oh kalungkutan, yakapin mo ako

ang pag ibig ay parang pagtatae, hindi mo alam kung kelan ka aabutan.. at madalas nangyayari ‘yun sa isang lugar o panahon na hindi mo inaasahan.

isa lang s’yang ordinaryong bisita sa blog ko, minsang nagcomment at bahagya n’yang nakuha ang atensyon ko. nagkakuhanan kami ng ym nick.. nagchat, nagkakuhanan ng number sa celfone… nagkatawagan, hanggang sa nagkakuhanan ng loob.. at hindi ko na lang namalayan nakuha n’ya na rin ang puso ko.  masaya s’yang kausap at kuntento ako kung anong meron kami, pero alam kong may mali. sa sitwasyon ko, nakakatakot na mahulog ako sa ibang tao, at mapanganib kung ‘yung taong ‘yun ay handa rin akong mahalin. hindi na ako ang kulisap na sasadyain pang lumapit sa apoy ng gasera hanggang sa masunugan ng pakpak para lang patunayan ko sa sarili ko kung gaano iyon kainit.
tinapos ko ang kung anuman meron kami.. at pumayag s’ya. nakikita ko s’yang naka online ngayon pero hindi kami nagpapansinan. mamimiss ko ang babaeng ‘to dahil isa s’ya sa mga bibihirang tao sa interweb na nakakapag pasaya sa akin, maraming nakakapag patawa pero ilang minuto mo lang mararamdaman ang paghalakhak pero ‘yung kasiyahang naramdaman ko sa kanya mula pa nung umpisa matagal tatambay ‘yun sa sistema ko.
mamimiss kong tumawa sa harap ng pc at manakit ang tenga sa pagbabad sa telepono. hahanap hanapin ko ‘yung mga matitindi at surpesang galit na nararamdaman ko pag kausap ko s’ya. aaminin kong madalas akong nagagalit sa taong ‘to pero lately ko lang narealized na ganun katindi n’yang hawak ang sistema ko, kayang kaya n’yang iroller coaster ang emosyon ko ng hindi ko namamalayan. at isa lang s’ya sa iilang mga tao na binigyan ko ng lisensya na ganunin ako.
mamimiss ko ang taong ‘to ng buong buo. malungkot ako ngayon, pero gusto ko ang nararamdaman ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

29 thoughts on “oh kalungkutan, yakapin mo ako”

  1. bibihirang babae ang nakakagawa ng ganyang pakiramdam sa ating mga lalake. iba yung saya. at alam mong kung magiging ayos lang ang lahat para sa inyo e kayang-kaya mong iwan ang mga nasa balikat mo para sa kanya.
    nakaka-relate ako.

    at nung minsang nag-post ako ng tula para sa babaeng yun, sampal ang inabot ko nung malaman ni kumander. haha.

    dito ako hanga sa blog mo. lols

    1. gusto ko lang sabihin na medyo emo ka rin sa last post mo eh. at dati na kayong may nakaraan ni cabron di ba. at seryoso kang kausap sa YM kagabi…. ok ok binabawi ko na ang unang hula ko… hindi kaya’t si jovi ang babaeng tinutukoy ni cabron???

  2. ang pag-ibig d lang sa tae maikukumpara. pati narin sa utot…ang utot ay hanging d mahusay sa katawan, nkakasakit ng tyan, nkakabagabag. nkikita ko na ganon din cya sa pagibig na nararamdaman mo. masama dahil may asawa ka, nkakasakit tulad ng nraramdaman mo ngyn, at nababagabag ka sa pagkamiss sa kanya… syet wla akong kwenta…iutot mo nalang yan.🙄

  3. me natutunan ako mula sayo kuya jon.
    na hinding hindi ko makakalimutan kelanman..

    “ang pag ibig ay parang pagtatae, hindi mo alam kung kelan ka aabutan.. at madalas nangyayari ‘yun sa isang lugar o panahon na hindi mo inaasahan.”

    tatandaan ko yan…

  4. ordinaryong bisita sa blog ko, minsang nagcomment at bahagya n’yang nakuha ang atensyon ko. nagkakuhanan kami ng ym nick.. nagchat, nagkakuhanan ng number sa celfone… nagkatawagan, <<<<

    walang nagka SOP at nagka CyberS .. di ako to!!!!!! LOLS😆

  5. …na ganun katindi n’yang hawak ang sistema ko, kayang kaya n’yang iroller coaster ang emosyon ko ng hindi ko namamalayan. at isa lang s’ya sa iilang mga tao na binigyan ko ng lisensya na ganunin ako.
    mamimiss ko ang taong ‘to ng buong buo. malungkot ako ngayon, pero gusto ko ang nararamdaman ko.

    di ako sanay na ganito ka pero sheeeet, ang ganda. wasaaak!🙂

  6. ang pag ibig ay parang pagtatae, hindi mo alam kung kelan ka aabutan.. at madalas nangyayari ‘yun sa isang lugar o panahon na hindi mo inaasahan.

    – Jon Cabron

    napakagandang friendster shout -out nyan. jon, isa kang alamat. ipagpatuloy mo ang iyong desisyon.mas masarap pa rin ang me mawala sayo dahil yun ang tama kesa makuha mo ang gusto mo pero marami kang alalahanin dahil alam mong mali.pagtiisan mo lang ang kalungkutan mong nararamdaman,mamamalayan mo,mawawala rin yan.at muli kang magiging masaya kapiling ang pamilya mo.

    kuh.kuh,kuh!!!!!! :nod:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s