sa babaeng naka off shoulder na pink

coco manggas
pacita complex
08/06/08

dumating kami, andun na sila’ hindi ko alam kung pang ilan na ‘yung bucket sa harapan nila ng san mig light pero dalawa na lang ang natitira dun, at mga normal pa silang kumilos. alam kong hindi n’yo alam pero kung ang mga bakla ay may tinatawag na gay dar, meron din ang mga lalaking radar pero nagagamit namin ‘yun sa ibang paraan, alam namin sa unang tingin pa lang kung sino ang mga babaeng kaya namin. tipong pagpasok namin ng isang lugar, otomatik na gumagala na agad ang mga mata namin n’yan at naghahanap ng mga pwede at mga pwede.
ok, alam kong medyo malabo at naiintindihan kong mga virgin at minor de idad pa ang mga mambabasa ko, kaya ang pagdedetalye ng mga bagay tungkol sa ganyan e walang pinagkaiba sa hirap ng pagpapasok ng marshmallow sa butas ng alkansya, gagawin kong simple. ito ang unang pwede na dapat masundan ng pangalawang pwede:  

pwede 1 ‘yung babaeng pasado sa panlasa mo.
pwede 2 babaeng papasa ka sa panlasa nila.

at para mas madali, gagamitin ko ang picture sa eksatong bar na ninakaw ko sa friendster account na hindi ko na matandaan kung kanino, at wala akong pakialam.

pagpasok mo sa bar na ‘yun matapos mong malagpasan ang mga bouncers na parang kaya kang patayin sa pamamagitan lang ng larong pitik bulag, iyan ang makikita mo. at lahat ng may check na pula iyan ang otomatik na paggala ng mata ko at paglalagay ng bench mark sa mga babaeng sa tingin ko ay panalo, at kung panalo din ako sa paningin nila o kung pwede ako sa kanila, mahabang proseso ‘yun.. kailangan pa ng malalagkit na tingin, aksidenteng pagbangga sa braso habang sinadya mo silang sabayan na mag cr, panghihiram ng lighter, nalaglag na kutsara sa ilalim ng mesa nila, patext.. etc. lahat ng ‘yan depende sa magiging reaksyon nila.
may kung ilang ulit kong sinubukang hulihin ang mga maiilap na tingin ng babae sa kabilang mesa, may kung ilang ulit din na pinilit kong magyosi ng sunod sunod para lang makuha ang atensyon n’ya, pagsamahin mo kung ilang ulit ‘yang dalawang ‘yan at ganun din kadaming beses na wala sa sariling nakakagat ko ang mga ngipin ko sa tuwing dumadaan s’ya sa harapan ko para mag cr at naiiwan ang amoy n’yang nililipad ng hangin, nenuco chips pa yata.. isa sa pinakamabangong kemikal na naamoy ko sunod sa PH care.
sa kabilang mesa sa dulo andun si jamilla ocampo ng pinoy big brother, pero wala akong pakialam. ang gaganda at ang seseksi ng mga kasama n’ya pero wala akong pakialam. sumasayaw sila ng mahaharot, pero wala sa kanila ang atensyon ko, nasa kanya lang, sa babaeng naka off shoulder at may mailap na mga mata sa kabilang table.
nung minsan na nag cr s’ya at nabunggo n’ya yung tuhod ko dahil naka dekwatro ako, akala ko senyales na ‘yun na tipong “hi medyo pogi, diskartehan mo naman ako.. lasing na kse ako” pero pagkatapos n’yang mag sorry na ginantihan ko ng “ok lang” sa paos at nanginginig na boses, tumalikod na s’ya at nagmamadaling pumunta sa cr, kung natatae s’ya o nasusuka na, hindi ko na inalam pa.

pero mas ok sana kung hindi muna s’ya tumalikod at nagkaron muna kami ng kahit maiksing paguusap lang sana.

chick: sorry..
jon: ok lang, di mo naman sinasadya, mali din ako kse nakaharang ‘yung tuhod ko, kanina pa kse kita tinititigan at sa hindi maipaliwanag na dahilan e hindi ko maipagdikit ang mga paa ko ngayon habang nakaupo ako.
chick: ngeks! malaki ba ‘yan?
jon: hindi.
chick: ahhhkei. sige, kailangan ko ng mag cr
jon: ahhhhm’ may blog ako!
chick: ahh talaga.
jon: mightyjoncabron.com
chick: putangina!!! ikaw si jon cabron????
jon: yep, sige na mag cr ka na..
chick: samahan mo ko.
jon: pero maliit lang ‘to
chick: wala akong pakialam, dahil ikaw si jon cabron.

iyan sana ang posibilidad na kinalabasan ng paguusap na ‘yun kung binigyan n’ya lang ang sarili n’ya ng pagkakataon na makausap ako. pero hindi, dahil matulin s’yang tumalikod papuntang cr, at ilang minuto matapos ang eksenang ‘yun, namalayan ko na lang na lumipat na ‘yung mga lalaking katabi ng table namin sa pwesto nila.
ako ba ang nawalan? hindi, dahil ako si jon cabron at kung nagkahulihan tayo ng loob nung gabing ‘yun at nagkasundong magpahangin sa labas at aksidenteng naligaw sa isang pribadong lugar, nagkahulugan ng loob at napagdesisyunan ko na iuwi ka sa amin at ipakilala sa anak ko..  ang ganda n’ya ‘di ba?

… at hindi kagandahan ang nanay n’yan.

do the math, woman!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

32 thoughts on “sa babaeng naka off shoulder na pink”

  1. bilib din naman ako syo jon..alam moyung term na “off shoulder”..
    not all men aware of that ladies’ type of clothing..
    usually sasabihin lang nila “pink na blouse” or even “pink na damit”..

    minsan tuloy napapisip ako syo eh..😆😆😆

  2. akala ko sa unang line eh cocomanggas somewhere in aklan. the best margarita i’ve tasted eh dun sa bar na yun.

    kaka-miss yung mga pagtalanding sinabi mo jon c. ganyan din ako magpa-cute nung dalaga pa ako. hahaha.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s