babae A at B

second year high school ako nun, ito yung isa sa mga panahong dumaan sa buhay ko na para akong adonis na naglalakad sa ibabaw ng mundo, dalawa ang bagong lipat na kaklase ko.. ok, di ako sigurado kung ilan sila pero wala akong pakialam sa iba. itago na lang natin ang isa sa pangalang BABAE A at ang isa ay si BABAE B, dahil pareho silang bagong lipat, sila ang naging matalik na magkaibigan sa klase, pero hindi nagtagal nagkasira din sila at nabuwag ang magandang pundasyon ng pagkakaibigan na magkatuwang nilang binuo, at dahil ‘yun sa isang lalaki na ubod ng tikas at simpatiko. ako.
naaalala ko pa ang isa sa mga huling sulat sa akin ni BABAE A,
” kung sa kanya ka sasaya, sabihin mo lang handa akong magparaya”

na sinundan ng sulat ni BABAE B,
” pwede bang sabihin mo na kung sino ang gusto mo sa aming dalawa? nagkakasira na kami at ayokong mangyari ‘yun, kaya ako na lang ang lalayo”

lahat ng sulat na ‘yan kasama ng mga iba’t ibang sulat, cards, pregnancy test, panty na bagong hubad, etc etc. ay magkakasama naming sinunog ni mrs. cabron ilang araw matapos ang kasal namin, sa isang malaking drum. punum puno. kaya kung humihingi ka ng ebidensya, pwes, ulul mo!
‘nyway,
pero dahil sa biro ng tadhana, natapos ang school year na ‘yun na wala ni isa man akong naging girlfriend sa kanila, marami akong naging girlfriends pero puro sa ibang sections at ibang batch, nagkaron ng boyfriend si BABAE A na mukhang itim na incredible hulk, at nagkaron ng lalaki si BABAE B na mukhang tuko na hiphop at patumbling tumbling sa buong eskuwelahan namin maghapon. hanggang sa lumipat na ng school si BABAE B, at naiwan si BABAE A para lang magkaron pa ulit ng iba’t ibang uri ng babaeng makakapaligsahan sa pag sulat sa akin. hindi naging kami kahit kelan.
may lakad ako sa sabado ng gabi, birthday ni BABAE A, halos isang buwan ding pinlano ‘yun. at urong sulong pa ‘ko kung pupunta ako, dahil bukod sa may trabaho ako, tinatamad ako. pero nagulat ako sa text na nareceived ko galing sa kanya kahapon, nakasakay n’ya raw sa jeep si BABAE B, at inimbitahan n’ya sa birthday n’ya, at sure daw na dadating.
muling bumalik sa akin ang ala ala ng kahapon, at dahil dun nakumbinsi akong kinakailangan ko talagang pumunta sa sabado.
kanina dito sa opisina, sinubukan kong hanapin sa friendster si BABAE B at kinilig ako nung lumabas ang picture n’ya. natuwa akong malaman na may friendster account s’ya at medyo napaihi ako sa boxer short ko nung nakita kong hindi naka private profile ang account n’ya.
naisip ko na magiging masaya ang sabado ng gabi sa aming lahat at baka ito pa ang maging daan para magkaron ulit ng tulay ng komunikasyon sa amin ni BABAE B, maliban lang sa isang bagay na gumugulo sa akin dahil sa mga larawan at impormasyon na nakita ko sa account n’ya.

1. bakit s’ya nagpapakuha ng picture sa loob ng mall? :no:
2. sino ang batang kasama n’ya sa pictures?
3. sino ‘yung lalaki sa isang picture na parang baklang nakayakap sa kanya?
4. bakit halos eighty percent ng pictures n’ya naka peace sign s’ya?
5. bakit “cementary” ang english n’ya sa sementeryo?
6. bakit s’ya naka pantalon na maong sa boracay?
7. at ano ang ibig sabihin ng “just take care and a god bless?”

ngayon pa lang, gusto ko ng batiin si BABAE B ng isang mainit na yakap ng pagka miss, at si BABAE A ng isang maligayang kaarawan,

kaya sa sabado ng gabi, nasa labas ako ng bahay. makikipag saya sa dalawang babaeng minsang nakipag tagisan ng sulat para sa akin, makikipag inuman, makikipag biruan, harutan, kurutan, asaran, at kantyawan, at kung san man humantong ang lahat ng iyon, wala na akong magagawa dahil tadhana na ang may gusto nun.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

20 thoughts on “babae A at B”

  1. “na mukhang tuko na hiphop at patumbling tumbling sa buong eskuwelahan namin maghapon. ”

    taena jon, tawa ‘ko ng tawa dito, loko ka! gudlak sa sabado, sana’y maramdaman mong adonis kang muli…papalayawan kita ng Don-Don pagkatapos… nyaha

  2. goodluck po sir sa pakikipag kitang muli sa dalawa ninyong minanyak.. este kakalase noong panahon ni limahong… sana po ay marating ninyo ang tugatog ng katigasan.. este ng kasiyahan at matanong ko lang kung alam po ba ng kumander ninyo na makikipag lampungan kayo sa sabado? hihihi nagtatanong lang po.. more power… hindi sa kili kili ha…😀

  3. Ahhmmm, tutal patawarin mo ko mang jon at hindi naman sa nagdududa ako sayo pero maaari ba ko makahingi ng picture ng kung ano mang mangyayari sa sabado kung matutuloy?

    Hindi sa kahit ano pa mang dahilan, pero bata pa lang ako pinangarap ko ng makakita ng itsura ng isang babaeng nakapantalong maong sa boracay.. parang ang ano kasi,,, ang cool hahaha😎

  4. panty na bagong hubad, etc etc. — umiinom ako ng tubig nung mabasa ko to, muntik kong maibuga sa monitor. hayupf yan. hahahaha!

    naalala ko tuloy yung mga ligawan nung hayskul, taena, punong puno ako ng libog at kabaduyan sa katawan noon.
    mamayang gabi na yung party di ba? enjoy, parekoy!

  5. malamang si BABAE B, may asawa na tapos di pa nakatapos ng pag-aaral dahil baka maaga siyang nag-asawa… ano naman ang feelings mo sa kanila nang makita mo sila ulit?😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s