survival tips for newbies

noobs,
maligayang pagdating sa inyo sa mundo ng interweb, nagagalak ako na ako ang naatasan ng pagkakataon para sumalubong at mag estima sa inyo sa bago n’yong mundo. ako nga pala si ginoong jon cabron, may asawa at anak, isang blogger, bastos at walang modo.
tatalakayin natin ngayon ang kung bakit bigla na lang akong hindi namamansin matapos ang lahat. at ang paksang ‘yan ay nahahati sa tatlo.

1. linya
2. interes
3. katotohanan

una, ang linya.
nitong mga nakaraang araw, napapansin ko na lumalagpas na tayo sa linya. lumilihis tayo sa tama at wala akong magawa kundi dahan dahan kong pagmasdan ang tahimik na pagsalakay mo sa pananahimik ko. ayoko nun, kung nabubuhay ka na dati pa, tinalakay ko na dati ‘to at malimit maging issue ito nung unang panahon pa. ayoko ng pakiramdam naΒ  pag aari ako ng isang tao. ayoko nung pagpasok ko sa interweb, obligado na akong kausapin ka at unti unting takasan ng oras at panooring iniiwan nito ang mga iba ko pang dapat gawin sana tulad ng paglalandi, pagpasyal sa ibang blog, pagi entry sa blog ko, at syempre porn.

pangalawa, ang interes.
pag sinabi kong hindi ako masaya na kausap ka at saktong humudyat si jesas para bumuka ang lupa at kainin nito ang mga sinungaling sa mundo, bigla na lang akong mawawala dito sa kinauupuan ko ng hindi nakakapag logout sa computer ko, dahil ang totoo’ natutuwa ako na kausap ka at masaya ako sa mga pagkakataon na ‘yun. pero may tinatawag tayong interes, at sa puntong ‘yun maihahalintulad ko ang estado natin sa orange na medyas at brown na brief. hindi bagay. totoong masaya ako sa mga oras na kausap kita pero meron pa rin akong hinahanap, may hinahap ang utak ko na alam kong hindi ko matatagpuan sa mga interes mo. pwede mong sakyan ang trip ko at magkunyaring naaaliw ka rin sa mga kung papano ko gustong pumatay ng pusa sa kalye sa pamamagitan lang ng kutsara, at kung papano ko naiisipan na paligayahin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagpitik ng goma sa maseselang bahagi ng katawan ko habang pinapanood si janice de belen sa programang SIS… pero, natatakot akong hindi ko masusuklian ‘yun para sa ‘yo. dahil nasisigurado ko na sa oras na ikaw naman ang bumangka para maglahad ng experience mo kung papano ka sumakay sa kalesa sa isang park na puno ng mga matatandang makabayan, at kung papano mo mas lalo pang minahal ang bansang pilipinas mula ng mabasa mo sa library na tinatambayan mo ang istorya ng mga bayani at mga ninuno natin at ang pagsasakripisyo nila upang maiwagayway lang ang bandila natin, maniwala ka sa’kin na sa bawat minutong lumilipas na ‘yun unti unti mo kong parang pinapatay sa pagkainip. at hindi ko maipapangako na hindi ko imiminimize ang PM window mo habang nagpo porn streaming ako at babalikan lang kita pag pakiramdam ko e obligado na akong mag react… ng emoticon.

at ang huli, batas.
tawagin n’yo kong walang kwenta at mayabang, mataas ang ihi, maliit ang (wag yan foul na yan) , akala mo kung sino, asshole, demonyo, pulis, sanababits, hindi tao hindi hayop, gamitin n’yo na lahat ng masasamang salita na maibabato n’yo sa akin dahil sa mga sinabi ko pero iyan ang katotohanan dito sa loob ng mundong ‘to. gusto mong maging pansamantalang masaya? buksan mo ang blog ko, gusto mong may makausap para sumaya ka? ipm mo ko, gusto mong may makausap dahil may problema ka? humingi ka ng payo sakin, pakiramdam mo walang nagmamahal sa’yo? magpa bola ka sakin, at mapapansin mo na lang na tuwing haharap ka sa computer ako ang maiisip mo, at dun, kaibigan.. magsasawa ka rin sa mukha ko. sa unang pagkikita natin sa mundong ‘to iooffer ko ang sarili ko bilang isang ordinaryong blogmate, chatmate, at kaibigan sa interweb, pero ikinalulungkot ko na mas malamang sa hindi, hanggang dun lang ‘yun. hindi ako ang superman ng internet na handang sumaklolo anumang oras, banggitin mo lang ang pangalan ko at hindi ako ang genie na handang lumabas sa usok at handang pagbigyan ka sa mga hihilingin mo, kiskisin mo lang ang lamparang kinalalagyan ko. ganyan ang takbo dito, iyan ang batas ko, at tulad ng sa tunay na buhay,
…. kelan ba naman naging pabor ang batas sa iyo?

oh’ pero ang maganda n’yan, matapos mong mabasa ang entry na ‘to… hindi ka na newbie’

welcome sa internet!

teh mighty jon cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

19 thoughts on “survival tips for newbies”

  1. ano bang icocomment ko. nakakausap naman kita. di nako magcocomment sa blog mo.πŸ˜†

    anubeh. eto ba yun? bakit naman nag pasintabi ka na
    wag ako paapekto dito sa entry mo nato?
    (😐 :no:πŸ™„ )
    napansin mo bang. tadtad ng emoticon itong comment na ito?
    gets?

    obligated much.
    hindi ka nagiisa. masama din ugali ko.
    i heit you tooπŸ˜€

  2. isang bagay kung bakit ako suki dito…
    ikaw ang pinaka totoong tao sa internet na nakilala ko.walang keme,walang pagkukunyari at higit sa lahat…walanghiya.πŸ™‚
    isang tagay para sayo pre!!!

  3. flying kiss…. madalas nagbloblog hop ako at nagbabasa, naboboring, napapa oink-oink at lumolobo ang sipon sa kakatawa, at napapamura din pero di ibig sabihin lahat ng binabasa ko eh dapat magcomment ako.. bakit ko sinabi yan? (wala lang eepal lang ako, dyok!!) kasi parang ganun din ang gusto mong sabihin.. sayo in a writer’s point of view, sakin in a reader’s point of view.. cheers

    http://anakngpiso.wordpress.com/

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s