re: xxx scandal

hindi ba malaya na ang mga babae ngayon? may karapatan ang babaeng magsuot ng kahit anong gugustuhin niya, maikli man o hindi. may karapatan siyang sumama sa kahit sino, kilala man niya o hindi. hindi ba’t may choice naman yung lalaki na wag i-video yung pagtatalik nila? hindi ba may choice yung lalaki na wag i-blackmail yung babae? hindi ba’t yun ang dapat mong batukan? dahil siya ang may ginawang masama? kahit kelan hindi naging kasalanan ng babae ang rape kahit pokpok pa siya. hindi naman nagrereklamo yung babae dahil sumama siya sa lalaking di niya kakilala. nagrereklamo yung babae dahil pinagsamantalahan siya.
anonymous

karapatan ng kahit na sinong babae na gawin ang gusto n’ya at isuot ang kahit na anong sukat ng damit kung saan s’ya kumportable, pero bilang tao obligasyon mong pangalagaan ang sarili mo ano mang oras. kaya hindi idinisenyong di-roskas lang ang ulo ng mga tao ay dahil alam ng diyos na kakailanganin natin ang utak natin 24/7. nung bata ka pa ang problema lang na nakakasalubong mo ay mga tipong sagot lang sa one plus one, paglaki mo ng konti, magiging sagot naman sa kung magsasando bra kana ba sa pasukan o diretso bra na, at ilang panahon pa dadaan ka na sa mga matematikang ano kaya ang mangyayari pag sumama kang makipag inuman sa mga lalaking hindi mo naman masyadong kilala at magsusuot ka ng maikling damit sa inuman? o ano kaya kung makipag sex ako sa harapan ng laptop ng lalaking sa online ko lang nakilala? ,, at sa mga magiging sagot mo sa mga katanungan na ‘yan malalaman kung gumraduate ka na ba sa tanong na one plus one.
ikinalulungkot kong hindi ko naipaabot sa’yo ang mensahe ng entry kong ‘yun. nung bata ako sinisisi ko ang titser ko pagkatapos ng halos limang oras na panonood ko sa pagmomonologue n’ya ay umuuwi akong kasing bobo pa rin nung umagang pumasok ako sa klase n’ya, at ngayon naiintindihan ko na, ginawa ng titser ko ang nararapat.. naging tanga lang ako.
pinili kong iwasan ng idetalye kung paanong dapat sunugin sa impiyerno ‘yung mga demonyong gumawa nun, dahil naniniwala akong alam na ng lahat ‘yun, mas tumutok ako kung papanong dapat nagingat ang mga kababaihan para hindi nila makasalamuha ‘yung mga demonyong ‘yun.. humihingi ako ng pasensya dahil iniasa ko sa intelligence level ng mga mambabasa ko at mga maliligaw sa blog ko ang lahat.
sang ayon ako sa sinabi mo na kahit kailan hindi naging kasalanan ng babae ang rape, pero paninindigan ko na pag sumama s’ya sa hindi n’ya kakilala dahil ginamit n’ya ang karapatan n’yang ‘yun, nakipag inuman s’ya, nagpakalasing na halos mawalan na s’ya ng malay, at nagahasa, katangahan ‘yun.. isang katangahang paraan ng pag gamit ng karapatan at alam mo kung anong parusa dun? batok.
bakit ko nabanggit ang maikling kasuotan sa entry ko tungkol sa palabas na ‘yun? dahil ‘yung isang nagrereklamo na tinakot na ikakalat daw ‘yung malaswang kuha n’ya nung nag anuhan sila nung ka eye ball n’ya.. naka suot ng sexy na damit at paseksi umasta, ano ang punto ko? wala akong pakialam kung magsisimba ka at mag micro mini ka, wala akong pakialam kung pupunta ka sa mall ng naka pekpek shorts, pero ‘yung lalabas ka sa tv para ibangon ang dangal mo matapos kang “gawan ng kahalayan” at nakaganung suot ka at ganung asta, sinong tanga ang magbibigay ng puntos ng kredibilidad sa’yo?
pag tumalon ka sa balon ng naglalagablab na apoy walang pipigil sa’yo dahil karapatan mong sunugin ang katawan mo ikaw ang may ari n’yan pero ‘yung katangahang ginawa mo sa pagtalon dun hindi mo p’wedeng pagtakpan ng pagiging mabangis ng apoy. ang apoy ay nakaprogram para sumunog, at ikaw para umiwas sa init n’un.
naaawa ako sa’yo iha, dahil lumalabas na mas kumportable ka pang magsuot ng maikli habang nakikipag inuman sa lalaking hindi mo naman kakilala bukod sa chat nick n’yang “mackyboy_mola” , makipag sex sa harap ng laptop n’ya at magtiwalang hindi nakabukas ang webcam dun, kesa ilagay ang pangalan mo at magpakilala sa akin bago ka magcomment dito.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

