xxx scandal

inabutan ko sa tv ang XXX ni julius babao at pinky web kagabi, hindi ko masyadong naumpisahan pero ang istorya ay tungkol sa video scandal at pamba blackmail gamit ang video clips o pictures ng biktima. bilang ama at isang kaibigan ng marami rami ding kababaihan, nagkaron ako ng takot habang nanonood ng palabas na ‘to at hindi ako paladasal na tao pero otomatik na humiling akong ‘wag sanang mangyari sa lahat ng mga mahal ko sa buhay ang sinapit nitong mga neneng ‘to. pero sa kalagitnaan ng palabas hanggang sa matapos, isang bagay ang napansin ko.
bakit kailangang sumama ng mga kababaihan na ‘to sa mga lalaking hindi pa nila masyadong nakikilala at bakit kailangang makipag inuman sila kasama ‘yung mga ‘yun? ‘yung magahasa ka ay malaking dagok na sa pagkatao mo, ‘yung may video pang kakalat habang ginagawa sa’yo ‘yun e dagdag lugmok pa ‘yun.. naiintindihan ko ‘yun at naaawa ako sa inyo pero gusto ko lang sabihin na kasing tanga kayo ng mga langaw na pumayag sa matamis na alok ng isang gagamba para magtsaa sa malagkit n’yang sapot. ituring n’yong payong kapatid ‘to pero kung ikaw ay ate ko at nakipag inuman ka sa mga lalaking kakakilala mo pa lang sa isang lugar na alam mong delikado ka, at uuwi ka sa atin na umiiyak, babatukan kita ng batok na may malasakit. at iyon ay ‘yung uri ng pagkakabatok na matapos mong gawin, aasa ka na sana may maalog kang parte ng utak n’ya para tumakbo ng maayos.
itataya ko ang blog ko sa mga may katulad ng ganitong senaryo na maninindigan akong hindi kayo pinilit uminom ng alak n’yang mga ‘yan, kusa kayong sumama at kusa kayong uminom, katulad ng kalokohang hindi daw alam nung baklang sumikat dati na hindi n’ya alam na pinasakan s’ya sa pwet ng canister nung call boy na napickup n’ya. lokohin mo lelang mo!
‘yung babaeng bina blackmail daw nung lalaki sa olongapo, na nakilala n’ya sa chatroom at may nangyari sa kanila nung nag eyeball sila pero hindi n’ya alam na naka bukas ‘yung webcam nung laptop kaya nakuhanan ng video ‘yung ginagawa nila, tutal mahilig ka sa internet baka sakaling maligaw ka dito sa blog ko.. payo lang, p’wede bang sa susunod na mangyari ulit sa’yo ‘yan (at alam kong hindi imposible ‘yun) at lumabas ka ulit sa tv sa papel na biktima, baka pupwedeng ‘wag ka naman magsuot ng maikling short at umastang seksi? payo lang naman, para lang magkaron ka ng mas matibay na kredibilidad.
at sa huli, kudos! sa abs-cbn at sa programang XXX sa ilang beses na pagdidiin na wala pang matalim na batas tungkol sa pagkakalat ng mga pictures at video scandals sa internet’ hindi n’yo lang alam kung papano n’yo napaligaya ang may ilang daang pornographer sa pilipinas at kung papano n’yo pinahina ang loob ng mga ilang biktima pa ng mga ganitong pang aabuso, saludo mga bossing!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

19 thoughts on “xxx scandal”

  1. lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko, “huwag mong gawin sa ibang babae ang ayaw mong gawin sa mga babae sa buhay mo.” pwedeng sila ay kapatid na babae, nanay, tiyahin, pinsan na babae, lola, kaibigang babae, at lalung-lalo na sa anak o magiging anak na babae. contiguity kung baga.

