ang putangenang ipis at baygon COCKroach killer

baygon1gusto kong palakpakan ang kung sino mang henyong anak ng diyos na nakaimbento ng kemikal na itinitimpla dito sa bagong flavor ng baygon. isang kemikal na para lang sa mga pesteng ipis.
may straw pa ‘yang kasama na kung tatanga tanga ka at hindi nagbabasa ng instructions at kasing dalang ng pagdalaw ng haley’s comet sa mundo ang pag ilaw ng bumbilya ng common sense mo, manghuhuli ka ng ipis at pipilitin mong ibuka ang bibig n’ya para maipasok mo ang straw sa bunganga n’ya, idiot! ang gamit n’ung straw na ‘yun e para maispryan mo ‘yung mga maliliit na butas na malimit paglunggaan ng mga ipis.
sumilip ako sa interweb kaninang pagkakain ko ng hapunan, ako lang dito sa bahay dahil panggabi si mrs. cabron at sa kabila naman matutulog ang anak n’ya. nung napagod na ‘yung mata ko kaka browse, nagpasya na akong lumabas ng kwarto at maliligo na sana ako ng biglang may nakita akong matulin na gumagapang sa pader, dumaan sa kisame ng patiwarik, at lumipad at nagpalipat lipat sa mga kasangkapan sa sala. putarages! problema ‘to. mas maaappreciate ko pa kung paglabas ko sa sala may isang halimaw dun na kabayo ang paa at sa isang normal na tao ang katawan at may ulo ng parang sa leon at nakasakay sa dragon na nagbubuga ng apoy akong nakasalubong dun, kesa ipis na maliksi at mayabang na lumilipad. matulin kong kinuha sa cabinet sa kusina itong baygon cockroach killer, ngumingiti ngiti pa ako ng konti at iniimagine ko na lang na baril ang hawak ko at isang naghuhurementado daw kunyari ‘yung ipis na ‘yun.ย ย  delikadong paputukan ang salarin ng hindi ka sigurado na mapaparalisa mo s’ya, mabubulabog ang kalaban at masisira ang misyon, maingat kong pinag aralan ang senaryo, hindi p’wedeng lumapit basta basta, maghihinala ang kalaban. nakita ko s’yang lumipad sa likuran ng may tv, pagkakataon! mas mababa s’ya sa akin mas madali ko s’yang mapupuksa! .. dali dali akong lumapit, kumurap kurap pa ‘ko bago ko marating ang kuta ng kalaban para masanay ang mata ko sa sulok na ‘yun ng biglang niliparan n’ya ko at nakakapagtakang sa may likuran ko s’ya nanggaling’ taktika! ambush!
pinakawalan ko ang isang malakas na tili kasabay ng pagtalon talon at pagpapag pag sa buong katawan ko gamit ang kamay ko habang papalayo sa lugar na ‘yun. nangati ang buong katawan ko at lalong naginit ang galit na lumalabas sa ilong ko. at takot sa dibdib ko.
nagpapawis na ang kamay kong nakahawak sa gatilyo ng pang spray pero hindi pa rin s’ya lumalabas ulit. malapit na akong sumuko, pero hindi ako makakatulog alam ko. wala akong nagawa kundi halughugin ang bawat sulok ng sala, iangat at iwagwag ang lahat ng kayang buhatin, ng biglang galing sa upuan may naaninag ang peripheral vision ko ng isang nilalang na matulin na tumatakbo palayo sa akin, at paakyat sa pader’ alam kong dehado ako at any minute p’wede na naman s’yang lumipad at sakupin ang buo kong pagkalalaki.
wala na akong pagpipilian, sinubukan kong gamitin ang spray sa long range, umabot naman pero kailangang diinan at tagalan ang pag pindot sa gatilyo.. tumba ang ipis, nagtatatalon pero hindi makabangon. nangalahati ang laman ng spray.๐Ÿ˜
matapos kong linisin ang dapat linisin at itago ang krimen, dumiretso na ako sa banyo bitbit ang tagumpay sa pakikipagdigmaan.
ginawa ko ang ritwal at lahat ng pwedeng gawin sa loob ng banyo, maliban sa pakikipag talastasan sa imaginary friend ko, ng biglang nakaramdam ako ng pagsisikip ng dibdib, naisip kong sa niyosi ko kanina, nagpunas ako ng katawan at nagbihis, napansin kong bigla akong sinipon, nahihilo at ansakit ng ulo ko. kinutuban na ako. kinuha ko ulit ang spray at kinumpirma ang kutob ko.
baygon ang gusto pa lang mangyari ng kemikal na ‘to. matapos mong gamitin sa isang pirasong ipis ‘to na kasing liit lang ng ordinaryong band aid, kailangan mo pang ilikas ang sarili mo o ang buong pamilya mo. ayos!
inilabas ko ang dalawang electric fan, itiningala ko pareho at sabay na pinaikot sa buong bahay, nagspray ako ng pabango at nagkulong sa kwarto.
sa presyo nitong P142.75, bakit hindi na lang nila isinarado sa one hundred fifty pesos ang isa pero gawin nilang mabango at hindi mo na kinakailangang lumikas ng lugar, dahil ikaw na engineer lason ng johnson and son, inc. gusto kong ipaalam sa’yo na ang nangunguna naming hangarin kaya namin ginamit ang produkto mo ay dahil gusto naming mamahinga sa bahay namin ng hindi nagagambala ng pesteng nakakawala ng pagkalalaki pag gumapang sa balat mo, at kung sasabihin mong sa bawa’t isang ganun na gagamitan namin ng produkto mo e kinakailangan pa naming lumikas ng tirahan sa loob ng trenta minuto, kalokohan ‘yun. gawin mong mabango at talagang pang ipis lang ‘yang produkto mo, tanggalin mo ‘yung nakakahilo at nakakasipon para sa taong rekado n’yan, haluan mo ng bambini cologne o kahit ano, bahala ka na, at hindi ako aangal sa presyong idadagdag mo, at kung magagawa mo ‘yan at magiging napaka epektibo n’yang produkto mo at mapapangalahati mo ang ipis sa buong pilipinas, baka makumbinsi mo pa akong iblowjob ka.
pag isipan mo ‘yan engineer, at sa ngayon na umaga na at nakakaramdam pa rin ako ng sakit ng ulo at bahagyang pagkahilo, wala akong ibang gustong gawin sa’yo ngayon kundi palakpakan ka… habang nasa pagitan ng mga kamay ko ang ulo mo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

