amoy araw sa tagulan

kung hindi pa ako natawag sa kwarto ng isang koreanong guest kanina para ipaliwanag sa kanya na kailangang naka on ang wifi sa laptop n’ya para maka access s’ya sa internet hindi pa ‘ko makakasilip sa bintana sa labas ng opisina para malamang umuulan sa labas. wala akong kaalam alam na habang mag isa ako sa opisina habang nagpo porn streaming, maghapon na palang dinidilig ng nasa itaas ang kalsada sa kamaynilaan.
kaya ilang oras bago ako lumabas ng trabaho, inihanda ko na ang sarili ko sa putik at baha, at ipinepara ko na ang sarili kong makipag gitgitan sa mga katulad kong namamahong alipin ng 2 – 10 shift sa kamaynilaan at tumayo sa siksikang bus pabyaheng alabang, calamba.
matiwasay akong nakasakay ng jeep at napasaktong ilang minuto lang naghintay bago dumaan ang bus na tulad ng inaasahan ko, tayuan na. marahas kong pinagkasya ang malambot kong katawan sa mga katulad kong nakikipag agawan at nakikipag balyahan makapasok lang sa bus. diretso ako sa harapan at dun ipinwesto ang sarili ko para tumayo. nakailang tigil pa ang bus at hindi nakuntento ang driver na kulang na lang magpasanan kaming mga nakatayo, at nagsakay pa ng ilan.
maya maya may naramdaman akong humigit ng bag ko at tumulak sa likod ko ng papalayo, nagiinit ang batok na sinundan ko ang lapastangang kamay na yumurak sa pagkatao ko, isang kamay na kulubot na nanggagaling sa matandang babaeng nakaupo sa mismong upuan na kinasasandalan ko. ” ‘yung bag mo naman nasa mukha ko na!
magalang akong humingi ng paumanhin ” sorry ho, siksikan lang ‘di ko napansin ”  pero parang nakikiusap s’ya talaga na bastusin ko s’ya “ e papano alam mo ng siksikan na sakay ka pa ng sakay ” pakiramdam ko umakyat ang type B kong dugo sa bumbunan ko, gusto kong pitcherahan ‘yung matanda, hilahin sa pagkakaupo n’ya at suntok suntukin sa mukha at hindi ako titigil hanggat nararamdaman kong kumikisay kisay pa s’ya.
sa kabilang side ng bus ako sumandal, sinaksak ko sa tenga ko ‘yung in-ear ko at nilibang ang sarili ko, natatanaw ko sa malayo ang isa pang kakambal ng ulan sa kamaynilaan, trapik. nagsisimula ng magunahan sa pagpatak ang mga pawis sa buong katawan ko, partikular sa mukha, sa leeg, at sa kili kili. otomatikong gumala ang mga mata ko at naghanap ng nakabukas na bintana para daanan ng hangin. wala.
matuling ipinaalala sa akin ng pagkakataon at sitwasyon ang twit ko kanina bago ako umalis ng opisina

kung sakaling bibiyahe kayo ng bus papuntang alabang, 10pm’
at may nakatabi kayong amoy basang tuta ang polo
… kalabitin nyo lang ako.


papasok pa lang ako kanina at ilang minuto pa lang akong natatapos maligo, naamoy ko na ‘yung polo ko, amoy basahan na pinaghigaan ng tutang basa. pagdating ko sa opisina nakinenok ako sa pabango ng isang kaopisinang umuwi na, nag spray ako ng marami sa polo ko.. at ilang sandali lang, pakiramdam ko lalong tumindi ang amoy.
naipit na kami sa trapik at walang kunsiderasyon ang mga pasaherong nakaupo para buksan ang bintana at magpalanghap ng sariwang hangin sa mga sweat glands naming mga nakatayo at naiinitan. pakiramdam ko naliligo na ‘ko sa pawis at tinatalukbungan ng baho ng suot kong polo. dahil nasa unahan ako ng bus sinubukan kong lumingon sa likuran ko at maghanap ng katulad kong naliligo at napansin kong lahat sila nakatutok din ang mata sa akin, mga matang nagtatanong kung ok lang ba ako, at dun ko napansin na basang basa na ang polo ko ng pawis at nasa sitwasyon na ako na wala ng maitutulong ang panyo sa kalagayan ko.
ilang minuto lang ang lumipas at naghalu halo na ang iba’t ibang amoy ng mga class B- at class C sa bus. marami ng naiinis at nagsisitakipan ng ilong dahil sa masangsang na amoy ng pawis. hindi ako makatingin ng diretso ng mata sa mata sa mga kapwa ko pasahero nung mga oras na ‘yun dahil pakiramdam ko halos trenta porsiyento ng amoy na ‘yun sa polo ko nagmumula.

kaya sa mga pasahero ng saint rose transit bandang ten thirty ng gabi kanina na b’yaheng alabang – calamba, kung isa kayo dun sa mga nakasakay ko, ako ‘yung pawisang nakatayo sa may unahan, nakasuot ng kulay old rose na polo at itim na slacks. sa ngalan ng labandera namin na si aling baby, ako na mismo ang humihingi ng pasensya sa inyo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

12 thoughts on “amoy araw sa tagulan”

  1. buti nalang hindi ako nagkokomyut. 7 steps away from my bed ang layo ng opisina ko.

    josko. may apog pa silang magreklamo eh kung mga maharlika sila di sana sila nagbubus. o kung maharlika sila pero alam nila ang value ng langis, sana inintindi nalang din nila na mas mainit sa pilipinas pag umuulan.

    mamatay na lahat ng hindi pinapawisan at hindi kailanman nagkaron ng kahit anong klaseng body odor. yung sultan nga ng brunei kahit di mo naaamoy eh mukang mabaho.

  2. sa ngalan ng labandera namin na si aling baby, ako na mismo ang humihingi ng pasensya sa inyo.

    dear aling baby,
    ok lang po nauunawaan ko kayo. pero next time ah banwalan nyo po ng maigi. wag nyo pong tagalan ang babad sa sabon tapos sandaling sawsaw lang sa tubig para mabanlawan. tsaka gumamit po kayo ng downy. pero payo lang po wag yung downy one banlaw. mejo hindi ko rin gusto ang scent nun eh.

    love,
    neptune

    p.s.
    pakisabi rin po kay jon na pag namawis ka na, wag na sya magbuhos ng pabango ibang klase po ang tama nun. tenks.

  3. sobrang pagpapawis at madiling uminit ang ulo…kung nagpapawis rin ang kamay o paa mo, baka may hyperthyrodism ka. patingin ka sa endoctrinologist. baka masulosyunan yan parekoy.

  4. Umuulan pero mainit: Isa sa problema ng pampublikong sasakyan. Parang broiler sa loob na naluluto ka sa sarili mong init. Para sa tulad kong pawisin, requirement ang dalawang makapal na bimpo para sa buong araw na pawis, isama mo na ang ganyang sitwasyon.

    Ampangit pa man din ng polo, hindi absorbent. At yung kulay ng old rose, kitang-kita agad kapag basa. At yung amoy tuta, hindi lang natuyo ng maige sa araw. Konting bilad pa siguro, with matching Downers Downy.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s