agalmatophilia

pagkagising ko ng gabi, nakita ko na sa YM status ni ms. ging to’ pagdating ko ng opisina, pumunta ako sa blog n’ya para magbasa ng entry at dun na tuluyang nagbago ang antas ng pagkalalaki ko. ang gandang manika! actually, hindi talaga s’ya manikang pambata dahil sa masyadong mahal na presyo n’ya, maganda sana ‘yung malaki na halos 12 inches pero mura na yata yung pitong libo para dun, so malamang sa hindi kung magkakaron ako ng pagkakataon na magkaro’n ako nito sa sariling sipag at tiyaga, dun lang ako sa maliit, mas mura s’yempre pero 4 inches lang.. halos kasing laki lang ng ano ko.. pero ok na din.
pero sabi nga ni ms. ging mukhang wala pa sa pinas nitong manikang ‘to kaya naipagdasal ko na lang na sana dumating ang araw na lumabas sa happy meal ‘to at garantisadong lahat ng pulubi sa pedro gil na makakasalubong ko magkakaro’n ng cheezeburger sa’kin, para lang makaipon ako nito.
hindi s’ya katulad ng bratz na parang walang ginawa sa buhay kundi gumimik at magpakakikay, itong isang ‘to medyo gothic s’ya na astigin ang dating, yung tipong pag nilagay mo s’ya sa headboard ng kama n’yo habang natutulog ka, babangungutin ka tapos hihigupin nito ‘yung kaluluwa mo. naisip ko na kamukha s’ya ni tiffany at maaaring ganitong manika din ‘yun, pero mas mataba daw si bride of chucky dito, hmmm siguro dahil may asawa na s’ya kaya ganun, at kung sasabihin mo na bride nga so ibig sabihin ikakasal pa lang, pwes, naglive in muna sila bago sila ikasal dahil ‘yun ang uso at wag ka ng mag anu ano d’yan.
hindi ako mahilig sa manika, naaalala ko na sobrang tagal na bago ako nainlove sa manika.. panahon pa ng teletubbies nu’n at madalas ko ring dukutin si lala na manika ng anak ko at dalhin sa bodega namin at dun ko ‘yun nilalaro… pero kalimutan n’yo na yang sinabi ko. ๐Ÿ˜ฆ at mga kaibigan ko pa rin naman kayo di ba?
and speaking of kaibigan, kung ikaw ay nasa ibang bansa at kailangan mo ng karinyo brutal pag uwi mo ng pilipinas at naaaliw kang makakita ng lalaking nakahubad, puro langis ang buong katawan at nakamaong na brief.
pwes, BLYTHE ang tawag sa manikang ‘yan at iiemail ko na lang sa’yo ang address ko.

agalmatophilia(from the Greek agalma ‘statue’, and philia ‘friendship, affinity’) is the sexual attraction to a statue, doll, mannequin or other similar figurative object. The attraction may include the desire for actual sexual contact with the objects, a fantasy of having sexual (or non-sexual) encounters with the animate or inanimate instances of the preferred objects, the act of watching encounters between the objects themselves, or sexual pleasure gained from thoughts of being transformed or transforming another into the preferred object. – wikipedia

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

34 thoughts on “agalmatophilia”

  1. Haha! Grabe ka! Kanina pa ko tawa ng tawa dito sa library namin! Pinipigilan ko nalang kasi nakakahiya eh! Haha! Pero ang galing mo talaga! Kanina pa ko nagbaback read! Nabasa ko na lahat ng entries mo since nagka domain ka (Shushal!!!)! Tawang tawa talaga ako! =) Thank you!! Napasaya mo araw ko! Haha! =D

    P.S. Useless trivia: Nabasa ko sa Urbandic madami palang meaning ang Cabron.. Tingnan mo, ito oh! =) Lalang, share ko lang.. =) http://www.urbandictionary.com/define.php?term=cabron

  2. blythe? ganda naman nyan. sya ba yung non-sexual crush mo? hahahha!

    OT:
    tungkol sa komento mo sa sinabi ko…

    pangontra sa kape, madalas di pa ko inaantok pagdating ko ng bahay eโ€™
    pag may trabaho ka na dun mo mamimiss ang buhay estudyante.

    nagtatrabaho na po ako, may asawa at anak. gusto mo ng asl ko?๐Ÿ˜‰ isa akong guro at librarian. oo nakakamiss ang buhay estyudante, pero pag ikaw na ang guro ibang usapan na yun๐Ÿ˜†

  3. naaliw ako ng malaman kong mahilig ka sa manyika..at least meron kang $#%^ na aminin ‘yun..kasi sa ibang kakilala kong lalaki kahit naaliw na sila sa manyika..pakyeme pa ring pang-babaeng laruan lang daw yun.. :grinnod:

