isang munting payo para sa mga kababaihan

ito ay isang payo lang para sa lahat ng mga kababaihan sa buong mundo. alam kong buhat nung nagsimula kong buksan ang blog na ito, naging medyo masagwa na ang tingin sa akin ng mga eba. pinaratangan akong bastos at walang galang sa mga kababaihan at isang chauvinista, kaya sa entry na ito, kayo naman ang kakampihan ko.
at ang payo na ito ay isa sa pinakaimportanteng payong matatanggap mo sa buong buhay mo dahil ito ay tumatalakay kung papano mo masasagip ang pamilya mo, partikular ang relasyon n’yo ng asawa mo.
una sa lahat dapat mong matanggap na walang perpektong pagsasama sa mundong ‘to. walang kahit na sinong padre de pamilya ang nabuhay at namatay ng hindi nagkaron ng relasyon sa ibang babae sa gitna ng pagsasama nila ni misis. sa maniwala ka man o sa hindi. kahit maghanap ka ng isang mag asawa sa paligid mo, sa loob o labas ng bahay n’yo.. wala kang makikita na A1 sa perpektong pagsasama. maaaring meron kang kakilala, pero hindi mo alam ang lahat.
lahat ng perpektong relasyon na naiisip mo ay puro nasa libro lang, puro pangiliti lang sa imahinasyon na parang unicorn na tumutulay sa bahaghari para abutin ang dulo nun na pinagtataguan ng isang baul ng kayamanan. walang katotohanan.
pangalawa, pag natuklasan mo na ang lalaking kinakasama mo ay may ibang babae, wala kang dapat gawin kundi tumahimik na lang. hindi mo kailangang magbunganga dahil maniwala ka sa akin na nasa losing side ka sa mga pagkakataon na ‘yun. wag mo s’yang bigyan ng dahilan para iwanan ka n’ya at sumama ng tuluyan sa babaeng ‘yun. hindi mo dapat dagdagan ng batong pabigat ang isang taong unti unting lumulubog at nalulunod. ngayon, kung sa tingin mo ay hindi mo na kaya at parang sasabog na ang dibdib mo.. humiga ka sa kama, tumagilid ka, at dun mo ibuhos ang sama ng loob mo. walang away, walang problema.
basta isipin mo lang na hangga’t sa’yo umuuwi ang lalaki at hangga’t hindi naman nagkukulang ang perang natatanggap mo galing sa kanya, nasa kontrol pa ang lahat. tanggapin mo lang na dadaan at dadaan talaga sa ganyan ang lahat ng kalalakihan sa mundo minsan o madalas sa buhay nila. kumbaga sa destinasyon, hindi ka makakarating sa alabang kung hindi ka dadaan ng sucat, o maaaring may ibang paraan.. pero mapapagod ka lang sa byahe, at nasa sucat ang kasiyahan.
pangatlo, kung sakaling pag uwi ni mister at may makita kang chikinini o bakat ng lipstick sa kanya, tumahimik ka na lang, huwag na huwag kang kikibo o magtatanong dahil maniwala ka sa akin, oras na masukol si mister at napilitang umamin sa kasalanan na nagawa n’ya.. para mo na ring binuksan ang pandora’s box at buong buhay, oras oras, at gabi gabi kang dadalawin ng malalaman mong ‘yun sa panaginip mo.
pang apat, huwag na huwag kang aalis ng bahay n’yo at mananakot na lalayas. dahil sa maniwala ka sa akin, napakalabo ng posiblidad na sunduin ka n’yan pabalik. tandaan mo ang taong naghahanap ay merong hindi nakikita. ang ibig sabihin, kung may kulang sa loob ng bahay n’yo… hahanapin ng lalaki ‘yun sa labas. para mo na rin s’yang pinirmahan ng karapatang ipagpatuloy ang ginagawa n’ya kung aalis ka.
pang lima, bawal na bawal  na aawayin o kukumprontahin mo ang babae ng mister mo, bakit? sa dahilang ang simpatiya ng lalaki ay nasa kanya sa mga panahon na ‘yan. kahit anong mangyari, kahit masampal ka pa ng babaeng ‘yun o mabuhusan ka n’ya ng alak.. s’ya pa rin ang lalabas na kawawa dahil nanugod ka! .. at iyon ang batas ng buhay.
ang dapat mong gawin, alamin mo ang birthday n’ya o ang anniversary nila ng asawa mo at sa oras na dumating ang panahon na ‘yun, magpadala ka ng fruit basket o ipagcross stitch mo ‘yung babae ng mga design na sa tingin mo ay magugustuhan n’ya.. at sa ganyang paraan, maniwala ka sa akin.. unti unti mo uling makukuha ang loob ni mister.
at sa huli, dapat mong malaman na hindi man lahat pero karaniwan sa isang nasisirang relasyon, merong dalawa lang na uri ng magkapareha.. lalaking marupok sa pagiwas sa tukso at isang babaeng mahina ang loob na tanggapin ang katotohanan.

