hmmmnomnomnom!

sapat na sana ang mga komento at mga hayagang pagpaparamdam ng appreciation na nanggagaling sa mga mambabasa ko, mula nung sinimulan ko ang blog ko magdadalawang taon na ang nakakalipas hanggang nung isang araw, hinding hindi pumasok sa isip ko na may isang nilalang na matutuwa sa akin, at iintindihin ang kalam ng sikmura ko. lalo na, isang babae. dahil, seryoso, sino ba naman ako?

maraming salamat sa garden fresh salad, sa 1 piece chicken, gravy, fruit chuva, sa muffin, at sa osong stuff toy. oo, sa idad ko na ‘to nakatanggap pa ‘ko ng stuffed toy. at bilang isang matapat na haligi ng tahanan naikuwento ko kay mrs. cabron ang regalong natanggap ko mula sa isang kaibigan. sinong mag aakalang dahil sa impormasyon na may isang babaeng natuwa sa asawa n’ya kaya nagbigay ng pagkain at stuff toy ay magiging mitsa para gamitin n’ya ang isa sa pinaka laspag ng karapatan ng mga kababaihan, ang karapatang maghurementado ng wala namang dahilan.
halos dalawang araw din akong hindi kinibo ng babaeng ‘yun. nahirapan akong kumbinsihin s’ya na walang malisya ang lahat ng ‘yun. tinanong n’ya ko kung sa kanya daw ba ay magbibigay ng regalo at pagkain kung ok lang daw ba sa akin?
.. mrs. cabron, ako ay isang internet celebrity. maraming nakakakilala sa akin, natutuwa, at nagmamahal ayoko namang saktan ang mga loob nila kung sa mga pagkakataon na maisipan nilang magbigay ng kahit na anong regalo para lang maipadama sa akin ang pagmamahal nila ay mapahihindian ko sila. nagpapaka gentleman lang ako.
at ‘wag mo ‘kong tanungin kung bakit sa ikinasama sama ng mga entry ko tungkol sa mga kababaihan ay nakukuha pa rin nila akong mahalin dahil hindi ko rin alam. basta nangyari na lang ang lahat lahat at naging parang musikang pampatulog ng bata ang mga entry ko sa kanila, at silang mga kababaihan ang mga mistulang mga sanggol na hindi makakatulog hangga’t wala ang musikang ‘yun… at ang mga miminsang pagtatapik at paghe hele ko sa kanila.
at sa tanong mo kung pag sa’yo ba may nagbigay ng regalo kung anong magiging reaksyon ko? simple lang,  ihihilamos ko sa kung sino mang kups na ‘yun ang kahit na anong matatanggap mo. dahil iha, hindi ka sikat at dahil dun kung may magbibigay man sa’yo ng kahit na ano nasisigurado kong pag ibig ang dahilan nun.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

25 thoughts on “hmmmnomnomnom!”

  1. awwww. sweet naman. at ultimate ang pagka-concern sa’yo kse healthy food ang pinadala —> sa garden fresh salad, sa 1 piece chicken, gravy, fruit chuva, sa muffin

    mrs. cabron, ako ay isang internet celebrity,
    hindi pa sya ready sa mga ganyang inpormasyon. baka hindi pa nya matanggap ang pagiging sikat mo. …balang araw

    pero bilib ako sa courage mong sabihin sa kanya na may nagpadala sa’yo…naniniwala akong wala ngang malisya sa yo yun🙂

  2. err.
    pink?! whata feigot.

    sa mga nagmamahal kay mrs cabron:
    kung nagbabalak ka na magbigay ng kung ano man kay mrs cabron, ipinapayo ko na seaweed facial mask okaya kaya mudpack yung ibigay mo.
    libre facial mula kay mr. cabron..

    FACIAL. whata funney.😆

  3. “…ihihilamos ko sa kung sino mang kups na ‘yun ang kahit na anong matatanggap mo. dahil iha, hindi ka sikat at dahil dun kung may magbibigay man sa’yo ng kahit na ano nasisigurado kong pag ibig ang dahilan nun.”

    oo nga naman. tama.

    yun nga lang ang bakla ng pagka spelling ng mighty.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s