lorna tolentino

nasa pangalawang upuan sa pangdalawahang tao ako sa kanan ng drayber ng bus, ilang upuan na lang ang bakante sa likod ko at paalis na ang bus sa bagong terminal sa alabang ng sumakay ang babaeng ito, walang ektra ordinaryo sa kanya bukod sa malaking nunal n’ya sa may nguso na nahahawig kay lorna tolentino. naka suot s’ya ng pang corporate attire, nasa liyebo trenta na siguro ang idad, at may dalang isang hand bag at isang paper bag, tipikal na itsura ng galing sa opisina. hawak ko ang malaking ID ko at ginagamit kong pamaypay, wala na kse ang bagyo at balik na naman sa init ang panahon kahit sa mga oras na ‘yun na alas nuwebe na ng gabi. may dinukot s’ya sa paper bag na nasa kandungan n’ya at inilabas n’ya yung pamaypay n’ya, nagkatinginan kami at otomatik na nagkangitian. nawala na sa isip ko si ms. lorna tolentino at isinalpak ko na ang in-ear ko at itinodo ang volume ng player ko, parang nasusuka ako sa lakas, normal lang ang byahe. ako ang taong madalas nararamdaman ko pag may nakatitig sakin, at pag layo ng mata ko sa labas ng bintana para hanapin ang kung sino man na bumabasag sa katahimikan ko.. huling huli ng mata ko ang pagkakatitig sa akin ni ms. lorna tolentino at kitang kita sa mukha n’ya ang pagkagulat na mabilis na nahaluan ng pagkapahiya. bigla s’yang naghalungkat ng gamit sa handbag n’ya kunyari, siguro para maitago dun yung hiya n’ya at mapagtakpan ‘yung pagkabigla n’ya. napangiti na lang ako.
nung tumapat sa amin ‘yung kunduktor para itanong kung saan kami bababa, tinanggal ko ‘yung nakasalpak sa tenga ko sakto sa pagkakasabi n’ya ng destinasyon n’ya, lawton. sinabi ko sa kunduktor ang destinasyon ko at dumukot ng pamasahe para sa pangongolekta n’ya pagbalik n’ya. … naramdaman ko na naman ang titig ni ms. lorna tolentino sa akin, balisa na naman ako sa pagkakaupo. tumingin ako sa kanya ng biglaan at tinanong ko s’ya ng “bakit?” nagulat na naman s’ya pero mas matapang na s’ya sa pagkakataon na ‘to at sumagot ng “wala may iniisip lang ako” ngumiti ako, gumanti s’ya ng ngiti at isinalpak ko na ulit sa tenga ko ‘yung tugtog ko.
bumalik si kunduktor at kinakailangan namin ulitin isa isa kung saan kami bababa, nakakuha ako ng tyempo. sinadya kong s’ya naman ang humuli ng tingin ko, at nung nagtama ang mga mata namin, nagsalita ako “ang layo naman ng byahe mo” sumagot s’ya “oo nga e, pero buti wala ng traffic sa may sucat” hindi ako sumangayon at sumundot pa ‘ko ng isang tanong ” buti pinapayagan ka ng asawa mong magtrabaho sa malayo” tumawa s’ya “ano ba ‘yan nangingisda ka ng impormasyon? wala pa akong asawa at wala din akong boyfriend” napahiya ako, buking! ang nasabi ko lang “ahhhhh”
tapos n’un tumango lang ako at bumalik na sa panonood ng mga bahay na nadadaanan ng bus namin. maya maya may humila ng kable ng earfone ko, tapos sabi n’ya “kanina pa kita tinatanong kung may asawa ka na” nagulat ako pero nakahanda na ang sagot ko sa mga tanong na ganyan, ibinuka ko ang palad ko “may nakikita ka bang wedding ring?” ngumiti s’ya tapos nagulat ako dahil ipinatong n’ya yung kanang braso nya sa hita ko, kinuha n’ya ‘yung isang tenga ng earfone ko at inilagay n’ya sa kanya. umakbay ako sa kanya tapos iniunan ko sya sa dibdib ko, sabi ko “malayo pa byahe mo, umidlip ka muna, gigisingin na lang kita pag malapit na ‘kong bumaba” tumingin lang s’ya sa’kin, tumango at ngumiti bago ipinikit ang mga mata n’ya. pag tingin ko sa kalsada nasa buendia na ang bus, ilang minuto na lang bababa na ‘ko. hindi ko pa alam ang celfone number n’ya at kung sa’n s’ya nagtatrabaho, at dun ko lang din naisip na pati pangalan n’ya hindi ko pa alam. marahan kong tinapik ang balikat n’ya, sabi ko “gising ka na miss, bababa na ‘ko sa susunod” dumilat s’ya tapos sabi n’ya “sige, ingat ka.. napaidlip nga ako” pipikit pikit pa s’yang tinitignan ‘yung labas ng bus, inaaninag n’ya kung nasa’n na kami, tinanong ko s’ya kung anong celfone number n’ya tsaka ‘yung pangalan n’ya pero hinaplos n’ya lang ako sa pisngi “sus! ‘wag na, as if naman magkikita pa tayo” sinukat ko s’ya sa tingin pero mukhang hindi s’ya nagbibiro, tinanong ko s’ya “bakit ayaw mo ba?” .. hindi s’ya sumagot, tumigil ang bus ” oh sige na andito ka na, baba na!”
hmmkei’ย  imbento ko lang ‘yang istoryang ‘yan dahil wala akong maiblog, patawarin n’yo ko… ang katabi ko talaga sa b’yahe kanina ay isang lalaking nagtatrabaho sa SM.
sorry na!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

