kiskisero

patakbo takbo akong lumabas ng kalsada, atrasado ‘yung gising ko at kung hindi ako magmamadali malamang late na naman akong dadating sa trabaho, pinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako male late, pinara ko agad ang unang jeep na dumaan, hindi ko na sinigurado kung may maluwag pa ba akong mauupuan o wala bang mukhang lasing na pagagu gago sa loob, pagtigil sa alabang malayo pa ‘yung istasyon ng bus bumababa na ‘ko, alam kong may tatlong tigil pang gagawin ‘tong jeep bago makarating sa istasyon kaya tinakbo ko na lang ‘yung bus. pawisan akong nakipag siksikan para lang makasama sa bus na paalis na, maluwag ‘yung kasunod na bus pero hindi ko na mahihintay magpuno ‘yun.
nakaupo naman ako sa awa ni bathala, pero bago pa tuluyang umandar ‘yung bus, may humabol na isang lalaking payatin na may bigote, at nung nakumpirma n’ya na wala ng bakanteng upuan para sa kanya, napapalatak na lang s’ya at bakas sa mukha ang panghihinayang, matulin na ang takbo ng bus at hindi na s’ya makakababa. tumayo na lang s’ya sa mismong likuran ko.
habang biyahe, nakatingin lang ako sa nakabukas na bintana patagos sa katabi ko at nagiisip ng kung anu ano, pinakiramdaman ko ang takbo ng bus para makumpirma na may mali ngang nangyayari sa may likuran ko mabilis ang takbo ng bus pero hindi mauga, kaya nakakapagtakang parang marahang dinuduyan ‘yung mamang nakasandal sa likuran ko. una kong inisip na baka dinidiskartehan n’ya ko para dukutan, pero matapos kong masigurado na wala s’yang makukuha sa’kin na hindi ko mararamdaman, tinalasan ko ang pandama ko sa mismong parte ng katawan ko kung san medyo napapadiin ang pagdikit n’ya at nagulat ako dahil kung nagkataon na kakilala at kaibigan ko ang mamang ito iisipin ko lang na ordinaryong nakaakbay lang ang braso n’ya sa balikat ko habang nasa bus kami, pero hindi ko s’ya kilala at hindi braso n’ya ang nakasampay sa balikat ko kundi ‘yung titi at betlog n’ya.
titi
naiinis akong isipin na habang nakatingin ako sa bintana at nagiisip ng kung anu ano, may isang mama na palang gumagahasa sa inosente kong balikat, pero nakikiliti rin akong isipin ang posibilidad na ano kaya kung naka sando lang ako at pumasok sa parteng kilikili ko ‘yung ano n’ya… pero naisip ko na may mga bagay akong hindi na dapat sinasabi pa sa inyo kaya kalimutan n’yo na ‘yung sinabi ko.
lumayo ako sa sandalan at nagkunyaring nagpagpag ng sapatos, nakita ko sa gilid ng mata ko na umatras din s’ya ng kaunti palayo sa akin, kaya sumandal na ulit ako at tumuloy sa pagiisip habang umaandar ang bus. pero tulad ng isang leon na nakaamoy na ng sariwang laman, unti unti rin s’yang bumalik at pumwesto sa may likuran ko, pero sa pagkakataon na ‘to mas maingat ang leon dahil isinasabay n’ya lang ang pasimpleng pagaabuso n’ya sa balikat ko pag bumibiglang liko at alanganing pumrepreno ang bus. gusto ko ng kausapin ‘yung katabi ko na mismong nakapwesto sa may bintana pero natutulog s’ya at baka hindi n’ya magustuhan pag ginising ko pa s’ya. ang ginawa ko na lang pasimple kong siniko ‘yung mama sa likuran ko sabay lingon sa kanya ng pailalim. at hindi ko na tinanggal ‘yung siko ko na parang baril na nakatutok sa may likuran ko na handang pumutok anumang oras, at handang bumasag ng itlog kung kinakailangan.
hindi na bumalik sa pwesto ang mamang uhaw na leon, siguradong nakarating na sa kanya ang malinaw na mensahe ng siko ko, at malamang naalarma s’yang dumating sa pupuntahan n’ya na basag ang pula kaya umatras s’ya ng dalawang hakbang. hanggang sa marami ng bagong pasahero ang nag akyatan at dinamayan s’ya sa pagtayo sa bus, at wala s’yang pagpipilian kundi patay malisyang umabante pausog sa may unahan ko.
bago dumating ang bus sa mismong bababaan ko naibalik ko naman ang dignidad ng balikat ko. pero hindi na mabubura sa isip ko ang minsang sumakay ako sa bus at may isang mamang pangahas na lumapastangan sa likuran ko. nakakalalaki at sa isang banda nakakabakla ng pakiramdam. :blush:
titi1

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

27 thoughts on “kiskisero”

  1. hakalain mo, siko pa lang, inatrasan na ng betlogs c manong! para ka nmn c efigi nyan… aksyon star na aksyon star ..

    ayan, yung dating mo na lang na aksyon star ang pinansin ko, di ko kc maisip kung anong dating mo b4 nun at natypan ka nya kiskisan๐Ÿ˜€

    P.S.
    pero nakikiliti rin akong isipin ang posibilidad na ano kaya kung naka sando lang ako at pumasok sa parteng kilikili ko โ€˜yung ano nโ€™yaโ€ฆ <<< homaygash! naimajin ko tuloy pero di aq nakiliti :no:

  2. haha! nakakabaklang pakiramdam pala yung makiskis ng pututoy? badtrip yun! tingnan mo nga ang itsura nung lalaking bigotilyo. mukhang maantot.

    nakaranas ako dati na yng babae parang walang pakiramdam ang boobs panay ang bangga sa likuran ko. pero hindi ko na siniko..nakakahiya naman kasi :blush:

  3. ay oo… madaming bakla sa bus.. minsan, may tumabi sa akin tapos ininterview na ako. kung anu ano ang tinanong. buti mabait akong bata. sagot lang na sagot pero kung nagkamali ang kamay, sisipain ko sya. haha

  4. jon,

    thanks sa comment at sa pagdaan mo sa blog ko..
    add kita sa blog roll ko ha..
    pano ka pala napadpad dun?
    hehehe..

    btw, now you know how it feels for girls to be harassed on the simple places like buses..

    ingatz!!!

    ciao๐Ÿ˜€

  5. jon…iba na talaga ang maputi, makinis, gwapo at mukhang mayaman…
    kahit balikat napagtri-tripan…baka kasali si Manong sa B.a.D.A.P Gang (Bus Automobile Deliquence Armpit Perverts)… naganyan na kasi yung sanpits kong muse ng bayan na sobrang puti, makinis, cute at mukhang mayaman…

  6. yan ang ebidensya na pogi talaga si jon! may kakilala naman ako na mas gustong sumakay sa may bintana kasi daw dun sa may malapit sa labasan e mag aamoy pwet daw yung balikat mo kasi daming pwet na nakakaskas everytime na may dumadaan, hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s