sayo!

hindi p’wedeng lumago ang kahit na anong relasyon kung walang pagtitiwala, para kang nagluto ng tinolang walang manok, maluluto ‘yun pero hindi tinola ang tawag dun… kagaguhan.
kahit bihira kong gawin, sinubukan kong bigyan ka ng isa pang chance para itama ang mali at magsimula ulit ng wala ng lokohan, pero wala pa rin. ang isang chance ay nanganak ng nanganak ng ilan pang mga pagkakataon.
habit forming nga siguro ang pagsisinungaling. hanggang sa napagod na ‘ko. nagsawa.
sa totoo lang, gusto kita. at ang totoo n’yan may mga ilang pagkakataon na pakiramdam ko pa mahal na kita. pero hindi pwede, ayoko. marami akong pinoproblema sa mga oras na ‘to at alam kong hindi magiging gamot sa sakit ng ulo kahit kailan ang masikip na sumbrero.
sa internet, lahat pwedeng maging ikaw.. hindi rin ilang beses kong tinangkang mamigay ng picture ni edward norton sa mga nakakachat ko nung bago pa lang ako sa interweb at magpanggap na ako kunyari ‘yun, pero natural bihirang lumusot ‘yun. at isa lang ang aral na natutunan ko sa mga pangyayaring ‘yun.. hindi lahat maloloko natin.
inofferan kita ng isang malinis na pakikipag kaibigan libre lang walang bayad kundi ‘yung magiging totoo ka lang, tinanggihan mo, wala na akong magagawa’ isang bagay ang ayokong gawin, ‘yung ibargain ko ang sarili ko sa isang tao para lang magkaron ako ng kaibigan.
dahil sa totoo lang, ayoko ng kaibigan.. ayoko ng pakiramdam na obligado akong humimas ng likod ng ibang tao pag masama ang loob n’ya o tumapik ng likod pag may nagawang magaling.

nagkataon lang talaga na gusto kita.

at nagkataon din na hindi ako kasing tanga ng iniisip mo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

8 thoughts on “sayo!”

  1. ano nanaman to? ahahah. hindi ako maka ride. in fairness pinag hiwalay mo ang trinalabandera > naging trina labandera na. sos yan. salamat sa paglagay sa blogroll. it’s an honor. (teh fuck)

    anu ka ba. kung may problema ka pwede tayong maglokohan at mag gaguhan sa chat. pwede kang magpanggap na hired killer. maniniwala parin ako sayo.

  2. at alam kong hindi magiging gamot sa sakit ng ulo kahit kailan ang masikip na sumbrero.

    ano ba yung natutunan ko… sabi hindi daw problema ang masikip na sumbrero.. kundi yung taong nagpupumilit suotin yun kahit masikip o kaya e basta na lang iiwanan ang sumbrero..

    gayung andali lang naman ng solusyon, luwagan mo ang sumbrero..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s