cheche

ito ay entry para sa mga kababaihang nagdadalantao o mga nagpaplano pa lang na bumuo ng sanggol. ito ay sumisentro sa pagpapangalan ng bata, ilang milyon ang pupwedeng pangalan na magagamit mo sa anak mo at doblehin mo pa ‘yun para sa mga kumbi kumbinasyon. dapat mong isaisip na bilang magulang obligasyon mong pumili ng pangalan na alam mong hindi n’ya ikahihiya pagdating ng panahon.
iwasan n’yo sana ang palayaw na CHE CHE, kumpletuhin n’yo kung cherrilyn ang trip n’yo, o gawin n’yong cherryl kung gusto n’yong paikliin, at gawin n’yong cherry kung medyo nahahabaan pa kayo ..pero utang na loob ‘wag che che. at iyan ang batas na nakahanda akong ipagpalit ang dalawang kamay ko o pati ang buhay ko maipatupad lang ‘yan sa buong pilipinas.
ano ang punto ko, hindi ako palalabas na tao, lumalabas lang ako pag may gimik ang tropa. hindi ako ‘yung tipo ng tao na pupunta sa ibang lugar at mandidiskubre ng mga bagong tao para mga maging bagong kaibigan. madalas nasa loob lang ako ng kwarto at nasa harap ng computer, pero ilang che che ang kakilala ko ng personal? apat.
merong che che na asawa ng isang dating barkada, pangalan ng malayong pinsan, pangalan ng nanay ng isang kaibigan, at che che ang pangalan ng naglalako ng palitaw dati sa amin na miyembro pala ng budol budol. at bukod pa d’yan ang libo libong che che na makakasalamuha mo sa chat rooms. sa madaling salita, kung magaanak ka ngayon at papangalanan mong che che, at ang anak mo ay magaanak din pagdating ng panahon at papangalanan n’yang che che ang magiging apo mo, hindi malayong sa mga susunod na dekada lahat ng babaeng makakasalamuha naming mga lalaki ay che che ang pangalan. at kung nabababawan ka sa pinupunto ko, bibigyan kita ng isang simple pero matibay na punto. kung ang kalahating bilang ng mga lalaki pagdating ng panahon na ‘yun ay katulad kong engot na ipinapa tattoo ang pangalan ng gelprend n’ya sa parte ng katawan n’ya, naiisip mo ba kung anong posibleng mangyari? kalahati ng populasyon ng mga kalalakihan sa mundo na makakasalubong mo may tattoong che che sa katawan nila, at posible pang hindi lang isang che che ang mababasa mo sa isang katawan. at seryoso, napaka pangit tignan ng “CHE CHE” bilang tattoo. ang iskwater!
si che che lazaro at si che che ng sexbomb kaya lang mga payat ‘yun dahil hindi naman sila mga normal na tao, mga personalidad sila sa tv. pero isa isahin mo ang mga che cheng kakilala mo na mga normal na tao.. malaki ang porsiyento, kung hindi man lahat ang mga matataba. at nakahanda akong magpatali sa kahit na anong puno at papayag ako na sapakin n’yo ko sa mukha sa tatlong mapapatunayan n’yong che che ang pangalan, kilala n’yo ng personal, may idad na bente sinko pataas, at hindi mataba. bihira ang may pangalang ganun na hindi malakas kumain at isang malaking pagpapatunay dun na wala kang makikitang babae na nagngangalang che che saan mang lugar sa eutopia. bakit? hindi ko rin alam. isa sa misteryong hanggang ngayong ay hinahanapan pa rin ng kasagutan ng mga siyentipiko ay kung bakit ang isang babaeng may pangalang che che ay tumataba sa idad na bente singko paitaas, at oo, kaya kong patunayan ‘yan dahil nabasa ko ‘yan… nakalimutan ko lang kung saan.
seryoso, hindi lang sa mga ina o mga nagpaplanong maging ina, pati na rin sa mga ama ng tahanan, ang kauna unahang pagpapatunay ng pagiging mabuting magulang n’yo ay nasa pagpili ng magiging pangalan ng anak n’yo.
tulungan n’yo ko sa adhikain ko na ito na sa susunod na lima o sampung taon, wala ng bagong susulpot sa mundo na may pangalang che che. hayaan na nating ‘yung mga nabubuhay ngayon sa pangalan na ‘yan ang maging mga huling magdadala ng walang kadating dating na pangalang ‘yan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

30 thoughts on “cheche”

  1. che che. parang che! nang dalawang beses. di ba ibig sabihin ng che! ay “bwisit ka, wag mo kong istorbohin?” ahaha..
    ano bang meron sa mga pinoy ay gustong-gusto nila yung inuulit na pangalan?

    hmm.. buti wala akong kilalang cheche.