37 thoughts on “ang putangenang ipis at baygon COCKroach killer”

  1. naku pareho pala tau na nawawala sa sa tamang bait kapag may lumilipad na ipis. nyahahha! talagang tatalon, titili at super magpapagpag pa kapag nadapuan๐Ÿ˜† …normal ba yun o tayong dalawa lang ang ganun? :grinnod:

  2. meron namang “for all types of insect” ang baygon eh saka may lemon scent na rin kaya di masangsang sa ilong.

    pero hindi talaga mawawala yang mga pesteng ipis na yun sa buhay natin kaya siguradong milyones ang kinikita ng mga kumpanyang gumagawa at nagbebenta ng insecticide

  3. sa lahat naman ng pwedeng pumasok sa bahay yang flying ipis ang pinakaayaw ko. peste. tama si ellieshe. tsinelas lang ang katapat nyan. pero wag silang magkakamaling gamitin ang tsinelas ko at sa kanila ko ii-spray ang baygon.

  4. yung mga little kengkays ko din na traumatize nung nakakita ng ipis sa pool side ng isang hotel. ayaw na bumalik dun, ang laki kasi ng ipis sa atin e. sabi ko nga e house pets yon, pero bakit kaya ayaw nya maniwala, hehe. pero si kengkoy, cool lang yan sa mga ganyang ipis.. kasi naman dito naglalakihang naked snails ang makikita mo sa damuhan e, yun ang tunay na kadiree

  5. sana turuan din ng engrs ng baygon ang mga ipis na sa basurahan mamatay. effort pa kasi hanapin sila at walisin!

    bwahhah at talagang manyakis sa pampublikong sasakyan ang tingin mo sakin ..

    mataas ang tingin ko sayo.. isang kang institusyon kaya im expecting more! haha

    sbe mo sa site ko YOU HEIT ME.. no you dont.. (–,)

  6. “…pinakawalan ko ang isang malakas na tili kasabay ng pagtalon talon at pagpapag pag sa buong katawan ko…”

    pinag iisipan ko ngayon kung gusto pa ba kitang tawagin na idol.๐Ÿ˜ masyado akong nabaklaan sa tili mo.

  7. naalala ko yung chemistry nung college. ugali nalang kaming gawing praning nung prof namin. edi pinag uusapan kung talagang delikado yung mga insecticide na yan. ayun! pag nag accumulate daw yan sa katawan ng tao, nakakacancer daw at syempre.. nakamamatay dahil lason nga. (pilosopo. tangina)

    pero mas okay na magcacancer dahil sa yosi. hindi naman ako lumalagok ng baygon. palagay ko hindi masarap. hehe

  8. Ang ginagamit ko na ipis killer ay yung RAID. Wala syang masangsang na amoy after mo i-spray. Anyway, Kakatawa naman entry mo Jhon. You make simple things seems interesting. Galing mo mag kwento. Keep it coming.๐Ÿ™‚

  9. JC! Andami kong ni-back read! Haha! Pero okay lang dahil kahit halos naka 20 minutes ako dito sa site mo, natuwa naman ako! Panalo ka talaga, walang kupas! =)

    Kung nababahuan ka sa Baygon, try mo yung Raid. May amoy siya pero hindi masyado masakit sa dibdib. =) Tapos pwede ka pa mamili ng scent kasi magkakaiba iba yung mga smell niya! O diba ang saya nun! =)

  10. natawa ako. naiimagine ko si jon cabron na nagtititili at natatakot sa ipis.

    mainam din ang JOY ULTRA na pamatay ng ipis. wala pang isang minuto makikita mong natatae na sa lason ang pesteng ipis na yan๐Ÿ™‚

  11. hindi kita maimagine na nagtititili. hindi talaga.

    ako naman hindi takot sa ipis pero hate ko ang mga yan kapag gumagapang habang natutulog ka. nawa’y mabuti na ang pakiramdam mo at nawa’y mabasa ng mga engineer ng baygon ang mensahe mo para sa kanila.

    baket nga ba ang baho ng baygon ano? isa sa mga memories ko nung bata pa ako eh, pagdating ng hapon, mags-spray nyan ang katulong sa kwarto/bahay namin at sasabihing bawal muna pumasok. sus, eh di sa labas naman kami pinapak ng lamok. anlabo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s