dalawa sa pinakanakakatawang joke sa buong mundo

paalala:
ang susunod na joke na matutunghayan n’yo sa entry na ito ay mula sa kagila gilalas na isip ng may akda, ang sino man na gagamit ng joke na ito sa kahit na saang lugar, okasyon, o dayalekto ay maaring mapatawan ng kaukulang parusa.
copyright 2008 angkin ang lahat ng karapatan.

naranasan n’yo na ba ‘yung isang ordinaryong oras, at bigla na lang may sisinding ilaw sa sintido mo, tanda ng isang idea sa isang bagay na bigla mo na lang naisip? ipagpatawad n’yo sana ang paalala sa itaas, nagkataon lang na minsan kinakailangan nating pag ingatan ang isang bagay na hindi man ginto ay itinuturing pa rin nating isang kayamanan. katulad ng dalawang joke na ito na bigla na lang dumaan sa isip ko, isang ordinaryong araw.
nakarinig na ba kayo ng joke na pakiramdam n’yo sasabog na ang bituka n’yo sa pagtawa dahil sa sobrang tuwa na hatid sa’yo nun? at nakapag kuwento na ba kayo ng joke na sa sobrang benta, hindi mo alam kung papa’no mo maihahatid sa kausap mo ‘yung joke ng hindi lolobo ang sipon mo, puputok ang tiyan, at sasabog ang mga litid sa leeg mo sa pagpipigil ng tawa?
halos buong magdamag na kaming pakurot kurot na naguusap sa YM ni lenggai kagabi, at dala siguro ng antok at pagod, bigla na lang kaming bumitiw sa isa’t isa, at sa hindi inaasahang pagkakataon matapos n’yang bitawan ang hudyat ng pagtatapos ng usapan, tsaka naman pumasok sa isip ko ang idea ng dalawa sa pinakanakakatawang joke sa buong mundo.

matapos ang ilang intelihenteng paguusap
Jon Cabron: sumuka ako ng kape
Jon Cabron: ย ansarap
Jon Cabron: nasobrahan siguro ako sa tubig amfpt
Jon Cabron: pag dighay ko lumabas
Lenggai: putris
Lenggai: naiimagine ko
Lenggai: namannnn
Jon Cabron: iniisip ko, bakit may kanin? e nung tanghalian pa ko huling nagkanin
Lenggai: putris
Lenggai: di nadigest ng husto
Lenggai: kadiri ka jon!

alas singko ng umaga
Lenggai: uy antok na ko
Jon Cabron: teka last na may naisip ako
Jon Cabron: psssst
Lenggai: o?
Jon Cabron: ano ang kabaliktaran ng umuulan?
Lenggai: putris jon
Jon Cabron: bilis
Jon Cabron: sasabog ang sipon mo dito
Lenggai: seryoso?
Lenggai: o ano?
Jon Cabron: OO
Jon Cabron: sus sagutin mo andali dali e
Lenggai: umaaraw
Jon Cabron: mali, ang kabaliktaran ng umaaraw ay hmm kumukulimlim
Lenggai: o? umuulan ano?
Jon Cabron: ano ang kabaliktaran ng umuulan?
Jon Cabron: sirit na?
Lenggai: game

ang kabaliktaran ng umuulan ay……. HINDI UMUULAN!!

Lenggai: shet u
Jon Cabron: bwahhaahhahahh!
Lenggai: ang corny
Jon Cabron: tumigil ka, inaantok ka lang kaya wala ka sa mood
Jon Cabron: matulog ka na
Lenggai: kung nakakatawa yan magigising ako
Jon Cabron: iba blog ko yan at aakit ng limandaang komento yan
Lenggai: magcocomment sila kasi idol ka nila
Jon Cabron: hindi, dahil may sense of humor sila!
Lenggai: at para sa kin corny pa rin
Jon Cabron: shadapyorfeizzz
Lenggai: corny
Lenggai: ge
Jon Cabron: ok
Lenggai: nyt
Jon Cabron: also, shit
Lenggai: salamat!
Jon Cabron: psst last na
Jon Cabron: pramis
Lenggai: leche pag corny pa rin yan
Lenggai: tatanggalin mo antok ko eh

at binitawan ko ang pangalawang pamatay na joke

Jon Cabron: use kapre in a sentence
Jon Cabron: anoooooooooo?
Jon Cabron: eto for sure tanggal ang antok mo
Jon Cabron: use kapre in a sentence
Lenggai: o?
Lenggai: ano?!
Jon Cabron: mangingilabot ka dito kse nakakatawa talaga
Jon Cabron: game?
Lenggai: ge

tumawag si pedro kay juan
pedro: ano pare sasabay ka ba sakin pauwi?
juan: hindi na mauna KA na PRE

