ang entry na walang pamagat

halos dalawang taon o eksaktong dalawampu’t dalawang buwan binuksan ko sa mga internet users ang blog ko, nabuksan sa kanila ang nilalaman ng utak ng isang taong nagtatrabaho sa isang hotel na mas mahal pa sa sogo hotel, laging sira ang tiyan, at may matinding takot sa ipis.. naging isa ang blog na ito sa ilang mga blog na nagdomina sa BOTD ng wordpress nung unang panahon, hanggang nag feeling asenso at  nagdotcom, nagyabang at tumigas ang bungo kasabay ng lalong pagtalas ng dila.. at isinilang ang “teh mighty jon cabron show”
sa loob ng mga panahon na ‘yan, andami ko ng pinagdaanan kasama ang blog na ito, masasabi kong halos lahat ng uri ng personalidad sa mundo ng pagba blog bumisita o naligaw na sa mundo kong ito. kabilang na dun ang mga taong sumasalungat sa mga pinagsasasabi ko sa blog na ‘to. minsan naiisip ko na ang pagba blog ay parang isang uri ng mikropono, ito ang armas mo sa mundo para marinig ang boses mo. masasabi mo lahat ng gusto mong sabihin gamit ang armas na ‘yun pero dapat mong tanggapin na hindi lahat ng makakarinig ay papalakpak sa’yo at tatango sa lahat ng mga sinasabi mo, dapat mong tanggapin na marami ding magsusulputan dyan na matapos mong magbitaw ng ilang salita, tatalikuran ka na para pagsaraduhan ka na ng tenga nila. simple lang ang ibig sabihin nun, hindi ikaw ang tigapag salitang hinahanap nila.
meron ding mga bisita na hindi sila makuntentong manood at makinig lang, aakyat sila sa entabladong kinatatayuan mo, at ilalabas nila ang mga pangontra sa mga sinasabi mo para hindi mabulgar ang tunay na intensyon nila, ang agawin ang mikroponong hawak mo. pero palabas mo ‘to at nasa ‘yo ang lahat ng paraan para mapanghawakan ng mahigpit ang mikroponong gamit mo at ang kontrol ng palabas.
matapos ang laban maitatanong mo, bakit kaya hindi sila humawak ng sarili nilang mikropono at gumawa ng sarili nilang palabas? .. at dun mo maiisip kung gaano ka epektibo ang bitbit mong mikropono. pinipilit agawin dahil umaasa sila na lahat ng mga gusto nilang sabihin, masasabi nila ng kasing lakas ng pagkakasabi mo kung gagamitin nila ‘yang armas na hawak mo. napakasarap magblog.
simple lang ang takbo ng mundong ‘to. hindi ako kusang sumulpot sa mga harap ng computer n’yo, kayo ang pumunta dito, respeto lang. hindi ako santo papa para sambahin n’yo ang mga pinagsasasabi ko at hindi ako presidente ng pilipinas para magulo ang buhay mo sa mga sa paningin mo ay maling pinagsasasabi ko at kontra sa gusto mo.
maraming nagagalit sa paraan ko ng pagsusulat, at sa totoo lang natutuwa pa nga ako sa mga kumokontra sa akin, dahil dun ko natitimbang kung gaano kalakas ang impluwensya ko sa mga mambabasa, magsusulat ako ng entry habang umiinom ng kape, naninigarilyo, at nagkukuyakoy.. lalabas ang entry, mababasa nila at masisira ang mundo nila at habang relax na relax ako, nagpuputukan ang mga ugat sa batok nila sa galit sa akin. kung galit dahil kontra ako sa gusto nila o dahil nagagalit sila dahil nasasabi ko ‘yung mga bagay na hindi nila kayang sabihin. hindi ko alam.

isang mensahe lang, huwag n’yo kong seryosohin masyado dahil ang pinagsasasabi ko dito, sa maniwala kayo o sa hindi… hindi makakapag pabago ‘yun sa takbo ng buhay mo. hanggang saglit na pangkiliti lang at konting patuka sa utak ang kaya kong ibigay. ibig sabihin, kung ang boses mo ay nabibigyang pansin lang pag nagaabot ka ng bayad o pumapara sa jeep, ganun pa rin ‘yun pagkasara mo ng blog ko at pagka shutdown mo ng computer. kulangot ka pa rin at wala pa ring halaga ang boses mo sa mundo.

ang suliranin dito, hindi sa kung papano ko isinusubo at ipinapakain ang mga bagay bagay na sinasabi ko para sa mga mambabasa ko, ang problema dito e may mga taong nginunguya ng pira piraso ang mga sinasabi ko.. at nilulunok bago pa nila malasahan ang gusto kong sabihin.

madali lang magblog, madali lang magsulat, alam n’yo kung ano ang mahirap?
ang bigyan ng kamay ang sinusulat mo para kusang humigit at yumakap sa utak ng mambabasa mo.

– Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

15 thoughts on “ang entry na walang pamagat”

  1. uhmm. bakit ang drama?
    sabagay. totoo naman. madaming aagaw ng eksena. eh kung gumawa nalang sila ng sarili nilang blog. mapapansin at mapapansin din naman yun. makakahanap din sila ng audience na gusto nila.
    pero sa palagay ko ay boloks yun at super one sided.
    dito kasi sa blogosphere. pag nagsulat ka, dapat talaga handa ka din sa mga pagtuligsa. (ew sounds like pigsa) at hindi puro papuri lang.
    :nod:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s