sagad

“hi, cabronskiiiii ang laki ng inilapad moooooo! antagal nating hindi nagkita ah!!”
iyan ang unang unang salubong n’ya sa akin nung nagkita kami, gusto ko s’yang gantihan ng “uuuy ikaw naman anlaki ng balakang mo at medyo bagsak na ‘yung ano mo ah pero naisip ko naman na ang ungentleman ko naman kung sasabihin ko ‘yun. sa alabang kami nagkita kita at lumipat kami sa isang gimikan sa loob ng BF homes na hindi ko na maalala ang pangalan, ok naman ‘yung lugar at ayos naman ‘yung crowd, bumaha ng pulutan at umulan ng alak.. nalasing ako ng sobra, literal na nilunod ko ang sarili ko sa alak, halos hindi na ako nakikipag kuwentuhan sa kanila at dire diretso lang ang inom ko. waiter sa bar na ‘yun ang boypren ni BABAE A, awkward! at maya maya kinakailangang tumayo ni BABAE B para lumabas at makipag usap sa a’hole n’yang boypren sa celfone, bulsyet!
…malungkot ang buhay.
pero ayos lang sa akin ang lahat, basta may alak ako at sigarilyong walang katapusan.. solb na ako’ sanay akong punan ng alak ang kakulangan ng panginoon na bigyan ako ng babae sa mga panahon na ganun na walang ibang pinakamasarap kundi uminom ng may kalandian.. i hate my life.
at gaya ng isang normal na inuman na dinaluhan ko, hindi ko na naman alam kung papano ako nakauwi, basta ang huling naaalala ko, nagising na lang akong sinisigawan ako ng nanay ko sa labas ng bahay sa tapat ng banyo, dahil ilang oras na raw akong nasa loob ng banyo at walang tigil ang agos ng tubig sa labas.. ilang minuto na raw n’ya kong tinatawag at binigyan n’ya na lang ako ng ilang minuto bago nila sirain yung pinto ng bahay namin, ako lang magisa sa bahay at nasa kapatid n’ya ang anak ko at ang mommy n’ya. nagising ako sa sigaw ng nanay ko, habang naka higa ako sa taenang banyo at naka todo ang gripong umaagos sa buong mukha ko.. at hanggang ngayon punum puno pa ng tubig ang tenga ko. hindi ko alam kung bakit ako nakahiga sa isang maliit na banyo, may suspetsa akong natumba ako pero wala naman akong makita o maramdamang bukol o pasa sa katawan ko.
isang buong araw akong natulog kahapon, buti na lang naka leave ako. sobrang sama ng pakiramdam ko at pamilyar sa akin ‘yung pakiramdam na ganun dahil iyon ang saktong nararamdaman ko pagkakatapos kong mabugbog nung mga panahong bigo akong maghasik ng lagim sa kalsada namin.
seryoso, iniisip ko ng tumigil sa pagiinom mula ngayon at unti unting pagtigil sa sigarilyo. kahapon, kahit isa hindi ako tumikim ng yosi, pangalawang araw ko ngayon pag nagtagumpay ako. ayoko ng uminom, naaawa na ‘ko sa sarili ko at minsan naiisip kong may kinalaman ang patayang inuman at sandamakmak na sigarilyo kung bakit sumosobra ang pagiging makakalimutin ko. madalas akong walang maalala pag natatapos ang inuman at nagpapakuwento na lang ako sa mga kainuman ko nung gabi kung anu anong kahihiyan na naman ang pinaggagawa ko ng wala ako sa katinuan. buti nakakauwi pa ako ng maayos.. pero matindi ‘yung isang araw, nakakahiya kung namatay ako nung umagang ‘yun na umuwi ako at namatay dahil nalunod ako sa gripo habang nakahubu’t hubad na lasing na natutulog. ang sagwa.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “sagad”

  1. maganda pong simula yan sir jon, pagbutihin ninyo po ang paglubay sa masamang bisyo… pero tumikim po kayo paminsan-minsan… masarap pa rin ang bawal, kahit papaano… ikinalulungkot ko po ang adventure ninyo with babae a and babae b, kala ko naman umaatikabong aksyon ang mararanasan ninyo, yun pala, umaatikabong sigaw ng nanay ninyo ang naranasan mo.. better luck next time and more power!

  2. hmm.. unti-unti sigurong pag iwas para mabawasan ung tolerance mo sa alcohol at yosi. Ako successful na sa inum.. ung yosi, malapit na… kaw rin. try mo… Di na mababawasan ang budget mo, iwas sa gulo at higit sa lahat.. mas maraming sexy time with mrs cabron… :nod:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s