sa lunes ng gabi

nakatanggap ako ng text kahapon lang galing sa isang kaibigan nung high school at kumpare dahil ninong s’ya ng anak ko. gimik daw sa sabado ng gabi kasama ‘yung isa pang kaibigan nung high school at kumpare din dahil ninong din s’ya ng anak ko. nagreply ako, sabi ko sa monday na lang ng gabi dahil tuesday ang off ko. sumagot s’ya, sige daw.
paguwi ko ng bahay kagabi dun lang lumiwanag sa akin ang lahat. yung isang kasama namin hindi umiinom kahit nung unang panahon pa, at itong nagtext matagal na rin na tumiwalag sa alak buhat nung yumakap s’ya sa isang relihiyon na sikat sa tv. naisip ko na ok nga ‘yun dahil tulad ng sabi ko sa dating entry ko at ipinangako ko sa sarili ko, hindi na ‘ko magiinom. ‘doh nakakadalawang suway na ‘ko sa ipinangako ko, seryoso pa rin ako na tuparin ko ‘yung bagay na ‘yun. pero naisip ko na kung gigimik kaming tatlo sa luner ng gabi, sa’n naman kami pupunta? 

  1. mag iikot sa mall? yuck! ambaduy.
  2. mag iistarbucks? ambakla!
  3. kakain sa jollibee, tapos maglalaro sa padulasan at swimming pool ng mga bola kasama ng mga batang amoy medyas?
  4. magpipiknik sa park at maghahabulan?
  5. raratrat ng bato? pero.. di na ‘ko gumagamit.
  6. pupunta sa bar, manonood lang ng banda at iced tea lang ang iinumin? demet! nakakatae ‘yun.

ewan ko, ayokong lumabas na masamang kaibigan pero seryoso, kung sa paglibot libot n’yong dalawa sa interweb at sa hindi inaasahang pagkakataon ay mapadpad kayo sa blog na ito at mahulaan n’yo na kayong dalawa ang tinutukoy ko.. nakikiusap ako. bigyan natin ng pabor ang isa’t isa, tigilan natin ang lakad na ‘yan. sa nakikita ko ngayon parang mas gugustuhin ko pang umupo na lang sa isang sulok sa gabi ng lunes, humawak ng yelo at pagmasdan kung papa’nong unti unting natutunaw sa kamay ko ang yelong ‘yun.. seryoso, pakiramdam ko mas mageenjoy pa ‘ko sa gagawin kong ‘yun.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

8 thoughts on “sa lunes ng gabi”

  1. ikaw naman, give them a shot. baka naman talagang enjoy silang kasama, hindi man sila umiinom. pwede naman kayong:

    1. magsine (pero kung manyak sila wag na)
    2. magbaraha at mamulutan (coke na lang ipantulak nyo)
    3. mag-malling (pero isama mo si little cabron para makasingil sya sa ninong nya)

    pero kung wala ka talagang maisip na activity, magkunwari ka na lang na nagtatae ka.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s