macgyver

naranasan ko na ‘to dati sa unahan ng jeep, tanghaling tapat nun at napagitnaan ako ng drayber na amoy matabang masipag at ng kaibigan n’yang amoy nasusunog na clutch ng sasakyan ang kili kili.. pero gabi na kanina, at malamig ang panahon. mas matindi ‘to at muntik na ‘kong mamatay sa pagkalunod sa sarili kong suka sa loob ng bibig ko.
napalitan ang naramdaman kong saya kanina sa pagkakasakay sa mabilis na bus ng dalawang pangunahing karakter sa nasakyan kong jeep sa alabang byaheng pa muntinlupa. dalawa lang kami ng drayber nung unang magkatabi at medyo nahalata ko na ang kakaibang tapang ni pareng drayber pero hindi ko na lang pinansin, paalis na ang sinasakyan naming jeep ng humabol ang side kick n’yang tigatawag ng pasahero, pinagitnaan nila akong dalawa at wala akong kalaban laban.
sa bawat taas ng kamay ng drayber na nakasandong blue para akong tinatarakan ng mapurol na kutsilyo sa lalamunan, hindi ko alam kung nagdedeliryo na ako sa baho o talagang may mga nakikita akong maliliit na taong mga nakasabit sa bawat hibla ng buhok n’ya sa kili kili na sabay sabay nagdidighayan ng amoy kakatapos lang malunok na langgonisa sa mga tiyan nila sa bawat abot ng drayber ng bayad at sukli.
hindi rin nagpahuli ang assistant n’yang pagke yabang yabang ng anghit, at proud na proud pa s’yang idinantay ang mga braso n’ya sa may sandalan namin na parang nakaakbay na s’ya sa ‘kin, at oo, nasa may batok ko ang kili kili n’yang amoy langka. isang mistulang nakakasulasok na gas chamber ang taenang jeep na nasakyan ko at obligadong nagbayad ako ng walumpiso at singkwenta centavos para malanghap ang mga lason na ‘yun. naisip ko na para maging katanggap tanggap ka na assistant ng drayber may mga ilang katangian na dapat taglay mo.
1. malakas ang boses – para makakuha ng atensyon sa mga posibleng pasahero.
2. matapang – para sa mga karibal sa negosyo.
3. alam ang basic ng dagdag bawas – para sa tamang pagsusukli.
at ang huli, may anghit, sa hindi malamang kadahilanan pre requisite ‘yan kung gusto mong matanggap sa trabaho.
sinubukan kong hindi huminga pero kusang natataranta ang katawan ko bago pa ‘ko abutin ng isang minuto, sinubukan kong puro pabuga lang ang gawin sa hangin at walang papasok pero namumuo ang luha sa mga mata ko,
at sa pagkakataon na ‘to na wala ka ng magagawa at sarili mo na lang ang aasahan mo para makauwi ka ng buhay at malusog sa bahay n’yo, mailalabas mo ang kakaunting gapatak ng pagkahenyo sa kadulu duluhan ng utak mo,
ala Mac Gyver.
iniluwa ko ang bubble gum na mahigit isang oras ko ng nginunguya, binilog bilog ko sa hinlalaki at hintuturo ko at inilapit ko sa ilong ko kasabay ng isang malalim at mahabang pagsinghot dito.. hindi s’ya kasing bango ng mga pangunahing pabango sa sasakyan tulad ng lito & nene o ng mga pangkaraniwang mga nakasabit na korteng pinetree at amoy lemon na nakakahilo sa tapang ng amoy, at sa katunayan sa halos isang oras ko s’yang pinaglalaruan sa bibig ko buhat pa sa opisina e medyo hindi na rin magiging katanggap tanggap ang amoy n’ya kung ordinaryong sitwasyon lang ‘to, pero masasabi kong iniligtas ako ng bubble gum na ‘to. at hindi lang yata tatlong beses na nawalan na s’ya ng amoy pero inulit ko lang ang proseso, nagipon ako ng laway, ipinasok ko ulit s’ya sa bibig ko at may tatlumpung beses ko ulit s’yang kinagat kagat, inilabas ko, binilog sa daliri ko, at inilapit sa ilong ko kasabay ng mariin at mahabang pagsinghot dito. at namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng kalsada namin. good times’
at tumawid ako ng may bilib sa sarili at buong dignidad sa pagkatao ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

18 thoughts on “macgyver”

    1. hmm naisip ko baka nga pagkatapos nung pasada, nagkuwentuhan ‘yung assistant at drayber,

      driver: pare nakita mo ‘yung nasa gitna natin kanina?
      ass: oo, pare ang baboy! nilabas masok nya yung babolgam sa bibig nya tapos inaamoy nya
      driver: oo nga, nakakadiri muntik na nga akong masuka..
      ass: o tara na mag pakapalan na tayo ng mga libag sa singit natin!
      driver: k.

  1. klasipikasyon ng mga basura sa kilikili ng mga manong driver at barker.

    wet – baka talagang mainit lang, kaya na incubate at nagpropagate yung mga sulfur-secreting bacteria na nagnenest sa mga armpits nila.
    dry – mmmkei. mga synchronized swimmers lang ang kayang magstay sa ganitong klaseng sitwasyon. malalakas ang baga. ikaw, kahit hindi ka synchronized swimmer wag ka na kasi nagyoyosi ka.
    extra dry – … paktay na. baka kamag anak nyan yung madalas maningil ng 5-6 sa kapitbahay namin.

    yuck. kadirdir. babolgam? pwede ka naman magtakip ng panyo. sa mga pagkakataon na ganyan, hindi na mahalaga ang pagkalalake. buhay ang kapalit.😆

  2. Kahit si McGyver di maiisip gawing Vicks Inhaler ang nginatang babolgam. Sabagay kung susumahin mo parang do or die na. Kombohan ka ba naman ng ganun, sino bang di maalibarbaran. Palagay ko yung pinagsamang amoy nila ang tunay na dahilan ng pagkaantok ko tuwing nasa jeep.

    Act of nature ang nangyareng pagsinghot mo ng babolgam. Kung ang mga butiki, kinakagat ang buntot, ikaw naman nanininghot ng 1-hour long na babolgam.

  3. kung halos isang oras na ang babolgum sa bibig mo, ibig sabihin, eh halos laway mo na lang ang inaamoy mo di ba? mabuti naman at di ka natigok sa pagka-sandwich ng driver at assistant nya.

    pero, nakikisimpatya ako. hindi ko yata kakayanin ang pinagdaanan mo. susko, lulundag na ako pababa ng jeep! hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s