mrs cabron,
kung sakaling dumating ang pagkakataon na mabasa mo ang entry ko na ito, at alam kong ayaw mong pagdaanan ang lahat ng ‘yan

alam mo na ang gagawin mo,
bago pa tayo umabot sa ganyan..

ayusin mo!!!!

nagmamahal,
Jon Cabron

PS.
at sa mga giliw kong mambabasa, alam ko na ang naiisip n’yong itanong sa akin.. at ang sagot ko ay ito:
hindi pwede, dahil hindi pantay ang lalaki at babae sa isandaang libo mahigit na dahilan. at maniwala ka sa sinabi ko na ‘yan, bakit? .. dahil sinabi ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

35 thoughts on “isang munting payo para sa mga kababaihan”

  1. hahaha! second the motion ako dyan sa mga sinulat mo..nakakatawa pero sa tingin ko totoo…laban na naman ito ng babae sa lalaki pero ganun talaga ang buhay…dapat matuto tayong tumanggap ng kahinaan ng bawat isa…hindi naman porke’t nambabae ay hindi na nila mahal ang mga asawa/gf nila… ayun lang siguro masasabi ko.

    ang kulit ng letter kay mrs. cabron…maiksi pero malaman..haha! ayusin mo!!!

  2. malayo pa naman ako sa mga realidad ng pag-aasawa ngunit datapwat subalit sumasang-ayon ako sa ilang puntos na inilahad mo dito. gayunpaman, kung ibinibigay naman nang iyong butihing kabiyak ang iyong pangangailangan, bilang isang lalaki, isang asawa at bilang tao, bakit ka pa titingin sa iba? tulad nga ng iyong sinabi, ang taong naghahanap ay mayrong hindi nakikita, ngunit kung nakikita mo naman lahat ng dapat makita, bakit pa maghahanap kung nandiyan na?

    marahil ay isipin ng iba ay immature ng sinabi kong ito, at inaamin ko naman dahil tulad nga ng sinabi ko, malayo pa ako sa mga realidad ng pag-aasawa. at malugod kong tatanggapin ang anomang matalinong pagsagot sa kumento kong ito. siguraduhin lang na matalino at pinagisipan dahil baka pag tawanan lang kita kung ipapakita mo ang iyong kabobohan.

    oh well, para nga pala sa mga kababaihan ito ni manong jon. he hehe. plurk!

