kung bakit ako bakla

naniniwala akong lahat tayo ay may gapatak na kabaklaan sa pagkatao natin, walang lalaki kahit na ubod ng lakas at tatag ang makakapagsabing wala silang bahid ng kabaklaan sa sistema nila. naisip mo ba ang tunay na sikreto kung bakit ayaw ipaputol ni samson ang buhok n’ya? eksakto, kalandian. sa pag aaral, iisang tao pa lang daw sa kasaysayan ang nabuhay sa mundo ng walang halong kabaklaan sa katawan, si chuck norris. at dapat mong paniwalaan ‘yan, bakit?
dahil sinabi ko.  

at bakit ako bakla?

1. mas nakikita ko ang gamit ng kotse bilang gamit sa transportasyon kesa sa pamporma at panghatak ng tsiks.
2. hindi ako marunong magbasketball
3. at napapatili ako pag sumasalo ako ng bola.
4. mahilig akong umiyak
5. at pakiramdam ko, cute ako pag umiiyak.
6. nadidiri ako sa putikan
7. at sa lupa o buhanging basa
8. ayoko sa kwentuhan na ang topic ay mga ex’
9. hindi ako kiss and tell
10. pag nagugulat ako “ay puta!” at “inaaay!” ang sinasabi ko.
11. mahina ako sa bunong braso
12. pag umuulan at suot ko ang birks ko, mas una ko pang pupunasan ng panyo ‘yun kesa ang katawan ko.
13. at hindi ako nawawalan ng panyo sa bulsa.
14. may kiliti ako sa utong.
15. mas nati threaten pa ako na lumalaki ang tiyan ko sa paginom ng alak kesa sa pagkabutas ng bituka ko.
16. kung wala rin lang pagpapa astigan, mas trip ko ang marlboro gold kesa red
17. at mas trip ko ang marlboro green na menthol kesa sa gold, kung ako lang mag isa.
18. mas marami akong barkadang babae nung high school.
19. sa barkadahan namin, dalawa lang kaming lalaki.
20. at bakla ‘yung isa 😦
21. nung college sa IT, ako lang magisa ang lalaki.
22. at wala akong naging girlfriend sa mga ‘yun.
23. HRM ang una kong course sa kolehiyo.
24. laging nakatikwas ang hinliliit ko.
25. marunong akong sumayaw ng otcho otcho.
26. at may pakiramdam akong ang bongga ko pag sumasayaw ako ng ganun.
27. kalimutan n’yo na ‘yung huli kong sinabi.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

33 thoughts on “kung bakit ako bakla”

  1. okay. *lunok laway* mas malandi ka pa sakin. bigla akong tinubuan ng hiya.
    parang kahapon lang may pinagpepyestahan akong litrato ng babae.
    hanggang ngayon natutulala padin ako pag naiisip ko ang hubog ng katawan nya. :wow:

    otso otso… oh gad. this is madness. mataba at maputi ka kamo. syet.
    naiimagine kong gumigiling yung mascot ng michellin.

    (utang na loob wag mo kong papatayin. joke lang yun.)

  2. hindi ko mapigilan, pero sa lahat ng nag-comment sa’yo, sa linyang ito lang ako naiyak:

    “…mascot ng michelin.”

    WTF?! Bwahah!!! naluluha pa rin ako kakatawa…

    …ok, perfect na ako… magkaibigan pa rin tayo di ba?

    michelin, ampft!!!!

    1. maraming salamat natawa ka dun. bwehehe. 50% chance na patayin ako ni jon. may kahati nako sa deathrow.😎
      naramdaman ko na mas madaming makakarelate sa michellin mascot kesa gamitin kong example si majimbo. majimbo nga ba spelling non? ah basta yung nasa dragon ball z na parang marshmallows.

      pag nabugbog si cabron. si grimace. kulay ube naman.

      pakiramdam ko mas madalas pa ako magsulat dito kesa sarili kong blog.

  3. Nyahahaha….:lol: teka Jon Carbon, kung ang hitsura mo naman ay yung nasa profile mo… wag naman. Di bagay. Maton na maton at may bigote pa…. tapos nakapilantik yung kamay pag nagtu-toothbrush.. hehehehe,,

    Sensha na di ko mapigilan magkoment sa sobrang tawa! Lagi lang akong dumadaan pero hindi ako nagkokoment (tama ba yun?) hiya ako eh.. Nyahahahaha!

    Nga pala. At bakit naman si Chuck Norris lang?

    :wow:

      1. Ahm, magagalit ka ba sakin kung sabihin kong pagpunta ko sa La Mesa nung Friday ay nakakita ko ng truck na may Michelin Man at pinilit kong kuhanan ng picture dahil naalala kita at yung comment ni Trina?

        Wag ka magalit, hindi ko nakuhanan.

        Bogo si-peoyo Jon oppa!

  4. pag nakipaghalikan ka sa kapwa mo lalaki at nasarapan ka dun mo lang maconfirm na bading ka…pero may bahid lang naman at sabi mo nga lahat ng lalaki ganun…

    ako rin hindi ako nawawalan ng panyo sa bulsa ko..at meron din akong kiliti sa utong..hehe! sino ba wala?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s