downtime

pag tumatawag ako sa customer support dati lalo na sa internet provider ko, nagpapaulan ako ng mura lalo na pag nararamdaman kong pinaiikot lang ako ng kausap ko at tineteknikal para hindi lumabas na hindi n’ya kayang solusyunan ang problema ko at ayaw n’ya lang masabi na wala s’yang ginawa o nagawa tungkol dun.
buwisit na buwisit din ako sa ideya ng bakit kung kelan umuusok na ako sa galit, dun pa lang ako p’wedeng itransfer sa mas nakakataas sa kanya o sa madaling salita mas nakakaalam ng tungkol sa problema ko, bakit hindi na lang sa unang pagtawag ko bumagsak agad ako sa talagang makakatulong sa akin, sigurado akong mas less hassle ‘yun sa aming lahat at mas lohikal kesa igapos pa ang problema ko sa tambyolo ng isang madyikerong nag aala chamba.
ngayong nasa isang kumpanya ako at nagtatrabaho ng katulad ng mga nasa tinatawagan ko dati pero mas delikado nga lang dahil harap harapan ang laban, naintindihan ko na ang lahat. nauunawaan ko na ang sistemang tumatakbo sa kumpanya. nabibilang ako sa tinatawag na unang kamay na humahawak ng problema, pag hindi ko maresolbahan ibabato ko sa bisor ko, sila ang pangalawa, at ang pangatlong kamay dun sa pinakamataas na, at pag wala pa ring solusyon.. direkta na sa mismong punong pinagpitasan ng problemadong bunga.
nasa estado ako kagabi na hindi nagkakaiba sa mga taong sinisigawan ko dati sa telepono. tanggalin mo lang ang murahan at medyo mas malambot ang mga sigaw pero ang pagkainis, paninisi, at pang mamata, makikita mo sa itsura ng kinakausap mo. gusto ko ng sumagot’ naisip ko na kung hindi n’ya matatanggap ang disenteng paliwanag ko na wala akong kontrol sa sistemang nagluluko, baka p’wedeng sa style kalyeng paliwanag mabuksan ang isip n’ya. pero mahal ko ang trabaho ko.. at sa sitwasyon kagabi, kahit alam kong mas mataas ang pinagaralan n’ya sa akin, ako ang mas nakakaintindi.
naisip ko rin na sa internet, ako si teh mighty jon cabron atapang a tao, pero sa loob ng opisinang bumubuhay sa akin at sa pamilya ko, kinakailangan kong kalimutan ‘yun.. dito isa lang akong ordinaryong mataba at maputing lalaki na pag hindi tinatanong, hindi nagsasalita. isa ang sitwasyon kanina sa mga ilang pagkakataon na tumataas ang respeto ko sa kung sino mang tao ang nakaimbento ng bulsa sa pantalon. p’wede mong itago dun ang kamay mo at pakyuhan ang mataas na taong kinakausap mo. walang kaso, walang problema.
hindi pwedeng walang dadaanang mababa ang isang problema sa isang kumpanya, malulugi ‘yun pag lahat ng nagtatrabaho dun magagaling at matataas, at hindi pwedeng lahat kayo mataas dahil madalas kailangan n’yong sundin ang hierarchy sa isang kumpanya… para may lalabas na tiga salo ng sisi ng mga matataas at malalakas ang boses, pero takot iparinig ‘yun sa boss mo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

8 thoughts on “downtime”

  1. what goes around comes around. astig din pagkakahandle mo sa situation, dahil kung ako yun baka magpadala ako ng anthrax sa email, o paabutan ko ng kamao mga hinayupak na yan. matanggal na sa trabaho. wala akong pakiaalam, binata pa naman ako.. hehehe..

  2. Tama ka dyan, Madali lang naman ang solusyon pag di alam ng ahente na una mong kausap kung pano solusyunan ang problemang teknikal ay imbes na maghanap ka ng bisor eh mas mabuting tumawag ka na lang ulit at manalangin na makakuha ng ahenteng alam solusyunan ang iyong problem. Dahil minsan ang mga bisor ay wala rin namang alam sa mga teknikal na bagay. Ang alam lang nila ay maglaro ng games sa internet at isa pa kya nga sila naging bisor dahil mas magaling na silang mag-paikot-ikot ng mga customer. Base sa aking experiyensya a mas mabuti pa ring makipag-usap sa frontline kesa sa bisor. Have a good day bro!

  3. Maganda ang punto mo, pero nasasaktan ako, dahil naging isa ako dun sa mga hindi magawan ng solusyon ang problema ng ibang tao dahil wala talaga akong alam sa ginagawa ko. Bakit ba kasi ako tinanggap ng DELL noon, wala naman akong alam sa computer.

    Sa Jollibee ko natutunan ang ganyan, kailangan kong resolbahin ang problema at reklamo ng kostumer on my level, dahil yun ang isa sa mga silbi ko, ang pagaanin ang trabaho ng mga managers. At sa Jollibee ko rin natutunan na humarap ng maayos at makatao sa mga taong nagmamataas ang feeling at ipakita na mas edukado ang kilos ko kaysa sa kanila, minimum wage man ang sweldo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s