sex instructor at medyas

may mag syota akong nakasakay sa bus kaninang madaling araw, may itsura ‘yung babae at ‘yung lalaki naman payat na mahabang nangingintab ang buhok. naawa ako sa babae bukod kse sa mukhang kumakain ng matris ‘yung boypren n’ya, napansin ko dun sa tshirt nung lalaki nakalagay “SEX INSTRUCTOR” .. taenang ‘yan. wala akong pakialam sa mga karapatan ng mga babae pero payo lang, kung sakaling makitaan n’yo ang lalaki n’yo ng ganyang damit binibigyan ko kayo ng lahat ng karapatan sa mundo para lokohin ‘yang lalaking ‘yan.. gawin n’yo ang pinakamasakit na paraan ng pangloloko para sa kan’ya. makipag relasyon kayo sa best friend n’ya o kahit pa mismo sa tatay n’ya, dahil maniwala ka sa’kin walang normal na taong may respeto sa sarili n’ya lalo na sa gelpren n’ya ang magsusuot ng damit na may naka print na “SEX INSTRUCTOR” sa kahit na saang parte ng damit n’ya lalo na sa harap. kulay pula, at itim ‘yung damit n’ya.
kaya binibigyan ko kayo ng karapatan, mali, dahil mas tamang sabihin na nakikiusap ako sa inyong mga babae sa mundo na may lalaking ganyan manamit, gawin n’yo ang alam n’yong pinaka masakit na paraan ng pakikipag hiwalay sa lalaking ‘yan, kahit pa gamitin n’yo ang katawan n’yo. seryoso.

at sa kabilang dako,

naniniwala akong may pinagdaanang malungkot na pangyayari nung kabataan n’ya ang isang taong magsusuot ng medyas at teternuhan ng tsinelas n’ya. .. ok, wala akong pruweba d’un pero basta gusto kong paniwalaan ‘yung bagay na ‘yun. at kung bibigyan ako ng pagkakataon, gusto kong sumbatan ang mga magulang ng taong ‘to na nakasakay ko sa jeep, sa pagbibigay nila ng pahintulot na magsuot ng ganito ang anak nila.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

34 thoughts on “sex instructor at medyas”

  1. nauso dati yan nung HS ako, minemedyasan yung chinelas, pero di yang ganyang di ipit na style kundi yung (ahm di ko alam kung pano deskryb! Lols😆 ) pahalang chuva basta😀

    maxado ka pala part pansinin sa print. gus2 ko p nmn bilin yung shirt sa greenhills ang nklgay eh ” Little Miss Lasenggera”😀 o kya yung “just done it!” Lols😆

    1. ang sinasabi mo ba tulad nung birkenstock ko na tig ti three thousand +++ ang isa? na pag suot ko yun at umuulan mas inuuna ko pang punasan yun ng panyo ko kesa ang sarili kong katawan? pwes, hindi rin yun ginawa para suotan mo ng medyas.

      wala akong nakikitang masama kung magsuot ka man ng little miss lasenggera, ang problema nga lang… hindi ka naman little.

  2. nakakahiya namang magsuot ng damit na may printed words lalo na pag ksama jowa..hays..kung ako yung gf…mejo didistansya ako sa lalaking yun kunwari di ko kilala….at lalo na kung ang kasama ko eh yung lalaking nakamedyas na tinernuhan ng tsinelas! nyaaaahahaha..

  3. Hahaha!mukhang hanggang ngayon galit ka pa rin sa mundo ah!naalala ko minsan yung barkada ko kasama gf nya,ang suot namang tshirt nung babae ang naka print eh “My next boyfriend would be normal.” tawa ako ng tawa dun.hehe.tungkol sa tsinelas napakabaduy nga pala ng itsura nung nakita ko sa pic.buti napicturan mo.haha!!!tapos yung ano pa…..yuuunggg….tapooosss….tama na nga!nice entry.- o ayan….

  4. ok lng sana mg medyas sa chinelas kung nde thongs ung slippers niya… tsk! maling mali.

    ung sa t-shirt….d dapat lalake ngsusuot non kundi mga babae! kse aminin nyo man o nde.. mas mahusay nmn tlga kme….mas masipag lang kau…bwawahahah :grinnod:

    1. ewan ko, pero inday kung wala ring lang sugat o hindi rin lang namamaga ang paa mo, hindi ka binibigyan ng karapatan ng sanlibutan para ternuhan ng medyas ang sandals mo.

      sa sinabi mong yan, malulungkot ako para sayo kung hindi mo susubukang makipag niig sa akin. nabubuhay ka sa maling paniniwala, iha.

  5. Sobrang ayoko din na makakita ng taong may suot na printed shirts na ganyan ang nakasulat, at aba may pambabae pa na shirt na ganyan din.

    Tama ka parang walang respeto sa sarili ang may suot nun at pinapababa pa niya ang sarili niya. Tulad nung isang araw nakakita naman ako ng babae na ang nakasulat sa shirt ay BOY TOY.

    At eto pang isa:
    I only have sex on days that begin with T
    Tuesday
    Thursday
    Thanksgiving Day
    Today
    Tomorrow
    Thaturday
    Thunday

    Aba saulo ko. Pano may nagregalo sakin ng ganyang shirt. Hindi ko nga suotin.

    1. meron namang magaganda at nakakatuwang print sa tshirt, pero sigurado akong hindi ‘yang mga yan.

      “Aba saulo ko. Pano may nagregalo sakin ng ganyang shirt. Hindi ko nga suotin.”

      ewan ko pero, nung nabasa ko ‘yung salitang hindi ko nga suotin
      .. naimagine kitang nakahubad, pero puyat ako kaya hindi ko binibigyan ng malisya ang mga ibinabatong imahe sa akin ng utak ko.

      maraming salamat din sa pagbisita dito, at pag iwan ng komento, kung ito ang magiging daan para magkaron tayo ng isang bawal na relasyon, ayokong tutulan ang tadhana..

      at minsan ko lang sabihin ‘to sa blog ko kahit itanong mo pa sa kanila pero nainlove ako nung nakita kita sa picture.. ayoko ‘tong nararamdaman ko.

  6. Nung isang beses nasa mall kami ng asawa ko at nakita nya kong
    nagtitingin ng shirt na may design na parang stick figures na lalaki at
    babae na nakapangkasal tapos may nakasulat na game over, isang
    linggong beef ang ulam namin.. ang problema, hindi ako kumakain ng beef..

    wala, naishare ko lang hahaha

  7. yung pinsan kong 12 anyos na babae, at nag kataon family / relatives side ng nanay ko (gatherings) eh nag suot ng ganun

    “CERTIFIED SEX INSTRUCTOR”

    … isip isip ko di nya alam kung anong ibig sabihin nun (cguro) tsk tsk tsk

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s