09/09/08

normal ang simula ng araw ko kagabi bago pumasok sa trabaho bukod sa umuulan. medyo naghintay ako ng ilang minuto sa terminal ng bus, pero nangyayari talaga ‘yun kahit walang ulan, at kagabi buo sa isip ko na walang paraan para ma – late ako.  nagbago ang lahat pagdating ng bus sa magallanes, halos hindi na gumagalaw ang sinasakyan ko at buhol buhol na ang mga sasakyan sa kalsada. andaming mga kotse na nakatigil na lang sa magkabilang side ng kalsada dahil natatakot silang lumusong sa mataas na baha.
kinse minuto bago tumuntong ang alas diyes, nagpa abiso na ‘ko sa papalitan ko sa opisina namale late ako.
trenta minuto bago mag alas onse, naisip ko na ang idea na nastranded yata ako at kwarenta minuto bago mag alas dose dun ko natanggap na ay putangina stranded na nga ako sa kalsada. at pagkatapos nun hindi na ako tumingin ulit sa orasan ng celfone ko. halos tatlong oras mahigit ako sa byahe bago ako nakababa sa vito cruz, ansakit sa balakang at ang sama sa pakiramdam na inabot ka ng ganung oras. ilang minuto din akong nag abang ng jeep, walang dumadating. tinitignan ko ‘yung mga sasakyan sa harap ko, walang gumagalaw. napilitan akong mag pedicab sa kontratang pang taksi, two hundred fifty pesos, makarating lang.
walang trapal ‘yung sasakyan kaya basang basa ako, mula vito cruz ibinalik n’ya pa ‘ko sa may cash and carry dahil dun lang may bakanteng malulusutan para makatawid kami, ilang eskinita ang sinubukan namin para makaiwas sa mas malalalim na baha. basang basa na’ko, nagrereklamo na ‘yung tiyan ko na kinukunsinti naman ng ginaw na nararamdaman ng buong katawan ko. taena! hindi sa kabaklaan pero awang awa ako sa sarili ko nung mga oras na ‘yun.
ala una kinse na’ko nakarating sa opisina sa dapat na oras kong alas diyes. wala akong bitbit na tsitsirya, walang tubig, walang 3 in 1 na kape, at wala kahit babolgum.

at ang pinakamasaklap, basang basa ang birkenstock ko.. putang ina!
ako: male late ako ng dating, stranded ako dito sa pa buendia.
ikaw: uuwi na ko.
ako: bahala ka, pero andito pa rin ako sa buendia.
ikaw: wala akong paki. late ka.

wala kang paki dahil late ako? sinasabi lang ‘yan sa mga pagkakataon na tinanghali ako ng gising kaya mahuhuli ako sa oras ng trabaho o kaya ‘yung tipong nagkandirit pa ako para pumasok sa opisina kaya ambagal kong nakarating. lilinawin ko lang na male – late ako kse stranded ako sa magallanes dahil sa lakas ng ulan at taas ng baha. hindi ako ang drayber ng bus na pwedeng dumiskarte ng takbo at hindi ako diyos para gumawa ng himala para makadiskarte ‘yung drayber na ‘yun dahil sa totoo lang, walang paraan.
hindi ko rin magugustuhan na hintayin mo ‘ko ng ganung katagal dahil alam kong abala ‘yun at alam naman natin na walang bayad ‘yun. pero umaasa ako ng pag intindi sa’yo dahil alam mo naman siguro ‘yung sitwasyon.. o maaaring mali ako na nagtiwala sa’yo na normal na tao kang may pakialam sa paligid mo.
kung nagkataon na nung umalis ka nagkaproblema sa opisina habang wala pa ako, ilalaban ko kahit san tayo makarating na wala akong sagutin sa kahit na ano dun, kahit mawalan ako ng kaibigan at trabaho.
ipaglalaban ko na hangga’t hindi pa dumadausdos ang ID ko sa machine, normal na tao pa rin ako, at sa sitwasyon na ‘yun kagabi, hindi pa tumatakbo ang oras ko kaya bukod sa pagiging tao, pasahero pa lang ang papel ko nun sa mundo. hindi pa empleyado, hindi pa bayaran.

.. bigla akong tinamad magtrabaho. nakakasawa magpakatino.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

12 thoughts on “09/09/08”

  1. grabe naman sya.kasi kung sakali na hindi ka nya mahihintay kasi me lakad o kumpormiso sya o talgang kelangan na talaga nyang umalis eh wala naman masama.pero sa paraan ng pagsagot nya na wala syang paki-alam,napakasama naman ata ng ugali nya.at ipinag diinan pa nyang late ka?kakarmahin din sya.

  2. ok lang yan..
    pero wag kalimutang gumanti sa ka-opisinang wlang halang ang puso..

    he he he he..

    peace-lovin ka ba??

    last year umulan din ng pagkalakas-lakas ng 11:30pm ng gabi 09092007..
    bat alam ko…kase pagkatpos na pagkatapos ng magsiuwian ng mga guest sa wedding nmin,tska bumuhos ang malakas na ulan…

    lets see if next year umulan din..

    :no:

  3. Jon,

    Force majeure ang tawag dyan at tama ka ser Jon wala kang sagutin sa opis during that time dahil sa baha or bagyo (force of nature) na naka engkwentro mo on your way sa office kaya kahit sinong poncio pilato walang laban sa iyo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s