kerido

isang mainit na saludo para sa lakas ng loob at tibay ng paninindigan ng lalaking bumasag sa katahimikan ko nung biyernes, at bago ko ibaba ang kanang kamay ko mula sa kilay ko.. isang matinding katok sa sintido mo, para sa lakas ng loob mong walang ibubuga at paninindigang hilaw.

tahimik akong nagba browse sa net nung gabing ‘yun, mag isa na lang ako sa opisina, nag aabang ng tawag para magtrabaho at naghihintay ng oras para sa uwian. nakabukas ang YM ko pero wala namang makausap. tahimik ang gabi at maulan sa labas. maya maya ginulat ako ng isang PM sa akin, una, dahil alam kong hindi dapat  active ‘yung account na ‘yun dahil alam kong wala ‘yung may ari, at pangalawa, hindi ako sanay na kinukompronta ako.. at oo, hindi eksaherasyon ‘yan na dalawang beses akong ginulat ng isang mensahe.

ikaw ba ang bagong boyfriend ng may ari ng account na ‘to?


taena, ganun pala ang pakiramdam ng babaeng kinukompronta ng asawa ng boyfriend n’ya, nakakapanlamig ng batok, nakakapag init ng hininga, at nakakabigat sa paglunok. at s’yempre tulad ng isang normal na taong nahuli sa pagkakasala, ginawa ko ang pinaka lohikal na dapat gawin,  nag deny ako..

bakit me mga message ka dito sa laptop nya?

sinabi ko na sweet kaming magusap pero hindi ko matatawag na kami na nga, sa puntong ‘to naisip kong protektahan ‘yung babae.. nasa safe side pa rin ako naisip ko… wala pang nasasapak sa mukha sa internet.
at biglang bumagsak ang dice sa harapan ko para ako naman ang magcontrol ng laro.

pare iwasan mo nlng sya pakiusap
pkiramdam ko ikaw ang reason bkit malakas ang loob nya na iwasan ako

nakikusap? darn it! hindi ka makikiusap sa taong kinukompronta mo, kiddo’
at hinugot n’ya ang huling tsansa n’yang mapunta sa kanya ang kontrol ng laro.

gusto ko sya at close kmi

tehfuck?! poporma palang pala si totoy, .. at dun na s’ya inulan ng batikos sa akin, kasama n’ya sa trabaho ‘yung babae, ako sa net lang at telepono ano pang inaanu ano n’ya? kinukuha ko raw kse ‘yung atensyon. sinabi ko sa kanya na ‘wag n’yang sayangin ang oras n’ya sa akin, imbis na kausapin n’ya ko dagdagan n’ya na lang ang diskarte dun sa babae dahil sa nakikita ko e mukha ngang hindi epektib.

pakiusap lng, kung di seryoso kagaguhang ituloy nyo yang sweet sweet nayan. nauunawaan mo pare diba?

para kang bata, papano ka n’ya magugustuhan kung ganyan ka?

iwasan mo na sya pare, magugustuhan nya ako pag umiwas kna.
wag kang mag alala pare umiwas kalng di ako mag aasal bata
makakaasa ba ako na wala kang babanggitin khit isa sa napag usapan natin.
iwasan mo sya. huling pakiusap pare,usapang lalaki.

iyan ang huling sunod sunod na message n’ya bago s’ya nag logout at hindi ko na nakuhang makasagot. natawa ko pagkatapos n’yang mag offline. ayos din sa pagsintang pururot si totoy. pero iho, ayokong inuutusan ako ng dapat kong gawin na binabalot pa sa paadvice advice kunyari, lalo akong nang gigigil. kung makakausap mo ang nanay ko at hihingi ka ng payo kung papano ako mapapasunod sa gusto mong mangyari, isa lang ang sasabihin sa’yo nun.. “hayaan mo s’ya at wag mong utusan, hindi nadadaan sa ganyan ‘yan para ka lang lalong naghahamon.. at pumapatol ”yan”
totoy, hindi ako ang dapat mong kausapin tungkol d’yan, ‘yung babae ang kausapin mo dahil iyon ang kaibigan mo.
kung ano mang pagkakaibigan meron kayo, labas ako dun. at kung ano mang relasyon meron kami, wala ka na dun.
gawin mo ang lahat ng magagawa mo para bumalik sa’yo ang atensyon n’ya, at ‘wag mo na ulit sayangin ang oras at lakas mo para mag message sa akin dahil hindi mo ko mapapasunod sa gusto mo. at kesa praningin mo ang sarili mo sa hula mong lolokohin ko lang s’ya at hindi naman ako seryoso, mas mabuting hulaan mo na lang kung sinong babae ang magbibigay ng atensyon at pagmamahal sa’yo para hindi ka na ulit masaktan.
…ahhhm bukod sa nanay mo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “kerido”

  1. ahahaha. nakiusap daw ba. it just goes to show na di ka nya talaga kilala. at mantakin mo yun, ikaw nga sa net at fone lang eh mas makamandag ka pa eh sya kasama nya malamang 8hrs/day 5 days/week di ba?

    pero, hangaan mo rin sya at pinakiusapan nya ang kompetensiya. hahaha. (yun nga lang, to no avail)

  2. Pagbigyan mo na sana ang bulok kong suhestiyon Mr. Cabron. Iilan na lang ang apog na natitira sa aking katinuan, nasusukat na lang sa tatlong pulgada kong pagkalalaki, sana ipaubaya mo na lang siya sa akin at hindi na muli pang gambalain ang aking puny tactics sa kanya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s