pormula

ikaw na babaeng may nanay na kamukha ni joy viado, ikaw na babaeng minahal ko pero nagpaapekto sa sulsol ng nanay n’ya na isa akong walang kwentang lalaki, mukhang durugistang walang mararating, at hindi dapat binibigyang halaga. gusto lang kitang kamustahin, makalipas ang halos sampung taon, ano na bang nagbago? ganun pa rin ba ang nanay mo? masungit pa rin ba sa ibang tao maliban sa manliligaw mong estudyante ng medisina? ako eto, hindi na masyadong mukhang durugista, nagkalaman na ang katawan at wala ng mga hikaw sa mukha. may maayos din akong trabaho sa ngayon na salungat sa sinabi ng nanay mo dati na wala akong mararating. may asawa at isang anak, at maraming babae sa net.
actually, matagal na kitang gustong gawan ng entry lalo na ang mga mapapait na sinapit ko sa nanay mo. wala pa lang akong naiisip na simula at wakas ng kwentong inihahanda ko para sa inyong mag ina.
nagsimula ‘yun nung nakita ko ang primary pict mo sa friendster, naka private profile ka kaya ‘yun lang ang nakita ko, pero sapat na ang nagiisang larawan na ‘yun para makita ko kung gaano ka kasaya sa buhay mo ngayon. sapat na ang nagiisang larawan na ‘yun para ilang gabing magulo ang isip ko na papa’no kaya kung hindi ka nakinig sa sulsol ng nanay mo, at papa’no kaya kung ako ang kasama mo sa picture na ‘yun, imbis na ‘yung asawa mong balbon na parang tinigilan ng evolution. hindi rin pala ‘yung duktor na manok ng nanay mo ang naka tuluyan mo, siguro nagsawa din sa pag iintindi sa kung anong nanay meron ka, at siguro nakapag isip din sa impiyernong sasapitin n’ya pag naging biyenan n’ya ang nanay mo. mabait naman ang nanay mo nung una, lalo na nung mga unang bisita ko sa inyo kung saan kinakailangan ko pang magdala ng libro at notebooks para lang magkunyaring math wizard na tumutulong at nagtuturo sa’yo, at kinakailangan ko pang magpanggap na bakla pag dumarating s’ya at kinakausap ako. napakasakit sa lalamunan at sa panga na palambutin ang boses kong paos.
isang gabi, sa mismong third monthsary natin nagtapos ang lahat. hindi ko alam na nakarating na sa kanya ang lihim na relasyon natin, hindi ko alam na nabasa n’ya ang sulat na nakaipit sa notebook mo kung saan sinasabi ko sa’yo na mahal na mahal kita, ikaw lang ang nasa puso ko at laging iibigin at magsuot ka ng pulang panty sa biyernes. hindi nahihiyang makipagsabayan sa pagpatak ang mga luha sa mga mata ko sa malakas na ulan nung gabing iyon. hindi ko makakalimutan ang tagpo kung saan dahan dahang dumadausdos ang likod ko sa pader ng bahay n’yo habang sapu sapo ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko hanggang sa mapaupo ako sa lupa. at kasabay ng pagtalikod ng nanay mo para isara ang gate n’yo, kasama n’ya na ring naikandado dun ang lugar mo sa puso ko.
nagmessage ako sa YM mo na nakita ko sa friendster mo at nagulat nung sumagot ka, hindi ko alam na online ka at hindi ko alam na pag aaksayahan mo pa ako ng panahon. kinumpirma mo na nakapag asawa ka na nga, at masayang naninirahan sa ibang bansa. sa walang halong kaplastikan kinamusta ko ang nanay mo at walang halong kaipokrituhan na natuwa naman ako nung narinig ko na maayos naman ang kalagayan n’ya dito sa pilipinas at nagiisa na lang na naninirahan sa dati n’yong bahay. sinabi mong bago ka sumama d’yan sa asawa mo sa ibang bansa, nabanggit ako ng nanay mo sa’yo, medyo natuwa naman ako nung narinig ko na kahit papa’no naalala pa rin n’ya ako. sinabi mo na natural lang ‘yun dahil ako ang unang seryosong relasyon mo at pangalawa lang ‘yang naging asawa mo. lihim akong kinilig kahit alam kong hindi tama. at ayon sa kwento mo, habang nagaalmusal kayo ng nanay mo, binanggit n’ya ang pangalan ko at sinabi sa’yo na ” tignan mo nga kung di kita pinigilan sa lalaking ‘yun, anong mapapala mo dun? ”
sa puntong ‘yun tinanong kita kung pag napadaan ba ako sa lugar n’yo pwede ba kong dumalaw sa nanay mo, at ang sabi mo pwede naman dahil matagal na naman ‘yun at nung mga una naman e mabait naman sa akin yung nanay mo at kesyo ‘yung kabutihan mo lang naman ang iniisip n’ya.
sinabi ko na wala na rin naman sa akin ‘yun dahil matagal na nga at in fact ako naman ang concern sa kabutihan n’ya ngayon kaya sa pagdalaw ko sa kanya, dahil alam kong may idad na s’ya at medyo prone na sa mga sakit, bibigyan ko s’ya ng paraan para makaiwas sa isa sa pinaka nangungunang sakit ng kababaihan, ang breast cancer.
ilang beses mong binanggit ang salitang salamat, na kinontra ko ng wala ‘yun hanggang sa kinailangan na nating magpaalam ulit sa isa’t isa. at bago ka mag logout, tinanong mo ang pormula nung paraan na ibibigay ko sa nanay mo pero hindi mo ko napilit, mananatiling sikreto ang formula na ‘yun kung bakit wala akong naging ex girlfriend na nagkaro’n ng breast cancer. 😉

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

38 thoughts on “pormula”

  1. hindi ko makakalimutan ang tagpo kung saan dahan dahang dumadausdos ang likod ko sa pader ng bahay n’yo habang sapu sapo ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko hanggang sa mapaupo ako sa lupa — TEH BEST!

    emo ka talaga! hahahaha!

  2. ang ganda ng pormula mo jon.pero siguro kung ganung itsura ang tutulungan mo para makaiwas sa sakit,mas maganda pa siguro hayaan mo na lang syang magkabreast cancer….😛

  3. ikaw nga, sa friendster ka pala tumatambay, hahha. buti ka pa sinuswerte hanapin dun yung mga hinahanap mo, baket ako hindi ko sila mahanap, waaa. hmp, mabuti na lang kamo🙂 FYI, malabo rin akong mag karon ng breast cancer dahil….alam mo na kung baket, hehehe

  4. salamat sa impormasyon malaki ang maitutulong ng link na iniwan mo para makakumbinsing masustansya yun sa katawan..

    pero teka hula ko talaga lalaking bigo sa fellatio ang may gawa ng research na yun at ipinilit lang na may kuneksyon ang breast cancer sa paglunok ng semen..

    anyways… congrats at hindi mo naging byenan ang gaya ni joy..parang naalala ko tuloy yung john and marsha days…”magsumikap ka!” :nod:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s