cyber ex

patawarin mo ‘ko kung nasabihan kita na ‘wag ka ng magpi pm at ‘wag mo na ‘kong itetext. ang gusto ko talagang sabihin nun ay umalis ka na sa buhay ko. patawarin mo ‘ko kung hindi ko nasabi sa iyo ng diretso ‘yun, pinahahalagahan ko lang ang damdamin mo dahil s’yempre may pinagsamahan din naman tayo. at parang ang ungentleman ko naman kung sasabihin ko sa’yo ‘yun. nalulungkot akong iniisip mo na masakit akong magsalita, antagal din nating nagsama hanggang ngayon pala hindi mo pa rin ako nakilala ng lubusan, hindi mo pa rin pala alam na para sa akin ang tanga ay tanga, ang gago ay gago. hindi mo pala naiintindihan ‘yun.

at pag sinabi kong *&%@^!!!, hindi literal ‘yun.
.. walang ina akong pinapatungkulan nun, ikaw lang.

pinagsisisihan ko ang araw na nakilala kita, katulad ng pagsisisi ko kung bakit sa tinagal tagal natin hindi man lang kita nasuntok sa nguso at kung bakit sa idad na ‘to di ko man lang naisipang magpa tule.

isa kang malaking pag aaksaya ng oras at bandwidth.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

30 thoughts on “cyber ex”

  1. parang hindi ako naniniwalang di ka pa tuli. pero ang kulit nga ng mga comments dito mga 95% tungkol sa pagkasupot mo. anlayo sa title ng entry..haha!

    kawawa naman si cyber ex baka napamahal na sayo jon. :no:

  2. Gusto ko rin ng cyber – ex na mababash sa blog ko!
    God is not fair, so God if you’re listening alam mo na wish ko..

    O sige na hindi magkakatotoo yan, kasi : a) hindi ako marunong makipagcyber, b) wala akong blog, c) walang God… ooops, tago!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s