friendstrrrr

dahil sunday ngayon at walang magawa dito sa opisina, ginawa ko ang pinaka lohikal na ginagawa ng isang normal na empleyado.. ang mag browse sa net at madalas dumadating sa punto na pag sobrang babad ka na sa interweb nauubusan ka rin ng mga website na mapupuntahan, kaya naisipan ko na lang na galugarin ang pinaka sikat na social networking site sa buong asya. ang friendster.

at ito ang ilan sa mga napuna ko.ย ย 

1. maraming tiga MUNTINLUPA ang “ALABANG” ang inilalagay nila sa location nila. sosyal daw kse sigurong pakinggan, katunog daw kse ng “AYALA ALABANG” pwe!
2. hindi ka in pag hindi bora ang tawag mo sa boracay. o emba sa embassy.
3. sa friendster, certified boracay baby ka na, kahit isang beses ka pa lang nakakapunta dun.
4. sa dalawang grupo lang nahahati ang may pangalan na nicole sa friendster.

* sa mga pangit
* at sa mga peke

5. aangat ng tatlumpu’t lima ang value ng profile mo sa friendster pag meron ka nitong tatlong album na ‘to.

* bora
* starbucks
* emba

6. gusto mong maging hindi basta bastang boracay baby lang? pwes, magpapicture ka ng nasa likod mo ‘yung kilalang sandcastle structure at fridays na sanga sa boracay.
7. kung babae ka at wala kang self pict gamit ang celfone mo, na halos mabali na ang leeg mo mapag kasya lang ang sarili mo sa frame.. pwes, wala ka! … wala ka pala e!
8. kung lalaki ka at may self pict ka gamit ang celfone mo, na halos mabali na ang leeg mo mapag kasya lang ang sarili mo sa frame… pwes, silahis ka! at wag ka ng mag anu ano d’yan.
9.cool tawagin ang sariling “bitch” pero wala ng masku cool pa kung “biatch” ang terminong gagamitin mo.
10. kalimitang caption ng pictures

* shit ang taba ko dito
* la lang
* me
* dont cha
* simply me

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

30 thoughts on “friendstrrrr”

  1. bwahahah. may friendster ako. kakagawa ko lang!! pero may malagim lang kasi akong balak dun.. hehehehe. inaabangan ko kung bibisitahin ako ni ano..

    nagdadahilan pa kunware kasi guilty sa ibang inenumerate mo. kagaya ng bitch. nakakasawa at mas pangit pakinggan ang term na camWHORE. kaya camBitch nalang. erm.. anu pa? yun lang.

    ah.

    may friendster ka ba jon cabron? nyeahahaha

  2. Waaaah! guilty! Parang gusto ko na delete ung Bora album ko ah! hmm.. first time ko kc dun e.๐Ÿ˜ฆ Erase ko ba? hmmm… wag na! Sayang ang 35 na mababawas sa value ng friendster ko… hihihi!

  3. 11. hindi ka in kung hindi primary photo mo ang picture na nakatingalang animo’y nakasilip at medyo nakasideview na pinagkakasya ang mukha sa picture at parang ipinagmamalaki ang mga kuto sa buhok o sinasadyang idikit sa camera ang buto sa kanilang pisngi.

    1. tama ka!tapos nakadisplay ang mga pinagmamalaki nilang kamay na buhol-buhol ang daliri!minsan me panyong scarf pa nakatakip sa bibig.kunwari holdaper!o kaya minsan style emo na pinagmamalaki lagi na magsusuicide sila.mga mukha namang nemo!!!!!!!wwwaaaaaaaa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s