  3. madalas kong maisip yang tips mo na yan pag nanonood ako ng drama sa tv. bakit ba parang hindi nag-iisip ang misis sa mga soap opera at susugurin yung kabit, eh di nagkaron tuloy ng pagkakataong magmukhang kawawa yung kabit.

    pinakamaganda siguro eh kumalma si misis at mag-isip ng isang magandang psychological battle plan para matalo ang kabit. dapat sweet pa rin sya kay mister habang may pinaplano syang masama. maaring may kinalaman sa muriatic acid, mga hitman o isang dumpsite sa angono ang planong ito. pero dapat sikretong malupit at malinis ang pagkakatrabaho ng mga goons ni misis, para mukha syang mabait at hindi kaduda-duda kay mister.

    isa pa dapat ang mga misis mas malandi sa mga potential kabit. wala, naisip ko lang.

  4. Sangayon ako sa mga sinabi mo. Sana lang huwag namang abusuhin ni mister ang pananahimik ni Misis. Sana naman isipin din ni Mister na kapag tinurutot siya ni misis o kaya’y inipotan sa ulo, baka siya pa ang maghuhurumentado. Palagay ko mutual ang pagrespeto sa damdamin at prinsipyo ng bawat isa. At sa totoo lang mas malaki ang kalamangan ng mga lalaki sa pagloloko sa kanilang asawa kay sa mga babae. Loopsided nga ang nangyayari, pero sa mata ng Diyos ano mang bagay na masama na ginawa mo sa iyong kapwa ay pagbabayaran mo rin sa darating na araw.

  5. nagawa ko halos lahat yang 6 na payo mo..ngunit dahil mahina ang loob ko na tanggapin ang katotohanan inisip ko na lang gayahin sya… kaya pinagpalit ko din sya sa kapwa ko babae…success! nasaktan ko din sya sa wakas. :nod:

  6. pero pag gumanti din ang babae ng ganung kasalanan, nasasaktan din siya bandang huli… tandaan na lang niya na nasa kanya ang panig ng batas…ung other woman, talo un. kahit pa anong gawin ng isang yun, sa legal wife pa din mapupunta ang lahat ng karapatan.

  7. mr cabron,

    pinupugay kita. kahit babae ako, naniniwala ako sa lahat ng tips na sinabi mo. tried and tested based on experience yan. maraming bagay na binanggit mo ang masasabi kong ganun dapat ang ginawa ko.

    pero mas pinili ko ang otherwise, yun nga lang, pinangatawanan ko na lang yung mga desisyon ko out of it.

    isang dagdag na tips para sa kababaihan, kung hindi mo kayang pangatawanan ang pagmamatapang at pagmamatigas, mas mabuting manahimik ka na lang…muna. then kapag kaya mo na, saka ka na rumatsada!

    nagmamahal,

    lyzius

  8. kung sakaling magkatuluyan kami ng bf ko at magkaganyan siya..kaya kong gawin yung mga payo mo..kase may punto ka naman talaga sir jon..palakpak!

    basta kailangan 24 hours siyang dilat..
    kase pag natulog siya..dun ako reresbak..
    puputulin ko kaligayahan niya promise!!😛
    100% yung kulasisi niya na ang kusang kakalas :no:
    at ako winner!!! hehehe!!😆

  9. alamin mo ang birthday n’ya o ang anniversary nila ng asawa mo at sa oras na dumating ang panahon na ‘yun, magpadala ka ng fruit basket o ipagcross stitch mo ‘yung babae ng mga design na sa tingin mo ay magugustuhan n’ya <— greatest advice ever!!!woooo!!!

  10. tama un mr jon ayis yan…kaso ako isa sa mga kabit now.pero gusto ko ng itama ang pag kakamali ko pero umiiral pa din ang love at awa ko sa knya.ano dapat ko gawin ????…

    1. to anonymous> bkit k naawa?home recker k!d kb naawa s aswa ng kabit mo?kayong mga kabit mangaagaw na haliparot pa.di nyo naiisip un anak n naapektuhan.di mo naisip panu kng yun anak mong babae mgkaron ng kabit ang asawa,mraramdaman mo rin ang skit doble p dhil anak mo yun..layuan mo na un lalaking my asawa,humanp k ng binata na ala ka nasasagasaan na tayo….😐

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s