31 thoughts on “re: xxx scandal”

  1. Yes, Anonymous, may choice yung lalake na wag i-video ung pagtatalik nila at wag i-blackmail yung girl pero wag kang umasa na lahat ng lalake pipiliin yung tamang choice. Bottom line is, we are responsible for ourselves at kung ano man ang consequences ng choices natin bilang babae, dapat nating panindigan. Blaming other people for one’s wrong choices is proof of one’s weakness.

    Maglalagay ako ng emoticon para di masyado serious😆

  2. iha. ibig sabihin batang babae. natural mente may pagkaengot-engot pa yan sa mundo kaya nga binigyan ng magulang ang mga bata, para may gumabay. mukhang hindi naman nagabayan ng ayos o matigas lang talaga ang ulo. pero kahit sabihing responsibilidad ng bawat kababaihan ang sarili niya, diba may responsibilidad din ang mga kalalakihan sa mga ginagawa nila?

    sa mga nababasa ko, simpleng konklusyon lang ang katapat: mahina talaga ang mga kalalakihan. isama mo na ang pagiging bobo.

    1. mula nung nagsimula kang sumakay ng jeep magisa, yun na ang hudyat na nagsisimula ka ng bumitaw sa gabay ng mga magulang mo, at wag kang umasa ng responsibilidad sa mga kalalakihang yun kse nga mga sira ulo ‘yun.. at sa huling sentence mo alam mo bang kaya kitang bugbugin ng isang kamay lang ang gamit ko mapatunayan ko lang sa’yo kung sino ang mas mahina sa ating dalawa? pa’no ko magagawa ‘yun? dahil bobo ka.

  3. @nakakatawa
    bakit naman bobo mga kalalakihan? paki elaborate nga? dun sa sitwasyon na:

    “mas kumportable ka pang magsuot ng maikli habang nakikipag inuman sa lalaking hindi mo naman kakilala bukod sa chat nick n’yang “mackyboy_mola” , makipag sex sa harap ng laptop n’ya at magtiwalang hindi nakabukas ang webcam”

    sino ngayon ang bobo sa sitwasyon na yan?

  4. to anonymous – inaani ang respeto. wag mong asahan na irerespeto ka agad ng mundo que meron o wala kang saplot. nag suot ka ng mahalay, pwes paningdigan mo. at oo may karapat silang sumama sa kahit sinong nais nilang samahan, pero wag mo rin asahan na igagalang ka ng sinasamahan mo que kilala o di mo kilala yan. sa maraming pag kakataon ng isinulat na ang pag tatalik e para sa nag mamahalan. kung vinideo ka tapos na blackmail ka, ayan now you know..belat. kaladkarin ka kasi. tapos gusto mong isisi sa iba mga desisyon mong pulpol. hindi nga nag reklamo yung babae dahil sumama sya. nagreklamo nga sya dahil na rape sya.. wow, di mo pa ata nakikilala ang katagang every action there is a counter reaction.
    sensya na po bossing Jon Cabron, nairita ako kay anonymous e.. nga pala ganda dito sa bahay mo. patambay ha..

  5. nakakabuwisit talaga ang mga babaeng nagmamagaling, nagmamarunong pero kung susumahin mo mga lumalabas sa bibig nila..puros pulpol…sarado ang utak.

    buti nireplyan mo. akala kasi ata nyang anonymous na yan magaling sya eh! pati itong si “nakakatawa” bumanat pa ng walang kakwenta kwenta tungkol sa mga lalaki. siguro may mapait na karanasan yan sa mga lalaki kaya ganyan. dapat nilagay nyang nick eh “nakakaawa”

    pano mo masasabing bobo ang nagvideo eh alam naman nating lahat na naisahan nya yung babae?

