kristine hermosa ces drilon at loren legarda

patulog na sana ako nun, pero naisipan ko pang magkumpleto ng antok bago mahiga. binuksan ko ang tv at nagplanong sumilip saglit, isang ikot lang ng channel pag walang interesanteng mapapanood matutulog na ‘ko. pinukaw ng wowowee ang diwa ko, wala akong pakialam kay revillame at sa mga dancers n’ya at sa dalawang babaeng pag tinitigan mo boobs at bunganga lang ang tututukan ng mata mo. guest co host nila si kristine hermosa, amputi at ang kulit n’ya nung tanghaling ‘yun. nawala ang antok ko kakahintay ng mga magagandang anggulo ni kristine, ng biglang sa kalagitnaan naputol ang palabas.
news break daw at ipinakita ang tatlong pinalayang hostages sa pangunguna ni ces drilon, pero nagtaka ako kung bakit andun sa mismong upuan ng iniinterview si loren legarda, sabi nila isa daw kse sa tumulong yung senadora, pero kahit na! sana kung wala namang ibang intensyon o ayaw n’yang mapagisipan ng kakaiba e hindi na s’ya parang nag ninang sa kasal na nakiupo pa dun.
inamin din ni ginang drilon na may mga sinuway s’yang patakaran ng management sa pagpunta n’ya sa mapanganib na lugar na ‘yun, bibigyan kaya s’ya ng disciplinary action dahi d’un? syempre hindi. magagamit ng husto ng ABS CBN ang eksenang ‘to. tiyak ‘yun.
ngayon nakalaya na si drilon, pwede na ba nating balikan ang usapin sa meralco? at mali man e pwede na bang batikusin si juday sa pagtanggap ng bayad para ipagtanggol ang alam n’yang nagpapahirap sa mga halos nobenta porsiyento ng tumatangkilik sa kanya?
sabi nila don’t shoot the messenger daw, pero ang punto dito prinsipyo. mas maiintindihan pa siguro kung kinuha n’ya yung trabaho na ‘yun pero hindi s’ya nagpabayad. ‘yun ang public service, ‘yun ang matatawag na nagpapaliwanag lang, dahil malamang sa hindi, sa perang ibinayad sa kanya dun may malaking porsiyento dun na galing din sa kalokohang pinagtatakpan nung tunaw na yelo n’ya.
parang sinasabi ni drilon na at the back of her mind daw e naiintindihan n’ya ‘kung bakit nagawa nung mga dumukot sa kanila ‘yung mga bagay na ‘yun at kung susundan mo ‘yung sinasabi n’ya isa lang ang posibleng tinutukoy, kahirapan.
hindi ko alam kung nagpapakalalim lang o may stockholm syndrome na ang babaeng ‘to pero hindi yata tamang bigyan ng kahit na anong katwiran ‘yung mga bagay na ‘yun. at hindi dapat ginagawang katwiran na porke’t naghihirap ka at dahil marami kang reklamo sa gobyerno na tipong walang kalutasan, dapat ka ng gumawa ng mga bagay na ‘yun.
hindi na ako magugulat kung bukod sa kaliwa’t kanang interview sa mga susunod na araw e magkaron pa ng bagong show si drilon na tatalakay tungkol sa mga bandido. o bagong libro kaya.
at sa sinasabi nilang walang ransom na ibinigay, naniniwala ako dun.
dahil hindi na ransom ang tawag ngayon dun.. board ang lodging fee na. :nod:

.. at nasa akin ang lahat ng karapatan para maghimagsik ngayon, dahil kakatanggap ko lang ng bill ng kuryente namin. . 😐

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

20 thoughts on “kristine hermosa ces drilon at loren legarda”

  1. ako rin nagtataka kung bakit bigla na lang lumitaw si ms legarda sa eksena.. hindi ko naman sya nababalitaan sa tv nung hindi pa napapalaya si ces.. mga pulitiko talaga amf!

    at ewan ko kung may naniniwala sa metaphor na ginawa ni juday sa commercial na yun.. anlayo.. ang mas magandang example is ganito: umorder ka sa jobee ng pagkain, pagdeliver sayo kulang ng fries and drinks, pero pinapabayaran sayo.. yun ang system loss.. dahil ang kuryente ay dinedeliver, hindi natin binibili sa tindahan.. ngayon kung maipapakita sakin ni juday kung pano bumili ng kuryente sa meralco at iuwi sa bahay, ako ng bahala kung ano ang gagawin ko kung pano hindi yun matutunaw na parang yelo!

    /endrant kthnxby😀

    ==
    o kaya kuryentihin na lang ni juday yung *uday nya para maniwala tayo.

