baha lrt bakla at tomboy

pagpasok ko pa lang kahapon, sinabi ko na sa sarili ko uuwi ako ng maaga. 2 – 10 na ‘ko kinabukasan at mag iinternet ako paguwi ko ng sagaran. narinig n’ya siguro ‘yun at pangisingisi n’yang pinindot ang isang button para bumuhos ang ulan, at bumaha sa kamaynilaan, ilang oras bago ako lumabas ng opisina. joke time daw.
isang oras at kalahati ako sa waiting shed sa labas ng opisina bago ako nakumbinsi na hindi na talaga titigil ang ulan sa lalong madaling panahon, nilabas ko ang payong ko at naglakad palayo, sa isip ko hindi ko naman kailangan ng pedicab kse nga may payong naman ako.. diretso ang lakad at nagsindi pa ako ng yosi. para astig ang arrive kahit nakapayong.
nakakalagpas na ‘ko ng kalahati at malapit na sa sakayan ng binulaga ako ng baha sa dadaanan ko, hanggang tuhod at walang ibang daan at paraan kundi lumusong dun o magbayad ng trenta sa pedicab para lang itawid ka sa kabila. at dahil buhat nung nagkatrabaho na ‘ko ay nag iba ang approach ko sa mga problema, nagpedicab ako. ganun akong magsolusyon ng problema ngayon. ginagamitan ko ng pera.
bumaba ako sa pedicab pagkatawid, mga ilang padyak lang ng driver ang nakalipas. para bulagain ulit ng isa pang baha sa kabilang kalsada naman, sakto kung saan ako dapat sasakay ng jeep. ayos! inalok ako ng isang pedicab driver, “sir pedicab trenta lang” umiling ako. at naglakad sa hagdan ng LRT.
at dahil mahigit dalawang oras ako sa b’yahe iisa isahin ko na lang ang nangyari.

  1. napakatagal na nung huli akong sumakay sa LRT, nagaayos pa lang yata ako ng NBI para sa trabahong ito na magdadalawang taon mahigit na ako.
  2. naisip ko lang na halos lahat ng uri ng tao makikita mo sa LRT.
  3. nahihiya ako sa sarili ko na bigla akong kinabahan nung dumating na ‘yung tren sa sasakyan ko.
  4. natatangahan ako sa mga manyak na kung saan saan nahuhuling gumagawa ng kalokohan. seryoso, kung manyak ka’ andito sa LRT ang lahat ng grasya at posibilidad.
  5. eto ba ako lang o talagang kahit saan ka magpunta lalo na pag rush hour, halos 80% e makakakita ka ng at least isang taong naka uniporme na nagtatrabaho sa abenson?
  6. may baklang estudyante na sigaw ng sigaw ng “PARA” pag tumitigil sa bawat istasyon ‘yung tren tapos tawanan ng tawanan ‘yung mga kasama n’ya.
  7. gusto ko sanang testingin kung talagang high voltage nga ‘yung bakal sa riles ng LRT.
  8. pero wala akong maisip na paraan kung papa’no ko maaakay ‘yung bakla sa ilalim ng tren.

sa edsa station ako bumaba para sumakay ng alabang express na jeep sa may macdo dun. medyo matagal pa ako naghintay sa pila dahil antagal dumating ng sasakyan. antagal ng biyahe, ansakit sa likod.

  1. may kasakay akong mga nagja japan
  2. nasa harapan ko sila
  3. at wala akong katibayan na nagja japan nga sila
  4. pero, basta alam ko.
  5. at pinangalanan ko silang “pustiso girls”
  6. dahil puro pustiso ang harapan ng mga ngipin nila.
  7. .. wala lang, para malibang lang sa b’yahe.
  8. may dalawang batang idad lima o anim ang sumakay at namigay ng sobre sa lahat ng pasahero
  9. ang nakalagay “maawa na pu kayo sa badjao”
  10. pumalo sa dala n’yang drum set na gawa sa lata ng gatas ‘yung isa
  11. at ‘yung isa sumayaw sa loob ng jeep.
  12. ‘yung tomboy na may tatlong tao ang layo sa akin, niloloko ‘yung batang sumasayaw.
  13. pinalayo sa kanya kse ang asim daw.
  14. tapos nagrerequest s’ya dun sa tumatambol ng “low” daw.
  15. hindi alam nung batang nagtatambol
  16. kinanta na lang nung batang sumasayaw.
  17. puro low lang ang maririnig mo.
  18. nung bawian na ng sobre, walang laman ‘yung galing sa tomboy at ang sabi nya
  19. “gusto ko kse “low”
  20. sa maniwala kayo at sa hindi, andito na ‘ko sa bahay, at hanggang ngayon nagsisisi ako kung bakit hindi ko hinampas sa mukha n’ya ‘yung payong na dala ko.
  21. magkano lang ba ‘yung payong ko?
  22. singkwenta pesos lang yata

mag aala siyete na akong nakauwi.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