  2. Haha, Mukang nakalimutan mo rin bro na ang literal na ibig sabihin ng CHE CHE ay pagiging suplada. Isipin mo na lng pag naka-tatoo sa lalaki ang CHE CHE – parang napaka suplado ng tattoo mo.

    Cge, nagbabalak na kami ni Misis na magkaanak ng gril naman. At di namin papangalanan ng CHE-CHE. Btw – Sino nga ba si CHE CHE? may kinalaman ba sya sa buhay mo? hehe!

  3. Jon, ang tagal na nating magkaibigan at narealize ko ngayon na funny ka pala. Seryoso. Che-Che na naglalako ng palitaw na miyembro ng budol budol? Sooo funney!😆

    E pero, pano si Che Guevara na nasa T-Shirt ng maraming tao?

  4. hmmm..parang may halong sama ng loob si sir jon kay che che ah!
    siya ba ang unang babaeng sumugat sa iyong malusog na puso?
    nagtatanong lang :blush:

    kaya pala yung friend ko ayaw magpatawag ng che che at pinagdidiinan na cherry ang nickname niya..hahahaha! ayaw maging iskwater!

  5. Hahaha! Tama ka ung anak ng ka opisina ni m0ther ko Che Che name, ayun napabayaan sa kusina. At bukod sa CheChe madami pa akong alam na pangalang inuulit. Hmm..buti ikaw di naging Jon-Jon heheh :blush: Hahaha! Tama ka ung anak ng ka opisina ni m0ther ko Che Che name, ayun napabayaan sa kusina. At bukod sa CheChe madami pa akong alam na pangalang inuulit. Hmm..buti ikaw di naging Jon-Jon heheh

  6. Isa lng ang kilala kong Che-che.. un ung kapitbahay nmin na hanggang ngayon e pinaninindigan nyang inagaw ko ang bf nya (na naging first bf ko! hihihi) Hanggang ngayon di pa rin kme friends (kahit break na kme ni 1st bf)… kaya jon, isusulong ko yang panukala mo! :grinnod:

  7. sayang,yung friend ko na hinikayat kong mgbasa ng blog mo crush na crush ka nya lalo na nung nakita ka sa flicker.cheche kasi pangalan nya.sayang,napakaganda pa naman nya,maputi,5,8 ang height,tuwid at makintab ang mahahabang buhok.at ubod ng sexy kasi alaga sa gym.ilang beses na ring nananalo sa mga beauty pageant…..che-che…………………

  8. di ko alam baket parang may halong galit sa puso ang paninindigan mong wag ikalat ang pangalang yan..

    cge po sir jon pakatandaan ko,once na me bebe na ako,ikonsulta ko sau pede ipangalan..mahirap na bka ma-murder sa blog-world.. :no:

  9. Hindi Che Che ang pangalan ko. Hindi mo din makikita sa mga baby names book or site ang pangalan ko.

    Ang Kisty ay malayong palayaw sa tunay kong pangalan, ngunit ang tunay kong pangalan ay hindi mo rin makikita sa baby names book or site. Hehe!

    Nagpapasalamat ako sa parents ko na kahit napaka-unique ng name ko ay hindi siya kasama sa populasyong Che Che!

    Che!😛

  10. meron akong friend na cheche. pero di naman sya fat. tapos sooper sweet pa. parang opposite ng sinasabi mo. siguro kse hindi talaga nya name yun at nickname lang.

    akala ko pa naman dun sa 1st sentence ng post mo eh tungkol ito sa tip pano magka-baby. hahaha. palibhasa kse inip na ako mabuntis.

    eniwei, naalala ko lang dahil ang topic mo ay tungkol sa mga pangalan. meron ako kasamahan sa work ang surname – PRING (unang pumasok nga sa isipan ko, joe pring). tapos ang first name nya. IRISH. — wala lang naman, nai-share ko lang. (sabon na sabon ang dating.hehe.)

  11. habang binabasa ko ang entry na to isa-isang bumandera sa utak ko ang mga pangalan ng mga kakilala ko. at yun nga, may dalawa akong kakilalang cheche. hindi pa lagpas sa 25 yung isa, pero nasa horizontally gfited side siya dahil kapapanganak lang; yung isa naman eh lagpas na sa 25 pero hindi naman katabaan. sayang. isa na lang pala at pwede na kitang ipatali sa puno. hehehe.

    for the record ang nickname ko noong bata ako ay…

    nel nel.
    😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s