johnny bravo

alam ko malamang sa hindi na sa opisina o kahit saang pinagtatrabahuhan n’yo merong isang lalaking ganito ang itsura. isang lalaking parang inassemble na muscles, isang kaopisinang habang nagko coffee break ang lahat, andun s’ya sa ilalim ng mesa n’ya at nagpu push up. at pag oras ng lunch, 1/4 na kanin lang ang sa kanya at puro ulam lang. kundi gulay, isda. isang kaopisina na laging pawisan dahil nagpapa late s’ya ng sadya para maobliga s’yang tumakbo papasok ng opisina. kaopisinang laging maagang umuuwi dahil may schedule s’ya sa gym n’ya. kaopisinang flex na flex ang muscles kahit pumipirma lang hawak ang ballpen n’ya. pag hindi naka uniform, makikita mo s’yang naka jogging pants lang at nakasandong puti. madaling mapansin sa karamihan ng tao pag dumadating na s’ya dahil mistulang nahahawi ang daan pag dumadating na s’yang nangangalit ang mga muscles. katrabahong pakiramdam mo pag niyakap mo at nagflex ng muscles.. mababasag kang parang babasaging baso.
gan’to ang nakasakay ko sa bus kahapon nung pauwi na ako. at hindi n’ya direktang ininsulto ang pagkalalaki ko pero tinamaan ako dun. mainit ang panahon kahapon matapos umulan. nauna akong sumakay ng bus at sa sumunod na sakayan pa s’ya sumakay. takaw pansin talaga ang muscles n’yang parang gustong magkaron ng sariling buhay at magmura ng magmura sa suot n’yang hapit na sando. umupo s’ya sa tabi ko. at dahil mainit nga, habang pawis na pawis akong parang baboy na nagmamantika, andun s’ya sa tabi ko na habang hinuhulasan ng pawis, lalong nangingintab ang mga cuts sa katawan n’ya. hindi na ‘ko nakatiis at sinubukan kong buksan ang bintana sa tabi ko, pero nabigo ako. masyadong matigas at mukhang sira. ginamitan ko ng isandaang porsiyento ng lakas ko pero wala pa din. ginalit ko ang sarili ko para humingi ng lakas dun, inisip ko ang mga engot na nagko comment sa blog ko, ‘yung ‘ndot na nagpadugo ng ilong ko, umatras pa ‘ko ng bahagya at buong pwersang sinugod at ubod lakas na pinilit itaas ang bintana ng bus….. pero matapos kong marinig na parang may lumagutok sa kanang balikat ko, unti unti akong nanghina at napaupo. para lang matakpan ang liwanag ng anino ni mr. macho man sa tabi ko, at isang matigas na halakhak HA ! HA! HA! .. at lumaktaw s’ya sa ‘kin.. at ewan ko kung sinadya n’ya pero sakto sa mukha ko ‘yung kilikili n’ya… literal kong naamoy ang pagkalalaki n’ya. at one click, halos hindi nagalit ang litid n’ya sa leeg, nabuksan n’ya ang bintana. at mukhang hindi pa s’ya kuntento dun dahil pag upo n’ya nagpakawala pa s’ya ng isang pilyong ngiti at kindat sa akin. masyado akong nanliit at pakiramdam ko obligado akong mahimatay nung mga sandaling ‘yun para ipasan n’ya ko sa mga bisig n’ya at kung saan man n’ya ko dalhin…. alam kong safe na safe ako.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

22 thoughts on “johnny bravo”

  1. hahaha! kinindatan ka? buti di ka sinundan pauwi o nagbigay ng phone number sau at sabihing di sya seloso kahit may asawa ka na…. :grinnod: sa totoo lng, pag nakakakita ako ng ganyan ang katawan, naiisip kong isa syang juding.. dahil cgro marami akong friends na ganyan at karamihan sa knila ay di pa umaamin kahit na alam ko na ang favorite song nila ay “hiding inside myself”… (pero love ko cla.. :nod: )

  2. masyado akong nanliit at pakiramdam ko obligado akong mahimatay nung mga sandaling ‘yun para ipasan n’ya ko sa mga bisig n’ya at kung saan man n’ya ko dalhin…. alam kong safe na safe ako.

    Hahaha! bading na bading!😆😆😆

  3. ayaw ko sa lalakeng malalaki masyado ang maskels. para lang naman sakin, eh nakakadiri talagang tignan. baka hindi yun mahal ng tatay nya kaya nagpapakalalake masyado. o di kaya, bading yun na tambay sa kanilang baranggay gym. para makatsansing. ewan ko kung bakit ganon ang ibig sabihin sa kanila ng fit at healthy –ON STEROIDS.

    naiisip ko si taguro at si johnny bravo.
    buti kung sing laki ng mga biceps nila ang titi nila.

    kadiri. yung mga maskels na ganon?
    parang jebs lang ng constipated na colon.
    shiny shimmering pa. kadire.🙄

  4. hala. baka yan ang dati kong officemate. matipuno talaga. pag naka-crisp white long sleeved polo, shiyet, bakat talaga ang mga maskels nya. tapos sinabi ko: mikey you look so gwapo in that outfit. ang sagot saken?

    mikey: gaga. mas matutuwa ako kung beautiful & sexy!

    malay ko bang bading sya? pero talangang buffed! hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s