misyon

naranasan n’yo na ba ‘yung biglang parang pakiramdam n’yo may kulang sa buhay n’yo? pakiramdam n’yo kahit saan man kayo makarating, kahit ano pa ang makamit n’yo laging may kulang? hanggang sa maisip mo ang tanong, kung ano nga ba ang misyon mo dito sa mundo, at ngayon, kailangan mo namang hanapin ang sagot sa tanong na ‘yan..
marami na akong pinagdaanan at nalagpasan, marami din akong matatawag na harang na hindi kinaya kaya pinag kibit balikat ko na lang.. bahala na’ hirap na hirap akong nagtapos ng highschool, dalawang beses nag college bago nagkaron ng matatawag na titulo sa buhay, nagkaasawa at nagkaanak bago magtapos, nakailangang ulit na palipat lipat sa mga kumpanya para magtrabaho, gumawa ng illegal, namuhay sa underground sa loob at labas ng internet, at ngayon na may trabaho na ‘ko na matatawag na matatag.. muli kong narinig ang tanong na hindi ko pwedeng iwasan sa pagkatao ko, ano nga ba ang misyon ko sa buhay? .. at ngayon, masaya akong nasagot ko na ang tanong na ‘yun. ako si Jon Cabron, isang simpleng nilalang na nagtatrabaho ng otso oras sa anim na araw isang linggo, isang ama, asawa, at isang anak sa mga magulang ko, kaibigan sa lahat ng taong gusto ko, at kaaway sa lahat ng hindi ko kakilala.. ay tumutugon sa isang misyon na ibinigay sa akin ng may kapangyarihan.. at mula sa araw na ‘to, ang lahat ng taong tineternuhan ang sandals nila ng medyas ay kinakailangan kong ilabas dito sa blog ko, insultuhin, babuyin, matahin kung kinakailangan.. hanggang maubos sila sa mundo. hanggang sa maisip nila na ang sandals o tsinelas ay hindi naangkop isuot ng naka medyas ka. at kung bibigyan ako ng pagkakataon, kikitilin ko ang buhay ng sinumang makikita kong nakasuot ng ganun, puputulin ko ang ulo nila, hahalukayin ko ng kamay ko ang bituka nila at ipapakita ko sa mga ulong pugot nila.. at magpu foot spa ako gamit ang sariwang dugo nila. at kayo mga giliw na mambabasa ay binibigyan ng karapatan ng buong sambayanang pilipino para saktan din ang mga makikita n’yong ganyan, sa kahit na anong paraan na kaya n’yo.

kanina lang:

blue na medyas pa talaga, iho?

at yung isang araw ulit:

.. at hindi ako titigil hangga’t may nakikita pa ulit akong isang taong normal, walang sakit, walang tigdas, na nasa labas ng bahay at pagala galang nakasandals at may medyas. at kung sakaling kayo mismo o kakilala n’yo ang lumabas sa mga susunod na araw dito sa blog ko, ‘wag kayong magalit sa akin.. ginagawa ko talaga ‘to para inyo din.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “misyon”

  1. jon.mayron akong gustong aminin sayo.sanay wag mong ikaputok ng butsi….

    dati kasi ginagawaa ko rin yan,ang pagsosuot ng medyas sa sandals ko na merrel.sorry na po.hindi na po mauulit.. patawarin mo po ako!!!:no:

  2. Nung nabasa ko to, sinabi ko sa kapatid ko na cool ang magsuot ng medyas pag nakatsinelas..

    Sana makinig sya sa akin, at sana magkrus ang landas nyo, at sana ikaw na ang taong magiging sagot ng aking panalangin.. Puksain mo sya jon.. Pls..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s