lamay 2 aka kakampi nyo ang batas!

ang haba na ng naisulat ko para sa karugtong ng kwento kahapon, at nung binasa ko para sa mga typos at ilang dapat ayusin.. inantok ako at napaidlip. walang kwentang kwento. at kung inantok ako sa sariling kwento ko, hindi imposibleng macomatose kayo lahat habang binabasa n’yo ‘yun. kaya pipilitin kong paikliin na lang.
matapos ang iniwan kong kaso nung nasaksak ako at ‘yung kasong binitawan ko nung nabasag ang ilong ko isang bagay ang tiniyak ko, dadating ang araw sa kabilang silya naman ako uupo at hindi man eksaktong ako ‘yung irereklamo, kahit nakaupo lang ako para sa panig ng nang agrabyado ipamumukha ko sa mga kaharap ko kung papanong walang ka kwenta kwenta ang batas dito sa pilipinas at kung papanong dapat tatagan nila at habaan nila ang pisi nila dahil ilalabas ko lahat ng inipon ko sa dibdib ko.. walang pase pasensya, walang respeto. 
unang nakatikim ng salita sa akin ‘yung nanay na maingay na akala mo isang tupa ang anak n’ya na sinalakay ng mga leon. sinabihan ko s’ya na wala s’yang kredibilidad na magsisigaw dun na parang pag kebait bait ng anak n’ya at tipong pag ke galing galing n’yang nanay dahil in the first place e asan ba s’ya nung madaling araw na parang sira ulong nagkakalkal ng basura ‘yung anak n’ya at nambabato ng basura sa kalsada. alam ko hindi tamang isisi sa iba ‘yung kasalanan ng isa pero sa puntong ‘yun ipaglalaban kong mas kilala ko ang anak n’ya nung gabing ‘yun kesa sa kung gaano n’ya kakilala ang anak n’ya. tinanong ko rin ang anak n’ya kung anong intensyon n’ya at ibinato n’ya yung mga basura sa kalsada, tinanong ko kung sakit ng katawan ba? .. at sinabi kong o e ano pang inaano ano mo e ayan at napagbigyan ka na, sobra sobra pa nga. at sinaway ako ng baranggay tanod pero ang dating sa akin nun e “naiinggit ako jon, ako din pagsalitaan mo” kaya s’ya naman ang kinausap ko at sinabihan na wala akong respeto sa kanilang mga baranggay tanod dahil kakagaling ko lang sa baranggay ilang buwan lang ang nakakalipas at wala silang mga silbi. sinaway ako ng nanay ko at pinalabas ng baranggay hall, habang nagyoyosi ako sa labas, may lumabas na isang matandang tanod at bumulong dun sa kasama n’ya na “kaya pala makulit ‘yang nabugbog kse pamangkin pala ni ano ‘yan” kaya s’ya naman ang hinarap ko at sinabihan na wala kaming pakialam kung pamangkin pa ng kahit na sino ‘yan dahil hindi usapin dito kung sino ang bugbog sarado, ang dapat pagusapan dun kung ano ang intensyon, bakit s’ya binugbog. hindi naman kami mga batang kalye na nag abang lang ng mapagti tripan sa kalsada. humingi s’ya ng paumanhin at na misinterpret ko lang daw ‘yung sinabi n’ya. ewan ko pero pakiramdam ko nung gabing ‘yun para akong taong hindi kayang tablan ng kahit na ano,  lahat ng gusto kong sabihin otomatik na inilalabas ng bibig ko, hanggang nung nasa munisipyo na kami at kaharap na namin ‘yung mismong desk officer. seryosong natuwa sa akin ‘yung isang pulis dun, tinawag n’ya ko sa parang baraks nila at kinausap ng one on one, ang sabi n’ya tama daw ‘yung mga sinasabi ko at naiintindihan n’ya ang mga katwiran ko, kaya lang iba daw ang katwiran ng batas, dahil disi syete pa lang ‘yung lalaking nabugbog, matinding kaso daw ang haharapin ng mga kasama ko dahil child abuse ang labas nun. sana daw nung nag walangya yung taong ‘yun isinumbong na lang sa baranggay o pulis at sila daw ang bahala. matindi raw kse ang batas sa women and child abuse, at takot sa human rights. sinabi n’ya pa na matagal na raw sakit ng ulo ‘yung batang ‘yun at suki na ng baranggay. matapos n’yang sabihin sa akin na ayusin na lang kung maaayos pa ang problema kesa umabot pa sa malakihang halaga ng piyansa, lumabas na lang ako sa kwarto n’ya habang napapailing.
walang kwenta ang batas talaga, at itong taong ‘to na nagsusulong ng karuwagan ang maituturing kong isa sa pinakamatinong pulis na nakausap ko sa taong ito. nakauwi naman kami ng maayos at ibinalik ang kaso sa baranggay, iiskedyul pa raw ‘yung unang paghaharap dun, pero duda ako kung makikita pa nila ‘yung tito at pinsan ko.
mahaba na ang kwento ko at alam kong sabay sabay tayong nababato sa mga oras na ‘to. sana lang naipahatid ko sa mga mambabasa ko, lalo na sa mga kabataan ang munting aral sa kwentong ito. kung ikaw ay nasa idad na labing dalawa o labing pitong taong gulang, alam n’yo na ang dapat n’yong gawin, kids.
lumabas kayo ng bahay n’yo at hatawin n’yo sa mukha ng kahit na anong mahahawakan n’yo ang kahit na sinong matatandang makikita n’yo. lagi n’yong iisipin na kakampi n’yo ang batas. walang kahit na sinong p’wedeng manakit sa inyo. at kung sakaling may magkamali at pinitik kayo sa ilong, ihabla n’yo! idemanda n’yo! at ipinapangako ng batas sa inyo ang malaking salaping kikitain n’yo sa laban na ‘yan, malaking tulong ang perang ‘yun para sa mga magulang n’yong walang ginawa kundi magsugal at mag droga.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “lamay 2 aka kakampi nyo ang batas!”

