pta meeting

kailangan kong umattend ng teacher – parent eklavu bukas sa school ng anak ko, kailangan daw kse ng isang representative sa magulang pero pwede naman daw guardian kung gusto mong magmukhang ulila sa magulang ang anak mo, hindi daw kse pwede si mrs. cabron dahil advance OT s’ya sa trabaho, ayaw naman ng nanay ko dahil para daw matuto ako at makilala ng bagong teacher ng anak ko. ang mangyayari bukas, 7:30am ako dadating dito sa bahay tapos magpapaikot ikot ako para hindi antukin at para bumilis ang oras at pumatak agad ng alas nuwebe, anong klaseng pagpapahirap sa isang ama ng tahanan ‘yan? at dahil mauuna ang anak ko ddun at mag isa lang akong pupunta dun tinanong ko na sa kanya ang section n’ya at ang pangalan ng teacher n’ya, kaya bukas eksaktong alas nuwebe ng umaga makikipagkita ako kay teacher LUCY FERnandez, taenang pangalan ng teacher ‘yan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

19 thoughts on “pta meeting”

  1. at kung si LUCY FERnandez ay isang binibining sing kinis ni kristine hermosa, at sing ganda bango ni marimar, at sing lusog ni pauleen luna…..
    …pwedeng ako nalang ang mag representa bilang guardian ng anak mo?

    ==
    at kung ganyan ang teacher ng anak ko, magreresign nako sa trabaho ko at magtitinda na lang ng singkamas na may alamang o palabunutan na may premyong sisiw na kulay green at dilaw sa may gate ng eskuwelahan nila.

  2. hehe. baka napaglaruan siya ng mga magulang niya nung bata pa siya. o kaya naman nung nagpangalan sa kanya. hehehe. naalala ko bigla yung kaibigan kong pinangalanang NICOLE. ganda sanang pangalan… kaya lang eh lalake siya. =P

    off topic: nabasa ko sa ‘ang salarin’ na diretso ang guhit ng palad mo. haha. share ko lang na ang mga may down syndrome ay may single transverse palmar crease or simian line. wala naman akong ibang ibig sabihin. haha. sharing lang. =P

    ==
    ohhhhh’ alam mo bang nicole ang ipinapangalan ko sa kahit na sinong babaeng pinapantasya ko na hindi ko alam ang pangalan, at hindi ko na alam kung gagana pa ngayon yun. thanks to you😦

    kung ang basehan mo ng down syndrome ay yung tumutulo ang laway ko pag nagiisip ako at yung mga pagkakataon na hindi ko maipaliwanag kung bakit natatamisan ako sa kulangot ko… pwes, may down syndrome nga ako.

  3. kamusta naman naging meeting nyo ng ni ms LUCY FERnandez? ayos naman siguro.πŸ˜€ nga pala jon, nabisita ko yung flickr mo at napasaya ako nito kaya sigurado masarap tulog ko nyan.πŸ™‚

    ==
    hmmm marami pa kong alam na pwedeng gawing masaya bago ka matulog

  4. bossing ngayon lang ulit ako nakadalaw sayo dami na palang bago… natuwa naman ako sa name ng titser ng anak mo…nung elementary kami sa grade six, yung adviser namin LUZ C. FERrer… as in… wala lang umeepal lang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s