kung gusto mong maglaro, sa netopia ka magtrabaho!

pinilit kong iwasan na mapunta sa akin ang utos na umiikot sa department namin, hindi sa natatakot ako o tinatamad pero alam kong marami akong makakabangga, at alam ko rin na hindi ako magiging parehas sa lahat dahil sa aminin man natin o hindi, kung gusto mong maging masaya ang buhay mo sa loob ng isang kumpanya, kailangan mong ilagan ang mga taong kinakailangang iwasan at saluduhan ang kinakailangang saluduhan.
at buti na lang hindi s’ya kasama dun sa mga taong dapat iwasan at dapat saluduhan, simple lang naman ang gagawin ko kailangan kong maginstall ng isang software sa pc n’ya para hindi s’ya makapag bago ng settings o makapag install ng kung anu ano, nagalit s’ya nagwala.. at pag ang pinaguusapan ay babae at sinabi kong nagwala ang ibig sabihin nun ay nagbunganga. kesyo wala kaming kwenta, bakit daw ‘yung iba hindi namin magalaw ‘yung pc, bakit daw ‘yung iba mga wala namang ginagawa pero may internet connection pa. sa lahat ng ‘yan isang beses lang ako nagtaas ng boses sinabi ko sa kanya na wala akong gagalawin sa pc n’ya na makakaapekto sa trabaho n’ya, ang gagawin ko tatanggalin ko lang ‘yung mga bagay na hindi kailangan, kesyo unahin ko daw ‘yung ibang matataas.. etcetera etcetera.  
nararamdaman ko ng napipikon na ‘ko. nagiinit na ‘yung mukha ko at ‘yung batok ko.. nanay ko lang at asawa ko ang babaeng binibigyan ko ng karapatan na sigaw sigawan ako ng ganun, kahit lola ko masusuntok ko sa bibig pag niratrat ako ng ganun. pero inisip ko na lang na alam kong ako ang nasa tama, at isa sa pinaka nakakaenjoy na gawin ay yung mang asar ka sa harap ng isang galit na galit na tao sa pamamagitan ng pangiti ngiti lang at ilang sundot ng pasarkastikong simpleng banat tulad nung sinabi n’ya na babagal ang pc n’ya pag naginstall ako ng program na ‘yun at sinagot ko s’ya ng patanong din na ano ba ang kinakatakot n’yang bumagal ‘yung proseso ng trabaho n’ya o nung games n”ya? wag s’yang magalala dahil tatanggalin ko na ‘yung mga laro sa pc n’ya. at nung sinabi n’ya na lahat ng hindi n’ya magagawang trabaho sa’min n’ya ipapagawa, sinabi ko na sige walang problema pero sa dami ng ginagawa namin sa baba.. bahala s’yang maghintay kung kelan matatapos ‘yun. lahat ‘yan mahinahon at nakangiti kong isinagot sa kanya.
ano ang pinaka worst na mararanasan ng isang lalaki sa isang babae bukod sa ipagpalit s’ya sa tomboy? .. ang ratratin s’ya ng bunganga nito sa loob ng isang opisina, bakit? dahil “bait” ‘yun ng isang tipikal na babae. pinapainan ka n’ya at pag pinatulan mo ‘yun dalawa lang ang alam n’yang pwedeng mangyari, hindi ka makakapag pigil at masasaktan mo s’ya na isang napakalaking problema para sa’yo dahil malaki ang posibilidad na matanggal ka sa pinapasukan mo pag ganun, at pangalawa pag hindi ka n’ya na provoke na saktan s’ya.. idadaan n’ya sa iyak, at alam naman natin kung gaano kalambot ang puso ng kahit na sinong normal na tao sa isang babaeng umiiyak at larawan ng kahinaan.
nung nakayuko s’ya at nagpupunit ng papel at nagsasayang daw s’ya ng resources ng kumpanya dahil naiinis s’ya, alam ng diyos na sandaling nagtalo ang isip ko at pang unawa dahil gusto kong buhatin ‘yung monitor n’ya tapos ibabagsak ko sa batok n’ya. pero maraming taong makakakita. kakalat ang dugo sa carpet. wala pa akong naiipon.
maaga akong natulog kagabi dahil ansakit ng ulo ko, pero habang pauwi ako naiisip ko pa rin ‘yung babaeng ‘yun. at naisip ko na kung may kapangyarihan lang ako sa kumpanyang pinapasukan ko, tutal saling ketket lang naman ang tingin ko sa kanya sa department nila ang gagawin ko kukunin ko ‘yung pc n’ya at ibibigay ko sa ibang mas nangangailangan, tapos maglalagay ako ng isang tv at family computer sa table n’ya. gawin n’ya lahat ng gusto n’ya, at sa pagkakataon na ‘yun… wala na kaming pakialam sa kanya. hindi ako aakyat sa opisina nila para lang i100 lives ang mario n’ya. bahala na s’ya sa buhay n’ya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

