gimik at ang pagba blog ay isang espesyal na regalo sa atin ng may kapal

sa wakas natuloy din ang lakad ng barkada na kung ilang linggo din namin plinano at nag urong sulong ng petsa. hindi kami kumpleto dahil sa kanya kanyang issues ng buhay pero ok lang, ang intensyon ko naman talaga ay uminom at hindi makipag kaibigan. ang gusto ko lang naman ‘wag matapos ‘yung day off ko ng basta itutulog ko lang.
habang nasa isang bar kami sa alabang, makalipas ang isa’t kalahating oras, napansin kong unti unting dumudulas at kumakawala ang kasiyahan sa mesa namin. abala sa pagtetext ang isa at ang isa naman nakatingin sa malayo. at ako, nagiisip ng maiba blog. naisip ko na iyon ang advantage nating mga nagba blog sa ibang mga ordinaryong tao, malalalim tayo mag isip at nageenjoy tayong gawin ‘yun. kaya sa mga sitwasyon na tulad nito, matutumba at mamamatay sa pagkainip ang lahat ng taong kasama mo, pero ikaw normal pa rin. otistik mode.  
naisip ko rin na ang pagiging blogger ay isang espesyal na regalo sa atin ng isang makapangyarihang tao, walang pinagkaiba ‘to sa mga may third eye, kung sila bukas ang sense nila para sa mga maligno at multo sa paligid nila, tayo naman bukas ang utak at pandama natin sa mga bloggable moments sa paligid natin. kaya nating gawan ng kwento ang kung papano tayo naluha sa paggagayat ng sibuyas, at kung papanong nawalan ka ng baunang lata nung bata ka pa kaya galit ka sa mundo ngayon sa idad mong liyebo trenta na. isa itong espesyal na regalo na hindi lahat ay meron, maraming susubok at maraming magtatangka pero ilan lang ang mapipili at papalarin. at kung hindi ka pa kumbinsido sa sinasabi ko tignan mo ang entry na ‘to . isang magandang halimbawa ng isang taong nung namigay ng espesyal na regalo ang makapangyarihang tao, nakalimutan ang address n’ya.
andami kong naisip na topic para sa entry nung gabing ‘yun pero pakiramdam ko hinugasan ng alak ang utak ko at binanlawan ng nikotina, naaalala ko ‘yung ilan pero hindi ko maisip kung papanong diskarte ng pasok ang naisip ko kagabi, hindi ko alam ngayon kung papano magsisimula.

1. tungkol sa kung papano ako kaseryoso na gusto ko talagang magkaron ng gelpren na estudyante. at nakamedyas.
2. kung gaano kahirap gumimik ng pumuputok ang ubo mo.
3. papanong kung mataba ka at maputing tulad ko, ‘wag kang sasama sa kaibigan mong macho  at mas matangkad sa’yo, sa gimikan ng kayong dalawa lang. mapagkakamalan kang bakla.
4. kung papanong tuyong tuyo ang labi ko nung isang araw kaya nung nginitian ko ‘yung kakilala ko sa bus parang napunit ang labi ko.
5. at kung papanong gusto kong sunugin ang eskuwelahan ng anak ko dahil ang class picture nila ngayon na binebenta ay isang litratong pinagsama sama lang yung mga id pictures nila.
6. kung papano ko ipagtatanggol ang sarili ko, kung mainlove man ako sa isang babaeng labing isang taon pa lang.
7. at pag umuulan pag tanghali kahit nakatirik ang araw, naisip kong senyales ‘yun na sa isang lugar sa mundo, may isang estudyanteng niyayari ng isang lalaking mahilig sa itim at natatakpan ng bangs ang isang mata.

at bigla na lang nangyari ang nararapat, tinigilan namin ang plastikan at nagbayad na kami. pero dahil magkakaibigan kaming tunay, lumipat lang kami sa bahay ng isa.. at dun sa lugar na ‘yun bakla man pakinggan ay naramdaman naming muli ang init ng pagkakaibigan namin… at muntikan na ‘kong malasing. muntik lang.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “gimik at ang pagba blog ay isang espesyal na regalo sa atin ng may kapal”

  1. babae ang anak mo diba?

    hay nako jon cabron. naiinggit ako sa sabado night mo dahil hindi man lang
    nasayaran ng kahit isang patak ng alak ang lalamunan ko. maraming salamat
    sa lalakeng nagpaopera ng ngipin. deym yu antibiotics.

    at tungkol naman sa bloggers.. feeling ko, lahat naman may capacity magkwento, pero
    bihira ang may talento.😉 parang nasasabik ako pag nakikita kong may updated sa blogroll ko. nakaka-lungkot lang din isipin na minsan, nagkakatamaran na
    sila magsulat.

    buti naman at nagupdate ka na. sana araw araw na ulit to.

  2. maswerte nga tayong mga bloggers (yung blogger talaga na matatawag ah. di gaya nung sampol mo. taena, asin – as in table salt talaga ang laman ng utak. bwahahaha!)
    napansin ko nga mas madami akong naiisip na i-blog pag nakasakay ako sa bus o sa dyip, dun napupuno ang isipan ko ng mga ideya. isang advantage para sa mga bloggers na nagko-commute, tulad na lang nang pagkapunit ng labi mo nung ngumiti ka. :nod:

    1. pero wala talaga, maniniwala ka bang ilang ulit kong nirebisa ang maikling entry na ‘to.. at kung ilang oras din ang nasayang sa akin.. at sa maniwala ka man o hindi, nung bago pa lang akong nagba blog’ ay sus para lang akong nagsusulat ng pangalan ko ng paulit ulit pag naggagawa ako ng mga de kalidad na entries .. oo, at maniwala tanga.

  3. grabe ang dami nun. haha. natawa ako dun sa may lalakeng matangkad tska gwapo, pagpye-pyestahan ka talag ng mga taong chismosa sa paligid. papabol daw kasi eh., haha.

    hindi nga lahat ng nagbla-blog ay sing tulad nyo. tulad ko. hindi lahat ay born to be a blogger. kaya ako? makokontento nalang ako maging isang reader. haha.🙂 di man ako great blogger, great reader naman. o ha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s