pasalubong

ilang linggo pa lang nakakababa ang tatay ko sa barkong pinagtatrabahuhan n’ya, at kagabi naman dumating si mrs. cabron galing sa tatlong araw na bakasyon sa baguio. at sa magkasunod na pangyayaring ‘yun na dalawang mahal ko sa buhay ang umalis at dumating at nakaalala na magbigay sa akin ng tigisang pasalubong, lubos akong nagpapasalamat.
seryoso, isa sa bagay na hindi natin pwedeng matawag na naiiwan natin sa pagtanda natin ay ang excitement na nararamdaman natin pag may natatanggap tayong pasalubong, maaaring nagmatured ka na at hindi na parang batang nagtatatalon o halos maihi sa salawal mo sa oras na dumadating ang isang galing sa ibang lugar at makikita mo s’yang maraming bitbit na alam mong pasalubong at malaki ang posibilidad na isa sa bagaheng ‘yun ay para sa’yo, pero ang kaba at tuwa.. kakambal na ng sistema mo ‘yun.
baka nga malayo pa lang ang padating o matagal pa ang mismong araw ng pagdating may listahan ka na sa isip mo ng mga bagay na sikat sa lugar na pinanggalingan n’ya at posibleng makuha mo.

at madalas na naniniwala ako na ang pasalubong na natatanggap natin sa isang tao lalo na kung unique at wala kang kapareho sa ibang pinasalubungan n’ya, ang isang batayan kung gaano ka kaimportante sa taong ‘yun at sumisimbulo ng pagtingin n’ya sa’yo bilang tao.

pasalubong

at naniniwala akong hindi nakaranas na mabigyan ng tatay n’yang galing sa ibang bansa ng keychain na uang o ng asawa n’yang galing sa baguio ng sundot-kulangot ang nagimbento ng salitang “it’s the thought that counts” .ย ย  :no:

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

22 thoughts on “pasalubong”

  1. ๐Ÿ˜ฆ

    Naiintindihan ko po ang nararamdaman n’yo. Napaka big deal sa akin ng pasalubong. Pero pansin ko rin na habang tumatanda ako, pataas ng pataas ang benchmark. Ang mga abubot na nasasakop ng “it’s the thought that counts”, nili-label ko na na OBLIGASYON.

    Damit, gadgets, laruan (oo, laruan)… ‘Yan ang pasalubong!
    Nananawagan po ako sa mga taong may mahal sa buhay na intarweb person… Compulsary po ang may mai-abot tuwing darating (hangga’t maaari).

    Mapapansin n’yo rin na may kakaibang galak at malasakit kami sa tuwing pagdating n’yo ng bahay (kumusta biyahe, kumain ka na ba), kaya win-win situation ‘yan. :nod:

  2. Uang amf!!!pero atleast me pasalubong kesa wala.sana lang walang kinalaman ang “kung anong pinasalubong sayo ay yun din ang tingin sayo ng taong nagbigay sayo” kung sa kalagayan mong yan ay ang natanggap mo ay isang uang at sundot-KULANGOT.๐Ÿ˜

  3. uyyy, fave ko yang kulangot ng inchik! … at mejo kaya ko pang intindihin si misis mo y ganyan pasalubong nya sayo…

    mejo puzzled lang ako kay fadir at iniisip ko kung ano ang maaaring iniisip nya ng pinasalubungan ka ng ganyan….

    (parang naisip ko yung dating koment ko sau na kung mabubuhay ka uli eh isa kang dung beetle!.. di kya yun din ang sa palagay ni papsy? Lols :grinnod: )

  4. ngayon ko napatunayan na ang mga tatay na nangingibang bansa, kapag lumaki na ang kanilang mga anak na lalaki, at mas astigin na ang dating sa kanila, binibigyan nila ng pasalubong na walang ka-kwenta kwenta para gumanti sa bagong alpha-male ng pamilya…

    at gusto ko lang sabihin na yung tatay kong galing ne amerika, ang pasalubong saken keychain din – pero mickey mouse naman๐Ÿ˜ฆ

  5. alam mo, ang masama non kung kinakailangan na ang ireregalo mo ay isang representasyon ng pagkatao nung pagbibigyan. kung ganun naku. ansakit sa kalooban non kung makakatanggap ka ng sundot kulangot mula sa misis mo. LOL.๐Ÿ˜†

  6. dahil nung teenager ako walang perang dumadaan sa kamay ko ang hindi napupunta sa rugby.. at isa pa bakit pa sila nanghihingi e pwede naman silang manghablot ng celfone?