  6. hindi ko napanuud yang espisode na iyan ng xxx at buti nalang hindi dahil hindi kaya ng powers ko ang mga ganyang eksena.

    ayokong nabobosohan ako, ayokong tinitignan ako ng malagkit ng isang lalaking hindi ko kilala, at lalong lalo na ayokong marape o magkarun ng scandal na yuyurak sa pagkatao ko.

    kaya ang ginagawa ko..hindi ako nagsusuot ng super-ikling-kita-kuyukot-shorts lalo na kung lalakad ako sa kalye. hindi ako nagsusuot ng damit na sobrang luwang sa bandang leeg na kapag bumaba ako sa jeep pati drayber mawawala sa sarili kase nakabosom,at matino akong babae sa pagkakaalam ko kaya hindi ako makikipaginuman sa mga taong hindi ko kilala, o makipagsex sa taong una ko palang nakita.

    ang mga lalake ay madaling matukso, sila ay marupok at mapusok..
    ang mga babae ay pinanganak na tukso..
    ang mga lalake ay hindi umiiwas sa tukso..
    kaya ang mga babae hindi dapat lalong nantutukso.

    pasensya ang haba..sakit kasi sa bangs!😛

  7. ineexercise lang ni anonymous ang karapatan nyang maging tanga. intindihin mo na.🙄

    wag sana masyado. balita ko imbes na magkamasel ang utak mo sa ganun klaseng exercise eh lalong magiging sabaw ang laman ng bungo mo nyan. nako. careful.

  8. to ms. anonymous, oo nga nga’t may karapatan ang mga babaeng gawin ang gustong gawin, sumama sa gustong samahan at mag suot ng damit na gustong isuot… pero wag mong asahan na ang lahat ng lalaking sasamahan mo eh responsable at wag mo ring asahan na lahat ng lalaki ay matino na irerespeto ka! Dahil karamihan sa lalaki gago.. Yun makipagtalik ka nalang sa hindi mo kakilala matatawag na katangahan yun! Kung di ka ba naman tanga hindi mo kilala sasama ka! Sana lang.. kung gagawa ka ng katangahan handa ka rin harapin yun consequences ng katangahang ginawa mo! Ngayon anong magagawa mo? Binigyan naman tayo ng Diyos ng kakayahan mag isip! kung 5 taon nga nakakapagisip diba? :no:

    haydol napadaan lang po

  9. masyadong mabigat ang mga emosyon na dumaloy sa post na ito… hindi nakapagpigil si anonymous… kailangan niyang ilabas ang nasa loobin niya.. yun nga lang.. parang sinasabi niya na there are “choices”.. pero pramis.. lalake ako.. at kapag ang palay na nag lumalapit sa manok… aba.. tutuka ako… wala ng choice-choice na yan.. kung nakipag inuman ka at alam mo namang di mo gaanong kakilala ang mga kainuman mo… di ba “choice” din ng babae na wag sumama… ayy humahaba na.. sensya na po sir jon! hihihi

  10. tama yung concept na hindi kasalanan ng babae ang magahasa, kahit gano pa sya katanga. iligal ang rape, heinous crime — siguro nagkakaintindihan tayo dyan. ang punto lang naman ni mr. cabron sa pagkakaintindi ko eh dapat maging maingat din ang mga babae.

    para kang tumayo sa gitna ng quiapo at winagayway ang bago mong cellphone. pag na-snatch ang cellphone mo, krimen yun at walang dudang kriminal ang snatcher na yun. kaso lang, hindi nabubura ng krimen na yun ang katotohanang tanga ka dahil hindi ka nag-ingat.

    in short, wag bigyan ng pagkakataon ang mga taong gawan ka ng masama. yun ngang ingat ka na, posible pang may mangyari sa yo di ba, kaya wag ng tatanga-tanga.

    korek ba mr. cabron?