  2. baka naka-charge sa system loss natin yung ransom na 15M😆 paki-check nga ule yung bill ng meralco

    ==
    kahit ilagay nila yun d’on, di mo rin maiintindihan kse kailangan mo pang idecode yun para matukoy mo kung alin dun ang ibinayad sa ransom

  3. kahit sino,pag me inaasahan kang pera na dadating sayo,papayag ka pa bang maging bato yun?napakalaking board and lodging fee ata nun ah?me s star hotel ba dun?at sa topic mong yan jon,isa lang masasabi ko. JONCABRON FOR PRESIDENT!!!!

    ==
    for president ampft! ahhm, pwede bang mag donate ka para sa campaign materials ko? saan? ayan ang button sa righ side sa may baba. ktnx *wink

  4. natawa ako sa huling pangungusap mo ..(masyadong tagalog) :grinnod:
    talagang pinakita mo yung validity ng panghihimasok mo sa mga current issues.. :nod:

    ==
    kung di dahil dun wala naman akong pakialam kahit pa malunod sa isang plastik ng yelo si juday e.

  5. ahmm dahil din ba sa nalalapit na ang 2010 kaya ganto na post mo😀

    sori, la ako iba ma ireak 😦 di ko pa nakikita ad ni juday, ala akong alam sa news.. sa blog mo lang ako may pakelam! LOls😆

    ==
    at kung hindi pa pagmamahal yan e ewan ko na.

  6. eh kung sakaling me napugutan nga sa kanila? ewan ko lang kung ganun pa rin ang magiging simpatiya ni Ces sa mga kumidnap sa kanila…

    and ang nakakainis, wala tayong magagawa dun sa Meralco issue na ‘yan. Uugatin lang tayo kaka-rant, pero in the end, hawak pa rin nila tayo sa leeg. ta’nang mga monopolya yan!!!

    ==
    minsan pag wala na talagang kapaga pagasa dahil ang kalaban mo ay higante.. masarap din sa pakiramdam na kahit papa’no.. nakapag mura ka.

  7. huwat??!!!!!!!! nakidnap si ces??!!

    wala lang ako masabi na matino kaya kunwari nagulat ako at wala akong alam, pero ang totoo nyan….

    ang cute ng pangbisyo plug-in mo sa baba.. honest ampft! bwahahaha!

    ==
    ahhm sabi sayo kung pwedeng pasubukan kung gumagana e, kahit halimbawa.. 100 $ lang muna.

  8. kuya.. naman ba tong mga emoticons mo.. lahat mukhang nasusuka.. green na green.. amf! mapipikon yan.. pinaghirapan daw kasi.. hehehe..

    di ako nakabasa ng post ngayon.. bukas na pagmasmarami ang time.. yahoo!!!

    ==
    siguro, wag mo na lang akong tawaging kuya.. baka kse pag naging tayo na, mailang lang ako.

  9. Ano yung issue kay Ces and Juday? Wow, mag search nga ako sa balitang yan! Kakaintriga eh! Heehee! Thanks to you, updated na ulit ako sa latest chikkas jan! =)

    Heehee.. Aww, at ang nice naman JC, nilink mo ko! Thank you! =) Haha, natutuwa ako dun sa Paypal counter.. gusto ko i-try kaso wala akong Paypal account eh, sorryyyy!! =P

    ==
    kinidnap si ces ilang araw matapos humawak ng yelong tunaw ni juday.
    .. para mo kong inangat sa lupa, para lang ibagsak dun ulit ng una ang ulo.

  10. when i heard about ces being kidnapped, na-sad ako. kse mejo nakakasalamuha ko sya at kalog na tao. everyone in our group were saying prayers for her release at sana walang masamang nangyari sa kanya (although ang kuya ko, ang unang sinabi: naco, na-rape na yun… kse di ba si cory quirino daw na-rape ng mga kidnappers nya). dahil sobrang tamad ko manood ng tv, di ko nga alam na nakalaya na pala sya.

    at nai-intriga tuloy ako sa commercial ni juday na yan. di ko pa kse nakikita (tulad ng nabanggit ko, tamad ako manood ng tv). kse pag nanonood ako ng tv, ang channels lang na alam ko eh ch.9, studio 23, discovery channel, travel& living, cinemax, hbo, star world at star movies. hehehe. di ko pa tuloy makita yang controversial commercial na yan.

    i-echo ko lang si az, ang cute nga ng pang-bisyo plug-in mo. pano ba mag-donate? hahaha.😀

    ==
    juday / meralco vid
    at tintanong mo ba ko para umasa lang ako at mabigo? pwes, wag ka na!!

    1. aba, nagtatanong lang naman. malay mo kaya ko pala magbigay ng pambisyo mo. hehehe. kaso mo i tried clicking it. paypal? e wala ako nun. tsk. namiss ko bumisita dito. nasira ang hinayupak na pc ko. almost 3 weeks ako di makabloghop ng husay. haay.

  11. Payagan na kasi yun secession ng Mindanao. Wala naman tayong nagagawa para sa kanila eh. Ngayon kung pagkatapos natin silang hayaan na maging Republic of Mindanao, eh maisipan nilang ibenta ang kaluluwa nila sa Malaysia eh problema na nila yun.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s