080808

huling araw ng apat na araw na bakasyon grande mula sa opisina at sa mundo ng interweb. huli akong pumasok sa trabaho nung monday, paggising ko ng tuesday ng umaga isinilent mode ko ang celfone ko at inilagay ko sa drawer ng computer table ko. gusto kong mabuhay ng normal, at pag sinabi kong normal, ang ibig sabihin ko nun ay ‘yung gigising ng hapon, matutulog ng madaling araw, magiinom ng kataku’t takot, at hindi magiisip ng kahit ano tungkol sa computer.

first day
:
nahiga lang ako maghapon, tumatayo lang ako para uminom ng tubig o manigarilyo. hindi rin ako naligo.

second day
:
hapon na wala pa ring gimik, pero ok lang, alam kong mapapasabak ako sa inuman kinabukasan na berdey ng kuya ko.
naisipang magpagupit at bumili ng mouse, dahil napapansin kong makapal na ang buhok ko at baka iyon ang dahilan kung bakit pag sinusubukan kong magisip ng malalim nung mga nakaraang araw e sumasakit ng ulo ko, at kinakailangan ko ng palitan ang magarbo kong mouse dahil nagiging mas matalino na s’ya sakin, dinodouble click n’ya ‘yung mga sinisingle click ko.. at hindi ‘yun nararapat dahil makina lang s’ya.
nagikot muna ko sa festival mall bago magpagupit, wala akong makitang mouse na hindi mukhang robot ang itsura o hindi mukhang pang eskuwelahan, meron akong isang nakita na cordless at medyo mahal, inisip ko muna kung kailangan ko ba talaga ng cordless na mouse. nagikot muna ulit ako.
tinext ko ‘yung kumpare ko para magtanong ng boutique na hindi ko makita sa festi, saktong malapit lang pala s’ya sakin dahil maggi gym daw s’ya. napagusapan namin na pagkatapos n’yang mag buhat at pagkatapos kong magpagupit, dadaanan n’ya ko at lilipat kami sa town center.
hindi ako nakabili ng mouse, dahil bumili ako ng hoodie sa blued. tapos nun may bago daw gimikan sa may gasolinahan sa may pacita complex, coco manggas’ dun kami naginom na dalawa.

third day
:
bertdey na ng kapatid ko, ansakit ng bwakanang inang ulo ko kaya matamlay akong nagiinom nung una. pero nagatagumpay din akong malasing nung huli. pero lasing na normal lang ang inabot ko, walang lasing abnoy at walang lasing ala baron geisler.

fourth day:
papasok na ‘ko bukas at nagba blog ako ngayon  at masasabi kong ito ang isa sa mga walang kakwenta kwentang entry ko sa buong buhay ko. dahil sa totoo lang, ano naman ang pakialam n’yo sa apat na araw ng bakasyon ko. pakyu ol!

at kung kunyari ay may pakialam kayo, bukas ko na ikukwento ‘yung tungkol sa babae sa bar. haaays.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

10 thoughts on “080808”

  1. cocomanggas, isang cool na bar yan sa boracay. hindi ko lang alam kung andun pa. la lang. gusto ko lang sabihin dahil tuwing dadaan ako dito at makakabasa ng entry na may pa-tungkol sa inuman at lasingan, nauuhaw ako sa alak at naaalala ko ang mga bar na naging saksi sa aking pag-grow at pag-mature bilang isang lasinggero😦

  2. kinakailangan ko ng palitan ang magarbo kong mouse dahil nagiging mas matalino na s’ya sakin, dinodouble click n’ya ‘yung mga sinisingle click ko.. at hindi ‘yun nararapat dahil makina lang s’ya.

    ang galing nito!!!haha,bukas na nga lang………..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s