Lenggai: kapre eh
Jon Cabron: bwhahhahahahhaah im so funeeyyyyyyy
Lenggai: shet
Jon Cabron: kiliting kiliti ako ngayon
Lenggai: sumuka ka lang ng kape corny ka na
Jon Cabron: masyado kang moderno at malalim
Jon Cabron: wala kang sense of humor kakatrabaho mo

maliwanag na hindi n’ya naappreciate ‘yung jokes ko, siguro talagang inaantok na s’ya or pagod lang talaga.. pero ilalaban ko ng patayan ang joke na ‘yun at kahit makipagpalit pa ako ng kaluluwa ko sa kaluluwa ng kulisap, alam ko na nakaimbento ako ng isang nakakaaliw at pabolosong patawa. at sigurado ako dun dahil hindi pangkaraniwang lakas ang inipon ko para lang hindi malaglag sa silyang kinauupuan ko habang inilalahad ko kay lenggai yan, at sa katunayan hanggang ngayon na inaayos ko itong blog ko para sa entry na ito.. halos mamatay matay na naman ako sa kiliti. at dahil sa kaligayahang dulot sakin n’yan, sandali kong nakakalimutan ang mga problema ko sa buhay at mga kapighatiang itinatago ko sa likod ng pagkatao ko.. tulad nung niyayaya ako ng tiyuhin ko nung grade 1 pa lang ako, magpapalaki daw kami ng muscles at binubuhat n’ya ko, hawak ang bewang ko papalapit sa bibig n’ya habang nakahiga s’ya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

53 thoughts on “dalawa sa pinakanakakatawang joke sa buong mundo”

  1. eto natawa ako sa joke na to narining ko radyo kahapon:

    character 1: alam mo ang bait talaga ng daddy ko niregaluhan nya ako ng 2 yate (yacht) nung birthday ko.
    character 2: wala ka sa daddy ko, ako niregaluhan ng 3 barko hindi yate ah. Tatlong malalaking barko nung birthday ko!
    character 3: ang yayabang nyo! Yaya… pakilinis nga yung dagat na niregalo sa kin ng daddy nung birthday ko at pakitanggal yung 2 yate at 3 barko dun. Magswiswimming lang ako!

    heheheh

    happy fathers day!

  2. patawarin mo ako…marahil ay pagod din ako sa eskwela at sa mga gawaing bahay…patawad mahal ko ngunit hindi rin ako natawa…

    though natawa din naman ako dito
    “Lenggai: [b]sumuka ka lang ng kape corny ka na[/b]”๐Ÿ˜†

    kala ko natawa ka din sa joke ko?…ur so gay… :no:

  3. true….too much caffeine sa dugo na lang yan…nakaka-high din kasi yon eh…kaya ako hindi mahilig sa kape eh…pag nasobrahan ka,isusuka ng katawan mo yan…look what happened to jon…tsk tsk tsk…๐Ÿ˜ฆ

  4. ahmm naisip ko, mejo ok na nga din pla yang joke mo kc naalala ko yung joke ni def . mas malala!

    Ano daw magiging 1st album ni David Cook?
    Ans: Kitchen … Feauturing duet wuth Kitchen Nadal๐Ÿ˜ฆ

    :no: :no: :no:

  5. maniwala man sila o hindi….natawa ako (ng malakas)! syet! nkita pa ako ni boss tawa ng tawa. cgro ang taas ng expectation ko kse may disclaimer pang nagaganap tapos biglang qwang! ahahah! o pwede rin ang simpleng dahilang mababaw ako! balik-baikan ko ang blog mo! :grinnod:๐Ÿ˜† :grinnod:๐Ÿ˜†

  6. funny sarcastic entry….forte mo talaga.
    pero bumaba ng dalawang porsyento ang rating mo sa akin dahil sa dalawang joke na yun.
    makakabawi ka rin.

    ==
    ahhhm pero marami pa akong kayang gawin para umangat ulit ng porsiyento ang pagtingin mo sakin, pero iyon e kung babae ka, at kung lalaki ka.. kalimutan mo na yung sinabi ko.

  7. hayyyzzzzzzzz…. masyado ka kasing assuming na matatawa kami sa jokes mo… maaawa pa sana ako sayo ee… kaso nabasa ko na “iba blog ko yan at aakit ng limandaang komento yan” tsss…. FEELER mo pre!
    hayzzz… wrong move na ipinost mo yung joke mo sa blog mo… kawawa ka lang…
    tsaka yung dun sa “paalala” mo… eww! as if! haha.. wala talagang kukuha ng joke mo! kung gusto mo! SAYONG SAYO NA! hayzz… pero salamat na rin kasi may nagawa ako ngayong oras na to… bored kasi ako at naghahanap ng joke… pero hayzz..

  8. sus! ang YABANG YABANG mo kung mag paalala kala mo naman NAKAKATAWA eh kung idaan mo nalang yan sa pag inom ng TAWA-TAWA edi mas MASAYA!

    kung gusto moNG SUMIKAT na mas matindi pa sa SIKAT ng araw wag mong gawing CORNY yung mga JOKES MO!

    at lalong lalo na….. WAG masyadong MAYABANG HA!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s