17 thoughts on “kung gusto mong maglaro, sa netopia ka magtrabaho!”

  1. napakamakabago ng mga napili nyang laro. Mario. (hindi pa ako nakakatapos kahit isang world non)

    Kontra nalang kamo, tapos, gawin nyang tunay na baril yung console. itapat nya sa sintido nya tapos pasabugin nya kamo yung bungo nya.

    yang mga ganyang klaseng babae, okay lang kahit saktan mo eh. (yun nga lang, hindi pwede sa lagay mo kasi nasa opisina ka) Alam naman kasi namin ang kapangyarihang taglay ng pagputak at pagiyak. Kaya lang kami nagkaka attitude negative kasi inaabuso ng ibang maria yun. Power trippers.

    (syet, bukas, hostage na ako ng Gabriella)

  2. ewan ko sa yo, pero ako hindi ako naaawa sa mga umiiyak. parang lalo ko silang gustong sungalngalin. ewan ko, pero baka totoo yung duda kong wala akong kunsensya.

    ayos din yung taong yun ah. sya na yung walang ginagawang matino sa pc, sya pa galit. dapat sinabi mo sa kanya na kung gusto nya, sa mga boss nya ipagsigawan yung mga pinagsasabi nya. tignan natin kung may trabaho pa sya bukas.

  3. di naman lahat ng babae nakakaawa pag umiiyak. haha.

    pero pag ako ang umiyak.

    tumitigil ang lahat.

    haha. naiinis kasi sila sa kadramahan ko at gusto na nila akong pasakan ng tissue paper. hehe

    HB ka na naman Mr. Cabron. =P

  4. napakawalang silbi naman pala nyang babaeng yan..ano yun? pag walang games hindi makakapagtrabaho ng maayos? wala kasi syang maibigay na magandang dahilan kaya ganun. bili kamo sya ng psp kung gusto nya maglaro ng games sa ofis.

    potek andaming walang trabaho ngyon…

  5. ang ipagpalit sa tomboy at maratratan ng bunganga? worst case scenarios nga yan ng magagawa ng babae sa isang lalake.

    ang mahirap sa ibang tao, pag nasanay na ng petiks akala nila dun sila binabayaran ng kumpanya. mga tae sila. hmp. makapag-blog na nga.

  6. hindi lahat ng gusto ng mga babae ay masusunod, hindi lahat ng sasabihin ng mga babae ay pakinggan, pero kapag ikaw ay kanyang nginitian ng pagkatamistamis at makikiusap sa iyo ng napakalambing, walang Adan na hindi babagsak kung matinong makipagusap si Eva.

  7. ahahahaha ayus ahh, Tech Support on call? daming din games ng mga user dito. patangal ko sa iyo almighty Jon.

    … pag ako nag tangal tapos babalikan ako kasi nga bakit ko raw tinangal, banatan ko ng ganito, “sino boss mo? kausapin ko” di na nagsasalita… lol

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s