pakiusap lang

isang bagay na ayokong ayoko na ginagawa sa akin ng mga kababaihan ay ‘yung ginagamitan nila ako ng ganda nila, alam mong maganda ka at alam kong alam mo na kaya ‘kong ipagpalit ang kaluluwa ko sa lapis kapalit ng isang minutong halik lang sa earlobes mo. matiwasay kong natapos ang 10pm to 6am na shift ko at palabas na ‘ko para mag-swipe ng id ko hudyat ng panandaliang pagkalas ko sa opisina ng may isang malamig na boses na nagtanong at nanggaling sa likuran ko “midnight ka na jon? pauwi ka na?” hindi ko alam kung hindi pa ba give away sa’yo ang gusot gusot na buhok ko, ang eyebags ko, at ang mukha kong p’wedeng maka puno ng isang bote ng mantika pag piniga para magtanong ka pa ng ganyan sa akin o ang polo kong suot na gusot at halatang kakagaling lang sa pagkakahiga sa ilalim ng table ng boss ko. pero isa lang ang alam ko, ginagamitan mo ‘ko ng alindog mo dahil alam mong pagkaganda ganda mo nung umagang ‘yun at alam mong sakto sa pulbo ang mukha mo at umiilaw ang kutis mo sa kaputian.. hindi rin maililihim sa akin na sinadya mong lagpasan ako nung napatigil ako para pagmasdan ang itsura mo, dahil intensyon mo talaga na maamoy ko ang buhok mong amoy shampoo at ang katawan mong amoy bambini na cologne… at nung umakyat tayo sa hagdan na may dalawang palapag, napalunok ako ng panis na laway nung halos isang dipa na lang ang layo ng balakang mo sa mukha ko. ibang klase ka at alam kong alam mo ‘yun. 
habang binubulatlat ng gwardya ang bag ko at ikaw naman nakatalikod at hinahanap ang time card mo at patingin tingin sa akin dun na nabuo sa isip ko ang intensyon mo, pangahas na babae! katulad ka din ng iba, aakitin mo ko at sa oras na magtapat ako sa ‘yo ng pagmamahal ko dun mo na bibitawan ang baon mong “sorry jon, may boyprend na kse ako” at ang kaiporitahan na alok ng pakikipag kaibigan “friends?” at ang sampal ng katotohanan “ano ka ba! may pamilya ka na” at wala akong pagpipilian kundi ngumiti ng mapait, at kagatin ng madiin ang labi ko kasabay ng isang halos pabulong na salitang “ok lang” at alam kong unti unti akong maglalakad palayo habang iniiwan kitang may tamis ng tagumpay sa mga mata… at ako, pagkasara ko ng pinto ng department n’yo magpupumilit ihakbang ang mga paa kong namimigat sa pagkahaba habang hagdan pababa at palayo sa opisina n’yo, diretso sa banyo at duon ko idadausdos ang likod kong nakasandal sa naninilaw na tiles ng banyong panlalaki habang sapu sapo ng mga palad ko ang buong mukha ko at kumakawala sa mga pagitan ng mga daliri ko ang mga luha ng pagkabigo at pagkasawi, at pag napagtagumpayan ko ng maabot ng pwet ko ang sahig ng banyo mula sa pagkakadausdos, dun ko na papakawalan ang mga impit na hikbi, at maguunahan ang pagtanggap sa realidad o ang pagkaubos ng mga luha sa mga mata ko para itulak akong tumayo at maghilamos para itago ang pinagdaanang pait ng pagkabigo. alam ko na ‘yan.
simple lang naman ang punto ko, kung hindi ka rin lang handang pumasok sa isang bawal na relasyon at kung wala rin lang sa bokabularyo mo ang manira ng pamilya..  ‘wag mo na lang akong pansinin.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

19 thoughts on “pakiusap lang”

  1. “…diretso sa banyo at duon ko idadausdos ang likod kong nakasandal sa naninilaw na tiles ng banyong panlalaki habang sapu sapo ng mga palad ko ang buong mukha ko at kumakawala sa mga pagitan ng mga daliri ko ang mga luha ng pagkabigo at pagkasawi, at pag napagtagumpayan ko ng maabot ng pwet ko ang sahig ng banyo mula sa pagkakadausdos…”
    NYETANESS, di ko ma-imagine na ikaw ang gumagawa neto jon!😆

  2. ahm. kasalanan mo nadin yun kung magpaakit ka nga. mas pinalakas mo pa ang pwersa nung chiks kasi naglumpasay ka pa sa banyo. ew. daming germs nun.

    alam mo maganda at maalindog din naman si mrs cabron kaya wag ka nang mag anu-ano jan. kei?

  3. “…diretso sa banyo at duon ko idadausdos ang likod kong nakasandal sa naninilaw na tiles ng banyong panlalaki habang sapu sapo ng mga palad ko ang buong mukha ko at kumakawala sa mga pagitan ng mga daliri ko ang mga luha ng pagkabigo at pagkasawi, at pag napagtagumpayan ko ng maabot ng pwet ko ang sahig ng banyo mula sa pagkakadausdos…”

    –at habang ginagawa mo to ay may tumutugtog ng…”kung liligaya ka sa piling ng iba…”

    grabe pwede ka na sa PHR pocketbooks…nakakaiyak ang imahinasyon mo….

    at muli,uulitin ko,handa ako sa lahat ng maaaring mangyari…

  4. mapanuksong mga babae! wag mo silang pansinin sir jon… hayaan mong sila ang maakit sa iyo… sa nakikita ko.. patay na patay sa iyo yung babae na yun.. at pilit lang niyang inaalam ang kalagayan niya sa iyo dahil ayaw niyang siya ang maging aggressive.. at kung darating man ang panahon na sabihin mo ang nararamdaman mo.. malay mo hiritan ka niya ng… “sa wakas akin ka na jon!” o di ba?!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s