    1. hindi ako naniniwala sa karma at sa mga bagay na pambayad utang, ikaw ang may hawak sa buhay mo, ikaw ang diyos ng sarili mo. hindi pwedeng pagbayaran ng anak ang utang ng ama pero tamang aral na ituring mong kapatid o isang taong malapit sa ‘yo ang lahat ng nakakasalamuha mo, protektahan at tratuhin mo sila tulad ng kung papano mo gustong tratuhin ang mga mahal mo sa buhay ng ibang tao….. at dahil sa sinabi kong ‘yan nawalan na ‘ko ng kredibilidad na mang alipusta ng mga kababaihan dito sa blog ko… pakyu!

      1. sabi ko na nga bang inherent sa tao ang kabaitan.😛

        ako, sumasama ako sa kung kani-kanino (dati!). gusto rin akong batukan ng mga kaibigan ko pero alam ko naman ang ginagawa ko at alam kong kapag may nangyari sa kin eh dahil yun sa angking kagandahan ko. este. katangahan pala.

        may idadagdag pa sana ako kaya lang tinamaan ako ng short-term memory loss.🙄

  2. yung dulo lang nyan ang napanood ko, yung sa olongapo girl, at nabuwisit ako dahil ganyan din yung sa imbestigador molino scandal na eng-eng na nakipag-inuman ang babae sa stranger/s at pagkatapos eh iiyak-iyak na nasira ang buhay niya na siya rin naman ang nag-pave ng way para mangyari yun.haaay, asar.

  3. hindi ba malaya na ang mga babae ngayon? may karapatan ang babaeng magsuot ng kahit anong gugustuhin niya, maikli man o hindi. may karapatan siyang sumama sa kahit sino, kilala man niya o hindi. hindi ba’t may choice naman yung lalaki na wag i-video yung pagtatalik nila? hindi ba may choice yung lalaki na wag i-blackmail yung babae? hindi ba’t yun ang dapat mong batukan? dahil siya ang may ginawang masama? kahit kelan hindi naging kasalanan ng babae ang rape kahit pokpok pa siya.

    hindi naman nagrereklamo yung babae dahil sumama siya sa lalaking di niya kakilala. nagrereklamo yung babae dahil pinagsamantalahan siya.

  4. Hmm..talagang pananagutan natin ang sarili natin. Ako hindi naman ako katinuan, me pagka tarantada ako pero di naman ako basta sumasama sa alanganing tao o lugar para makain0m ng libre. At kahit type ko ang 1 tao, hindi naman aabot sa punt0ng masabi kong in ten minutes mai-inlove ako sa taong yun. Lols(me ganun ba?) hahaha! Moral lesson? Wag umasa sa libre, bumili ng pansarili. Lols

  5. Anonymous
    hindi ba malaya na ang mga babae ngayon? may karapatan ang babaeng magsuot ng kahit anong gugustuhin niya, maikli man o hindi. may karapatan siyang sumama sa kahit sino, kilala man niya o hindi. hindi ba’t may choice naman yung lalaki na wag i-video yung pagtatalik nila? hindi ba may choice yung lalaki na wag i-blackmail yung babae? hindi ba’t yun ang dapat mong batukan? dahil siya ang may ginawang masama? kahit kelan hindi naging kasalanan ng babae ang rape kahit pokpok pa siya.
    hindi naman nagrereklamo yung babae dahil sumama siya sa lalaking di niya kakilala. nagrereklamo yung babae dahil pinagsamantalahan siya.

    hindi ba pede ka naman mag isip? nainsip mo ba ang isip ng ibang tao para sa yo?
    madaling magtanong sa sarili pero yung ikaw sasagot sa para sa ibang tao ibang isip yan. hindi ba pede ka naman mag ingat para sa sarili mo?

  6. Anonymous
    kahit kelan hindi naging kasalanan ng babae ang rape kahit pokpok pa siya.
    hindi naman nagrereklamo yung babae dahil sumama siya sa lalaking di niya kakilala. nagrereklamo yung babae dahil pinagsamantalahan siya.

    Totoong hindi kasalanan ang “MA RAPE” pero yung pok pok kasalanan sa Dios yan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s