20 thoughts on “baha lrt bakla at tomboy”

  1. naka 1st post rin!
    sabi mo nga joketime Niya. di nman cguro Niya sinadya para sa iyo lang.

    pero badtrip yung trip nung mga bakla…mas kahampas hampas sila ng umbrella mo.
    yung mga badjao kc minsan dinilaan nila yung ice cream na hawak ko so no choice ako kungdi idonate yun.

  2. Hmm… generally takot ako sa pulubi, pero medyo masama naman talaga ugali nung tomboy ah. sana sinungalngal mo nga ng payong. malamang tinulungan ka pa ng mga badjao.

    Yung bading sa lrt, pareho yun nung mga nakakasabay kong babae sa mrt. tuwing may siksikan parang kinikilig na makipagkiskisan ng body parts sa mga tao, hagikhikan ng hagikhikan parang kinikiliti sa pwet.

  3. nakakasira ba talaga ng image ng lalake ang magdala ng payong? kailangan may sindi pang yosi. buti nalang sa bahay lang ang trabaho ko. hindi na obligasyon sakin ang magkomyut. laging maputi ang kulangots ko.😆

  4. hahahaha….lagi talaga ko naaaliw sa mga post mo…
    korek ka dyan!!! sa mga tren ay naglipana ang mga manyak…pati na din sa bus… lahat ng pwedeng style gingawa…

    yung tomboy naman nag request pa eh hindi naman pala magbibigay…dapat nanahimik na lang sya… at kung ako dun sa bata sasahihin ko sa kanya “hindi ako radyo, may bayad ang request ng kanta”

    pero masaya mag commute lalo na pag may kasama kasi may ksma ka pag nagreact sa mga eksena nakakatawa at nakakainis…😆

  5. sa inaraw-araw na ginawa ng diyos laging merong mga bata na umaakyat sa mga jeep na nasasakyan ko. tapos may sobreng pinamimigay sa bawat pasahero. yung iba tulad ng mga badjao na sinasabi mo. yung iba, ewan ko rin. pero dahil hindi ako kunsintidor sa katamaran ng mga magulang nila o di kaya’y masama talaga akong tao at walang awa, hindi talaga ako nagbibigay. deadma na lang. di tulad ng balahurang tomboy na nakasabay mo. nang-gago na, di pa nagbigay. ungas. dapat nga sinungalngal mo ng payong mo.

    masarap mag-yosi kapag umuulan. ewan ko kung baket. haay. nami-miss ko tuloy bigla mag-yosi. pinatigil na ako ni mr. antuken eh. at dahil mapagbigay akong asawa, tina-try kong tumigil na. hehe.

    1. may mga pagkakataon na naiisip kong mapapatigil mo ‘kong mag saltik pero hindi ang magyosi.. ahhhm pwera na lang kung magiging legal na sigurong magsaltik sa harap ng ibang mga tao… ‘yung halimbawa habang naghihintay ka sa isang park para sa date mo nagsasaltik ka, ‘yung mga ganun..

  6. @antuken,
    minsan nga hindi lang bata ang umaakyat ng jeep, ngayon pati mga teenager na mukhang gangster at ipagmamalaking “hindi po ako nagrurugby, nagmamakaawa ako, pangkain lang nameng magkakapatid!”

    HALLER?! MAS MALALAKE PA BRASO NIO SAKEN- MAGTRABAHO KA!

    1. iyan ang kalokohan na! dahil nung teenager ako walang perang dumadaan sa kamay ko ang hindi napupunta sa rugby.. at isa pa bakit pa sila nanghihingi e pwede naman silang manghablot ng celfone? haller!! mga teenager na sila, ano sila mga beybi? gusto nila ng pang rugby, pwes, paghirapan nila!

  7. lumipat lang pala ng maynila ang mga badjao, kala ko naibalik na ng gobyerno sa pinanggalingan nila. una ko silang nakita sa cavite, isang community ng badjao, nag-camp sa bakanteng place, at nawala rin pinaalis yata ni bong revilla.

    at kung tungkol sa manyakan sa lrt (o mrt) haaay naku alam ko yan…buwiset.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s