27 thoughts on “lorna tolentino”

  1. serious ako sa pagbabasa.. hinihintay ang susunod na mangyayari.. medyo excited dahil baka kung saan makarating.. iniisip ko na baka sakaling mauwi sa kapaan ng dodo.. o kaya BJ sa bus..

    taena imahinasyon lang pala. mula ngayon, magbabasa ako ng entry mo pabaliktad na para alam ko na ending!

    pero naisip ko pa rin.. merong posibilidad na nagkatoo ang mga iniisip ko.. yun nga lang, parehong lalaki..

    yaaaaaaaaaaaaakkkkkkkkkkkkkkkk!

  2. kainis! pang [url=http://en.wikipedia.org/wiki/Your_Song_(TV_series)]
    Your Song[/url] na sana ang dating ng istorya.

    sana hindi mo na lang inamin na lalaki talaga ang katabi mo… :no:

  3. Kahit imahinasyon mo lang yan, pwede ko pa rin sigurong gawing magandang halimbawa yan.. Susubukan ko ito minsan, medyo iibahin ko lang..

    Una, maghahanap ako ng kamukha ni maja salvador tapos imbes na i-unan ko sya sa dibdib ko, hahawakan ko ang ulo nya tapos..๐Ÿ˜Ž

    Errrmmm.. babay na, thanks๐Ÿ˜€

  4. hahhahah muntik mo na ako mapaniwala dun ah๐Ÿ˜€ napa search tuloy ako kung ano na itsura ngaun ni LT..
    pero nung sinabi mo na umakbay ka sa kanya sabi ko, aba aba, mukhang jok jok to ah๐Ÿ˜€

  5. paniwala na sana ako nung una.nagduda nung nasa gitna pero nung nasa ending na…..ewan ko sayo, jon!

    parang gusto kong isipin na yung lalaking nagtatrabaho sa sm ang pinagpapantasyahan mo – bilang kabayaran sa ginawa mong yan!๐Ÿ™„

  6. ahahaha. . .(hagikhik)

    meron pa naman akong friend na nagdradrama nayun sa chat, binalewala ko muna at inuna ang ang pagbabasa sa blog mo. . .

    tapos, GANITO LANG? siyeeeet?! ahahaha, kaya pa. . . kaya pa masyado namang maganda yung sagot nya na โ€œano ba โ€˜yan nangingisda ka ng impormasyon?” masyadong masining sa pangaraw-araw na pananalita.

    hehe, (*hagikhik*,magamit nga ang emoticon,sayang๐Ÿ˜† )

    pero mahusay…ahaha, di ko to malilimutan.

    hmmm, nasa panahon nga naman nayun si LT… o well, nakakatuwa talaga!

    flyfly!!

  7. nakilig na ako sana.
    amp! bglang bawi.
    umaasa pa naman na sa susunod kong pagsakay ng bus me ganon din mangyayari saken. hahaha๐Ÿ˜€

    isa lang palang malaking ilusyon ni MR.CABRON ang lahat..

    haha๐Ÿ˜† nice one. nice one. apir.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s