ayusin mo

maayos akong nagtanong, papano kaya ‘yung mga pang gabi.. bakit hindi na lang humugot ng picture sa mga files natin d’yan? dalawang punto ‘yan na hindi ko na nakuhang isa isahin, una mas makakagaan naman talaga sa lahat kung isang beses lang magpapakuha ng picture tapos ‘yun na lang ang gagamitin tuwing mangangailangan, pangalawa, hindi ako panggabi kaya wala akong pakialam. sinagot mo ko ng pabalang na kung pwede ‘yung huhugot na lang ng picture e di dapat kayo mismo hindi na nagpakuha.. at sinundutan mo pa ng kung lahat ng tao sa kumpanya e iisa isahin n’yo wala na kayong matatapos na trabaho, dapat nagbabasa ako sa bulletin board dahil hindi lahat e kailangan pang sabihan ng personal. sa totoo lang nanghinayang ako nun kung bakit nasa loob tayo ng opisina nakapag usap ng ganun, gusto ko sanang laslasin ang leeg mo tapos ihian ko ‘yung sugat na magagawa nun, tutal bastusan din lang ang gusto mo e.
pero nasa opisina tayo at bawal magsakitan dito.. at maraming makakakita.
naiinis ako pag nakakasalubong kita at sinisimangutan mo ‘ko. dahil wala naman tayong pinag awayan na matindi para umasta ka ng ganyan, pero trip mo ‘yan wala akong magagawa, hindi ako pala kaibigan dito sa trabaho, kumakain ako ng mag isa sa cafeteria, nagyoyosi ng mag isa sa may labasan, umuuwi ng mag isa ng walang kasabay, at mas masaya ako sa ganun. walang iniisip, walang pinoproblema.  naisip ko rin na kung susumahin mas ok pa nga ‘yung ganito at dapat akong magpasalamat sa’yo, dahil sa inasta mong ‘yan binigyan mo ko ng dahilan para ‘wag ka ng intindihin, at seryoso, isang malaking kaluwagan sa buhay ko ‘to. mas pinanghihinayangan ko pa ‘yung kapirasong balat na tinanggal sa akin nung tinuli ako kesa sa friendship natin.

at sa huli, boyfriend mo na ba ‘yan? .. wag sana kayong tumagal.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “ayusin mo”

  1. sir jon, hayaan mo yang hinayupak na yan, hindi siya worth buhusan ng gasolina at sunigin.. mahal na gas ngayon… kapag ganyan nangyayari sa akin.. pinipikit ko mata ko at pinupugutan ko sila ng ulo.. sa pamamagitan ng nail cutter…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s