ka ng mga tao sa inyo. maglalaslas ka? yuck! ang emo. magbabaril sa ulo? gusto mo bang nakaplastik ang ulo mo sa kabaong mo? bigyan mo ng dignidad ang sarili mo, magnakaw ka ng mutor kung wala ka nito at abangan mo ko sa vito cruz, alabang, o muntinlupa at banggain mo ‘ko at siguraduhin mong walang ibang tao sa kalsada kundi tayo lang. maniwala ka sa akin, bibigyan kita ng maganda gandang katapusan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “mutor”

  1. ahehehe…… di ka naman masyadong galit sakanila, slight lang?….. pero napansin ko nga yung ibang mga motorsiklong yan eh bigla na lang pupunta sa harapan o kaya pipihit ng liko (dun ko nasasabing tangena (sorry for my french fries) eh kung mabangga kaya siya)… meron pang iba jan na sobrang lakas ng sounds kala mo may nangangampanya ng maaga… uso yan, kasi daw mas mabilis ang travel time in short mas mapapabilis ang buhay mo… cheers!!!;p

  2. dati nakipag head to head ang isang motorsiklo sa akin.. take note. sya ang bumangga.. lumipad sya… sira ang motor nya.. at balisawsaw ang betlog nya.. pero ako pa daw ang may kasalanan kahit nananahimik ako.. at ako pa ang sumagot sa ospital nya at isang buwang sweldo…

    seryoso.. sarap baguhin ang batas.. ikaw na nag binangga, ikaw pa may kasalanan

  3. okay lang kung makasakit na lang ng katawan. ang nakakainit talaga ng ulo yung pag agaw tulog ka na tapos may biglang dadaang motorsiklo na parang nagmamadali makauwi yung nakasakay dahil sa sobrang bilis magpatakbo, parang may pumuputok na isang drum ng bawang dun sa tambucho sa lakas ng tunog. tapos tapat ng kalsada ang bahay mo..kung pwede lang sana maglagay ng alambre sa kalsada, o kaya takluban yung motoristang un ng gulong.

  4. Hmm..masarap mag motor. Pero mula ng makaladkad ako nyan, isa na yan sa ipapawala ko sa uso pag naging imbentor ako ng mga sasakyan. At “Shaider” ang tawag ko sa mga nagm0m0tor dahil feeling nila mga imortal sila na di tinatablan ng kamatayan.

  5. magkokomyut nalang ako kung ang sasakyan lang din naman na naiwan sa bahay ay motor. annoying piece of metal crap.
    hypatetikal:
    kung bibigyan ako ng motor na BMW. gawin nalang nilang sasakyan kahit picanto pa kesa motor

  6. Ang basa ko sa title ay myu-tor, at akala ko tungkol sa mga ngongo ito.

    Nakakarelate ako ng konti sa galit mo dahil minsan na rin akong nasagasaan at tumambling sa kalsada na tinitingnan ng maraming tao. Yun nga lang hindi motor, kundi bike.😦

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s