  1. high blood na si mr cabron.

    pero i have to agree.

    maraming mga bata ang malakas ang loob na gumawa ng krimen dahil sa “defense of infancy. naalala ko tuloy yung nabasa kong news (o napanood bang news yun?) na nahuli na raw yung number 1 most wanted sa caloocan.

    kumusta naman. 17 years old lang ata siya. (o 19? basta bata pa)

    at ang mga kasi niya eh matitindi. think homicide ng hinold-up niya na pumalag ng konti.

    nakakalungkot talaga.

    tuwing nakikita ko ang kapaligiran at nakikita ko yung mga batang napapariwara, nanghihinayang ako. sayang kasi sila. siguro kung sinwerte sila sa genetic lottery, malaki sana ang pwede nilang maicontribute sa mundo.🙄

  2. tsk tsk tsk.. :no:

    kahit ano pa sabihin ng ibang tao, mas marami ang nakakaalam na baluktot na talaga ang katwiran dito sa bansa natin..

    mga kabataan ngayon sobrang lalakas ng loob para gumawa ng kagaguhan..

  3. yan nga ang mahirap sa batas. parang wala naman talagang umiiral na batas dito sa pilipinas e. dahil kung totoong nasusunod yan, matagal nang nakakulong ang mga may sala sa gobyerno. sino ngayon ang above the law? batas my butt. :no:

  4. Ang batas sa Pilipinas kung minsan ay butas. Mauubos na ang pera mo hindi mo pa rin makakamtan ang katarungan. Tignan ninyo iyong mga mayayaman na nakakagawa ng mga krimen, ni hindi man lang sila mahuli-huli ng mga pulis, nandiyan lang sa tabi tabi pero nagmimistulang bulag ang mga otoridad.

  5. H!
    oo nga ang batas ang tanging makangyarihan pero d lahat ang batas ang masusunod dito s mundo dapat may taong tumatayo bilang batas siya dapat tapat kng siya ang hindi nag karoon ng pag kkmali siya iyon n lumikha s atin lahat ng sina unang tao s mundo n d p nilikha adam at s eva at nagkamali man ay tao lng siyang nilikha n mkasalanan pero kng ang batas n d nagawa kng ano ang tama at may kundisyon s buhay ay siyang may pananagutan s ksalanang ngawa niya…. :wow:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s