  11. sa totoo lang, matapos kong gawin ang entry na ‘to at bago humiga kanina bago matulog naisip kong bubulagain ako pagkagising ko ng isang mainitang debate ng lalaki sa babae… nagulat ako ngayon na ang inaasahan kong salpukan ng kasarian, naging engkuwentro ng mga may malawak na utak at ng mga hindi masyadong biniyayaan nun

  12. tama ang puntong di kailan man magiging kasalanan ng babae ang ma-rape. pero tama rin ang punto ni cabron kung gusto mong irespeto ka lalo pa at d mo kakilala ang ka-inuman mo, ngbihis ka sana ng maayos. para ka lang nglatag ng buffet sa harap ng gutom na mga kalalakihan…sa palagay mo ba tititig lang sila?🙄

  13. sa tingin ko simple lang naman ang usapan dito eh – wag kang maglalagay ng pain kung ayaw mong makagat.

    walang gamot sa katangahan. at hindi porke’t babae ka dapat kang irespeto dahil hindi lahat ng babae karespe-respeto.😆

  14. sa tingin ko bawat tao kailangan ng respeto ma pababae ka man o lalaki… wag na lang sisihin yung babae dahil me nangyaring masama sa kanya diba? kesa sabihan ng tanga bobo etc.. eh para na rin nang rape kyo yun nga lang sa pagkatao nung biktima… di kyo na iiba dun sa nangrape… eh kung kapatid nyo o anak yung babae na na rape malamang di nyo masasabi yang mga comment nyo..😆 malamang di nyo masasabi kse ka nag suot ka ng maikling damit kase ka sumama ka sa di mo kakilala.. kundi susuportahan nyo sya sa pinglalaban nya diba? peace…

  15. sa mundong ito meron naloloko at merong nan-loloko…merong panis ang utak at merong oven fresh ang utak…meron pervert at merong conserbatib…pero teka, Siguradong kayang BABAE itong si Anonymous at si Nakakatawa? O iniisip nila lang na babae sila?

  16. maraming biased. paano kung si anonymous eh kilala nyo? isa sa moderator ng wp o sikat o isang kaibigan sa blogosphere, masasabi n’yo ba lahat ng iyan? pagpanig sa isang banda dahil ito ay kilala, iyon yon.

    pero jon, kung naniniwala ka na matatalino ang iyong mambabasa, diba dapat umasa ka na may mga pagakakataong hindi sila umayon sa sinasabi mo? kasi kung panay pagsang-ayon lang naman na parang pag-iidolo lang, parang walang kumikiliti sa intelektwal nilang pag-iisip. pinapakain sa kanila kung ano ang dapat sabihin na wala man lang pagtatanong. kung sa korte ito, ang premise na ‘huwag magsuot ng semi-pekpek shorts para hindi marape’ ay walang laban.

    1. kaklaruhin ko lang ‘yung ibang bagay,

      kung kakilala, kapatid, ka-blog, nanay, si muning, si tagpi, kapitbahay, etc. etc. ang narape dahil nakipag inuman, nakipag EB kay mackyboy_mola.. at hiningi n’ya ang opinyon ko sa sinapit n’ya, isandaang porsiyentong sigurado ako na iyan ang sasabihin ko. kung hindi kayo naniniwala at naiimposiblehan kayo, pwes ‘wag n’yo kong itulad sa inyo. pussies!

      ang problema dito, hindi sa kung papano ko isinusubo at ipinapakain ang mga bagay bagay, ang problema dito e may mga taong nginunguya ng pira piraso ang mga sinasabi ko.. at nilulunok bago pa nila malasahan ang ibig kong sabihin.

      hindi ito korte, welcome sa internet, noob.

  17. ahhmmm, ang sakin lang ha.. hindi naman pinupunto ng huling entry ni Mr Cabron ano man ang mali o dapat na pananagutan ng lalaki sa ginawa nya.. Alam na ng lahat ng taong nanunuod ng mga telenovela yun..

    Ang pinupunto e ang pananagutan mo sa katangahang pinaggagawa mo… Ewan ko lang ha, pero pag nakakita ko ng babaeng talak ng talak sa kalye dahil binastos daw sya ng mga tambay tapos nakasuot ng white shirt na manipis at mababa ang dibdib na kita ang bulaklaking bra, at nakapekpek shorts parang ayokong bigyan sya ng kahit kalahating point sa kredibilidad (bukod pa sa malamang sa malamang na bastusin ko rin sya kung kamukha sya ni maja salvador hehehe)

    Alam naming lahat na lahat ng tao may karapatang maging tanga, iha.. Pero wag mo namang abusuhin ang karapatan mong yan ^_^