  4. hellur! hindi po ako mukhang librarian kahit na librarian ako. bata pa po ako. at higit sa lahat wala akong salamin. kakatapos lang ng APE namin 20/20 ang vision ko :nod:

    at kung makakatulong ito sa pagpapaliwanag ng itsura ko, nagtuturo ako ng computer. iniisip ko ngang isama sa lesson ko ang site mo eh. may topic kse kami about blogs, friendster, etc. gusto ko lang gawin example na hindi sila dapat nagpo-post ng kung anu-ano sa personal site nila. kung ok lang sayo.๐Ÿ˜†

  5. eto lang gusto ko dito eh..panalo na yung post pati mga reply sa comments matindi..haha!

    naiintindihan ko ang pagiging mahilig mo sa manika. ako naman dati naadik maglaro sa mga toy cranes para makakuha ng madaming stuff toys..ayun nung makarami tinambak ko lang lahat sa mga plastic bags..hehe! pero di nga? inaano mo si lala? lols!๐Ÿ˜†

  6. @ neptune
    hindi ako naniniwala. isang taon ako sa kinder, anim sa elementary, lima nung high school, at ilang shift ng course at palit ng school nung college at sa lahat ng panahon na ‘yun wala akong nakilalang librarian na bata pa at walang salamin na makapal, iniisip ko ngang prerequisite yun para maging librarian ka, kailangang makapal ang salamin at miss tapia ang itsura mo. ipupusta ko rin ang buhay ko na hindi ka naglulugay ng buhok mo. :nod:

  7. ipupusta ko rin ang buhay ko na hindi ka naglulugay ng buhok mo.

    ay sayang, you lose another life. short hair ako. mas mahaba pa hair ni blythe sa akin.๐Ÿ˜€

    natawa naman ako sa comment mo,ano ka ba. marami ng sexy librarians ngayon na pwede mo ring maging non-sexual crush๐Ÿ˜†

  8. hindi ako madaling paniwalain. also, joncabron @ gmail . com

    hindi ba pwedeng trust my words na lang? heheh… hirap mo namang iconvince. sige i’ll keep your email. i’ll try to muster enough courage para magpadala ng proof.

    friends pa ba tayo kahit hindi ako magpadala?๐Ÿ˜ฆ

    ==
    ahhhhm’ yan ang hindi ko masasagot sa mga panahon na ‘to

  9. takot ako sa manika, pati sa mga rebulto ng santo. wala lang. matatakutin talaga ako. pero cute tong manikang to ah, kahit siguro bumangon yan sa gabi tapos may dalang kutsilyo ang masasabi ko lang, “ay ang cute mo naman” bago niya ko patayin.

    ==
    ay ang cute mo naman, hmmmmm

  10. agal… agalma… agalmatophilia! ang hirap sabihin ha, pati spelling masakit sa ulo. tunog sakit pa๐Ÿ˜† pero ang kyot! ang laki pa ng mata, parang ako๐Ÿ˜€

    kung magkaka-manika ulit ako at ganito ka-mahal ok lang, maganda naman eh.
    ipon ang solusyon๐Ÿ˜‰

  11. potangena, tawa ako ng tawa dito. buti na lang wala na ako sa opisina.
    naalala ko tuloy dati ang napag-interesan ko e yung manika ng pinsan kong sumasara yung mata pag hinihiga, para yata hindi nya makita ang ginagawa sa kanya nasa kama na. lols

    yung barbie naman, madalas hinuburan ko ng damit tapos tsaka ko papasplitin. bwahahaha!

    ==
    perv!

  12. 3 days ata ako di nakadalaw at nakapagcomment dito at parang may kulang sa buhay ko. wahahaha. adiksyon ito! ayun dumaan lang ako. at namiss ko ang mga greenpeas/munggo whatever.๐Ÿ˜†๐Ÿ˜›๐Ÿ˜‰ :nod:

    ==
    mas marami akong alam na nakaka adik, at tipong pag 3 days kang wala nun pakiramdam mo iikot ang ulo mo at bubula ang bibig mo bago ka matumba sa kinatatayuan mo.

  13. madiningpak! tumagos yung kape sa ilong ko ng mabasa ko ang entry n’to. hayup ka ren sa patutsada mo sa manika. nalibot ko kanina buong dubay para maghanap ng letseng doll na’to wala akong nakita. hinde mahilig yung arabo sa manika.pinay ang hilig nilang paglaruan dito. wahaha.

    ==
    kaya hindi ako nagtataka na ang susunod na pagkahati ng mundo ay magaganap sa disyerto. bubuka ang lupa at lahat ng naka turban hihigupin.

  14. “kaya hindi ako nagtataka na ang susunod na pagkahati ng mundo ay magaganap sa disyerto. bubuka ang lupa at lahat ng naka turban hihigupin.”

    akuy malubhang nasaktan sa kumentong ito.. pero nobody kers… babayagin!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s