paalala

isang maikling paalala.
ako si jon cabron, may ari ng teh mighty jon cabron show. kung matagal ka na rito siguro kilala mo na ako at natimbang at naanalisa mo na ang bawat sulok ng pagkatao ko dito sa mundo ng internet, nakapagpalitan na rin siguro tayo ng mga maiikling mensahe sa comment box ng entry ko, nakachat sa YM, o baka nga may number ka pa ng celfone ko.
pero kung baguhan ka lang dito o isang bagong kakilala, maupo ka lang d’yan at hayaan mong ipakilala ko sa’yo ng mabilis ang blog ko.   hindi ako si selvo at hindi rin ako si chuckie , iba ako sa kanila at magkaiba ang tema ng mga blog namin. seryoso ang sa kanila, kagaguhan ang sa akin. isang para sa bayan at isang talentado at makadiyos.. ang sa akin, katarantaduhan.
umasa ako na matagumpay na naihahatid ng imahe sa itaas ng blog ko ang kung anong bagay ang hindi mo makikita sa blog na ito, kaseryosohan. siguro nga minsan may mga feigot entries din ako at may mga natatanggap na mga komentong mga malalambot, pero alam ko at tanggap ko na hindi lilipas ang isang oras nakakatawa na naman ako sa paningin ng mga regular na mambabasa ko, bakit? dahil iyon tema ng blog ko.
pag nakipag kaibigan ka sa ‘kin at tinanggap kita, bonus lang dun ‘yung pwede mo rin akong kausapin ng seryosohan pag may problema ka o pwede ring pagtanungan ng mga bagay bagay tungkol sa mga bagay na alam ko. extra lang ang lahat ng ‘yan dahil ang kinaibigan mo ay ‘yung taong may ari ng blog na puro katarantaduhan, at dahil tinanggap kita nasa iyo rin ang lahat ng karapatan na magbiro sa akin, at umaasa ako na ibabalik mo ang karapatan na iyon sa akin na magbiro din sa’yo. ‘wag nating sayangin ang buhay natin sa bente kwatro oras isang araw na seryosong pakikipag usap. nakakatamad.
kung hindi ka sanay makipagbiruan, hindi ako ang kaibigang para sa’yo. kung katulad ka rin ng iba na ayaw sa akin at nasasagwaan sa ugali ko, nayayabangang at naaantipatikuhan sa akin… good, dahil iyon talaga ang gusto kong mangyari.
naisip ko lang.
dati basta marunong kang bumasa at magsulat, tao ka na, may papel ka na sa lipunang ginagalawan mo. hanggang sa dumating ang panahon na ang dalawang katangian na ‘yan ay nanganak pa ng isa, kung gusto mong magkaron ng karapatan na hanapin ang sarili mong pwesto sa mundo hindi na sapat ang basta marunong ka lang magbasa at magsulat,. kailangan din may alam ka sa computer.
pero sa panahon ngayon, sa nakikita ko hindi din sukatan ng dunong ng isang tao ang may alam s’ya sa computer, bakit? dahil tignan mo nga ang sarili mo.. aayaw ayaw ka sa asal ko pero ayan ka ngayon sa harap ng computer at binabasa ‘tong entry ko.. ‘ndot

salamat.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

23 thoughts on “paalala”

  1. Hundreed percent agree ako sa sinabi mo. Tutoong may kanya-kanya tayong papel na ginagampanan sa lupa, iyong iba papel de liha, iyong iba toilet papers. But this is life, ang pagka-iba-iba natin ang nagpapasaya sa mundo. May taga-sulat at may mambabasa. May pumupuri at may bumabara. Hindi lahat na toilet papers na ihinuhulog mo sa inudoro ay tatagus doon sa poso negro. May bumabara din. Pero dito mo naman kakailanganin ang plumber’s friend para tanggalin ang bara. I believe we compliment each other, may matatalino para malaman nating may bobo. Tanungin mo si Pilosopong Tasyo at ibabalik din ang tanong sa iyo. Sa buhay ay lagi nating tinatanong kung bakit may bakit ang bakit. Ang lahat ng ito ay nanggagaling sa dunong na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Gamitin lang ito sa mga bagay na hindi nakakapinsala sa iba at nakakatulong sa lipunan.

  2. o manong cabron. sino to? ahaha. manong. teh shit.

    alam mo kung likas kang mabait hindi kita seseryosohin.
    maganda na yang nakakasakit at mapanganib. kesa sinungaling
    at mapagpanggap.

    mmlabsyu jon cabron. ‘lul. hahaha😆

  3. may tapang at kakaibang angas ang blog na ito. dalawang bagay na nagpabilib sa akin ng husto. naglalaman ito ng bagsik at tapang na dapat saluduhan. lupit at yabang na mahirap tularan!

    nandito ang mga tao at nagbabasa dahil ginusto nila. kung ayaw pala nila eh bakit ngayon ay nandito pa din sila’t patuloy na nagbabasa. parang tanga lang na iniinis ang mga sarili nila.

    may 2 choices. ang magpunta dito at magbasa. o wag ng bumalik dito at wag na magbasa. hindi naman ‘to sa pilitan. READ AT YOUR OWN RISK ika nga.

    di ko pala alam kung tama grammar ko. kung in your, on your, o at your, basta kung ano man yung tama. yun na yun!

    1. kung ako ang magsasalita nyang mga ‘yan, nasisigurado kong eksakto ganyan din ang sasabihin ko.. tatanggalin ko lang siguro yung mga papuri dahil ano beh ayokong pinupuri ang sarili ko dahil.. ahhhm magaling na ako!
      bwahah biro lang!
      :grinnod:

  4. parang tinamaan ako dun sa nagsabing antipatiko ka. isa ako dun e. hehe.

    pero that’s what’s keeping me coming back here. hahaha.

    sino na naman to?

    hansweet mo naman, nagiwan ka pa ng kiss sa blog ko. sya, isosoli ko rin. mwaah!😉

  5. namanis ka na naman jon cabron…pag naeestress kasi ako sa trabaho…sumasaglit ako sa page mo…keber naman kung makita sa server…hehehehehe…basta nabasa ko ang entry mo…bumabalik na sa normal ang blood pressure ko…ahahahahahahha….keep it up…😆

  6. hindi ko alam kung bakit ako nagpabalik-balik sa blog na ito. matagal nang binanggit sa akin ito ng isang kaibigan pero matagal pa bago ko ito sinadya,nakibasa at nakipagpalitan ng kuru-kuro. salamat sa pakikipagpalitan ng kaseryosohan at kabastusan sa plurk, mr. cabron. puro man kagaguhan ang nilalagay mo dito, katulad ng sinabi ko noon eh nararamdaman ko namang mabuti kang tao kahit hindi tulog. =)

  7. Kapag binabalikbalikan mo si Jon Cabron dito isa lang ang ibig sabihin niyan mahal mo siya bilang kaibigan, manunulat, o talagang tinamaan ang puso mo at hindi ka na makatulog o makakainnkung hindi mo siya nakikita ng personal o kahit man lang ang nakangiti niyang larawan, hehehe. LOL. :grinnod:

  8. hi… just read your blog today… i really love your blog… ngayon nlang ulit ako nakapasok sa site mo… lumipat k n pla… nung nsa pinas p ko everyday binbasa ko ung blog mo… nakakatawa sya.. at nakakaalis ng stress.. hope na you still continue make us happy… i really love it… and youre right… people who accept and understand what you write are the really people… because what you write really happens in life… keep it up!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s