  18. @pm880c – hindi naman sa walang tigil na pagsang-ayon ang nangyayari. kung madalas kang magbasa dito, alam mo na madalas sa hindi panay panlalait at pang-aasar kay jon cabron ang nangyayari. Lalo nang wala syang nakuhang simpatya nung aminin nyang mamamatay-pusa sya.

    hindi rin naman tama na i-encapsulate mo ang argument ni jon as “nakamalaswang damit, ergo mare-rape”. Hindi ganun kasimple yung laman ng argument nya, pati na ng mga tao dito. Hindi nga tama na sabihing kaya sya na-rape dahil malandi sya manamit. Ang punto, yung mga pagsama-sama sa mga di kakilala, pakikipag-sex sa naka-chat lang — mga bagay na pwede sanang iwasan.

    hindi naman kasalanan nung babae kung na-rape sya. Ang punto, maging maingat din di ba? wala namang nagsabing abswelto na yung lalaki porke malandi yung biktima.

    walang kumakampi sa rapist, kumbaga payong kuya lang yung kay jon (at sa karamihan sa comment dito) na maging ingat din ang mga babae.

    at isa pa, mas lalong hindi lulutang sa korte ang argument na “sikat, kaya laging sinasang-ayunan”. fallacious po yun.

    **pasensya jon ha ako pa sumagot heheheh

  19. Hi pm880c! Ganyan talaga, blog ito ni Jon Cabron so siya ang hari dito. Dito, mas binibigyang timbang ang opinyon niya. Kaya nga noong may punto kaming hindi pinagkasunduan, sa kanya kanyang blog namin kami nagbanatan. Pwede mo ring gawin yun. pwede ka ring mag blog. Doon pwede ka ring maghari harian/reyna reynahan.

    At kung kilala ko si anonymous? Ganyan pa rin sasabihin ko sa kanya. Good day!🙂

  20. hindi kasi ako kunsintidor kaya isang daang porsyentong sigurado ako na mas makakatanggap sa akin ng matinding sermon kung sakaling kamag-anakan ko ang nasangkot sa xxx scandal na iyan… bakit??
    dahil binigyan niya ng dahilan at pagkakataon yung manyak na gawan siya ng kahayupan.

    Hindi kasamaan ng ugali kung hindi ka agad-agad magtitiwala.
    Diba nga maraming namamatay sa maling akala.

    at syempre dalawang daang porsyentong hindi ko rin palalagpasin yung lalaking tinakasan na yata ng huling hibla ng katinuan…lalabanan ko siya kahit pisikalan..sabayan!

    This is a dog eat dog world.
    Walang espasyo para sa madaling mauto
    Unahan mo na sila bago ka pa nila kainin ng buo

    pm880c,
    oo marami ngang naaning batikos c anonymous dito, masakit pero iyon ay may kalakip na pagmamahal..tulad ng mga komentong nababasa dito, masakit kasi ang katotohanan pero kung susumahin mong mabuti may kasamang concern iyan.

    kami ni sir jon, hindi kami parehas ng opinyon niyan..
    hindi ako natutuwa sa mga girls na naka super short shorts..
    pero siya..sigurado pabor na pabor siya dun..😆

  21. ayt!!! kung magsusuot ka na kita hanggang kingdom come, panagutan mo at humanda ka na sa sipol ng mga manyak (swerte mo kung sipol lang makukuha mo)…

    kapag kumerengkeng ka dapat tapusin mo ang kerengkeng mo ng hindi ka naagrabyado…

    kapag binastos ka, tingnan mo sarili mo kung kabastos-bastos ka nga ba… kung hindi naman dun ka magpaulan ng mura… :love:

  22. aba’y kung magsesexi-sexihan ka riyan at ayaw mong ma-rape eh siguraduhin mong pangit ka at may putok para masuot mo ang gusto mong masuot at mananatili ka pa ring safe.

    weh.

    simple lang naman ang maging karespe-respeto. hindi ibig sabihin ng “if you’ve got it, flaunt it” ay kung malaki ang boobsicles mo ay dapat mo na itong iparada at ipagdildilan sa madla. (bitter ako dahil wala akong boobs shyet yan.)

    *you get what you give* bagah..

    plus, yung unang manyakis sa mundo overpowering na ang descendants como nga manyak ano… walang kawala sa manyak. ako nga nagasawa ng manyak. (ay ano yun? )

    titigil na ako dahil nahahalatang umaalog alog ang munting brain.:blush:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s