    tama ka dun! wala g drama epek!

    nwey dude, may nakasabay na naman ako sa bus.. pero tingin ko nde ikaw yun. mahinang klase bumanat eh. (–,)

  7. di hamak na mas maswerte ka at yan ang natanggap mong pasalubong.

    wala na yata tatalo dun sa natanggap kong pasalubong na galing pa sa pinakamagandang hotel ng Macau – ang The Venetian Hotel:

    1. 4 pirasong unused toothpick (mint flavored)
    2. 4 na lukot-lukot na stationery ng hotel
    3. 1 keycard ng hotel room.

    naiiyak ako sa tuwa at halatang pinag isipan ng mabuti — its the thought that counts – tama!

  8. sa totoo lang.. di ako mahilig sa pasalubong.. feeling ko nagiging “obligasyon pasalubong.. pakiramdam ko.. kada abroad ng isang tao, kelangan pa magsadya bumili pasalubong.. sa totoo lang.. napaka tasteless..

    parang gift yan sa pasko.. kung meron .. e di ok, kung wala.. e di ok lang rin..
    hindi yung.. kelangan meron.. kungdi..

    buong buhay ko. never ako nanghingi ng pasalubong.. parang ang kapal ng dating e….

    kung meron man.. ako nahihiya.. sa totoo lang. ito ang isa sa mga negative na kultura natin.. ang “pasalubong”..
    di sya nagkakalayo sa: “kumuha ka ng ninong na mayaman… para may regalo kang maganda sa pasko”
    parang mali..

    tapos kung magbibigay ako ng pasalubong.. andami pang dakdak.. dami pang kesyo kesyo.. nababansagan pa akong barat… buti sana kung may oras kang mamili at maglakwatsa..at buti sana kung may pera ka.

    salimpusa ka nalang sa byahe, obligado ka pang gumastos pang pasalubong…

    tapos kung sasabihin mong WALA.. ikaw pa ang masama!!

    mas ok pa yung di magbigay ng pasalubong…

    kaya sa susunod kong alis..mas lalo na akong magiging practikal… di na toothpick ang dadalhin kong pasalubong.. maswerte na kung mabiyaan man ng sinumang nanghihingi ng pasalubong..

    PASALUBONG:
    1. used tissue..
    2. used cotton buds..
    3. used toothpick…

    buti nga meron e.. kesa wala..!

    pero kyut nung keychain mo a..

  9. @defpotec: naiintindihan ko ang pananaw mo pagdating sa pasalubong. kaw yan eh. Pero ganyan kaming mga PINOY. nasa kultura na naming mga pinoy ang magbigay o kaya medyo umasa ng pasalubong sa mga dumadating – at sweet yun para sa amin. para sa akin, walang masama sa manghingi ng pasalubong at hindi din naman yan pwersahan. kung meron eh di meron….kung wala eh di wala! Tasteless lang ang pasalubong chuva ek-ek na yan kung may umaasa o humihingi na taong hindi mo naman kaanu-ano.

    may mga kultura din ang mga kano, arabo, intsik, indiano na “tasteless” ang dating sa amin na mga PINOY o kaya pangit tingnan na mga kaugalian nila pero wala kaming magagawa dahil kultura nila yun at nirerespeto namin yun.

    isa lang naman solusyun jan pagdating sa pasalubong: KUNG AYAW MO WAG MO! pero babaliktad muna ang mundo bago mawala sa amin na mga PINOY ang ganung kultura pagdating sa PASALUBONG.

  10. natawa naman ako dito sa entry na to๐Ÿ˜€

    kasi kapag bata pa tayo, masyado pa mababaw kaligayahan naten..
    habang tumatanda, dun natin nari realize na nung bata pala tayo,
    ambilis pala nating mauto๐Ÿ˜†

  11. ahahaha, si mamaru at def dito nag-aasaran.

    cute ang pasalubong ni daddy mo. pero sa totoo lang, keychain ang pasalubong na ayoko na matanggap. lagi kseng yan ang naiuuwi eh. siguro dahil handy at mabilis makakita ng iba’t ibang klaseng keychain.

    o baka naman ang alam ng tatay mo eh wala ka pang keychain kaya’t inuwian ka nya. naco, i can’t wait for december. uuwi na rin ang nanay ko. at kahit sinabi ko sa kanyang wag na nya kami mashado bilhan ng pasalubong, mag-enjoy na lang sya sa byahe nya, eh deep inside, umaasa pa rin ako. maganda pa naman taste ng nanay ko. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s