muntik na’kong mamatay

naranasan n’yo na ba ‘yung nagsosolo kang nakasakay sa unahan ng jeep at wala pang isang minuto kang nakaupo dun umaangal na ang ilong mo sa tuwing sumisigaw ang mamang drayber ng byahe n’ya sa mga posibleng pasahero sa kalsada? at sa tuwing nagaabot s’ya ng bayad pakiramdam mo kung may sariling utak lang ang ilong mo, tatakbo ‘to magisa iiwanan ka at uunahan ka na sa bahay n’yo. at papa’no kung biglang tumigil ang drayber sa gitna ng byahe at may tinigilang isang drayber din na madumi at pawis na pawis na nagaayos ng sarili n’yang jeep sa tabi ng kalsada, at matapos sabihin nung drayber na nasiraan ‘yung problema ng sasakyan n’ya, napagpasyahan nilang sumabay na ‘yung isang drayber sa jeep na sinasakyan mo para daw kumuha ng gamit, at dun s’ya mismo naupo sa unahan, sa tabi mo. at dahil mahangin, parang lasong itinutulak papasok ang amoy n’yang amoy masipag na mataba sa kasulok sulukan ng ilong mo at pakiramdam mo dumidiretso ito sa utak mo. at wala kang magawa kundi yakapin ang bag mo ng dalawang kamay mo at isubsob dun ang ilong mo habang pakiramdam mo nasa gitna ka ng isang malalim na dagat at umaapoy na impiyerno. muntik na ‘kong mamatay, at ni minsan hindi ko inakala na dadating sa akin ang puntong dadaan sa buhay ko na minsan isang umaga panghihinayangan ko kung bakit wala akong sipon nung mga oras na ‘yun.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

15 thoughts on “muntik na’kong mamatay”

  1. at ni minsan hindi ko inakala na dadating sa akin ang puntong dadaan sa buhay ko na minsan isang umaga panghihinayangan ko kung bakit wala akong sipon nung mga oras na โ€˜yun.

    minsan nga may use pa rin ang pagakakaroon ng sipon hahahaha

  2. kaya pag sa harap ako ng jeep nakaupo, ayaw ko talaga sa tabi ng driver. dun ako sa may preskong hangin. mamatay na ang dapat mamatay, talagang ipaglalaban ko ang pwesto ko. mahirap na eh. bata pa ko para matodas dahil sa BO.

  3. ayoko din nasa tabi ng drayber or nasa gitna ako ng dalawang lalaki sa harap ng jeep. madalas malagkit sila at madalis din amoy pawist at madalas din nangmamanyak lang.

    pero hanga tlga ako sa mga driver na malinis ang kamay. nagiging crush ko. pramis.
    ๐Ÿ™‚

    ==
    walang drayber na malilinis ang kamay, fyi lang.

  4. na-imagine ko ung situation mo habang nakapagitna ka sa mga taong wala na yatang pakialam sa amoy nila dahil sa kata-trabaho.

    nakapanghihina nman talaga na ikaw, super conscious sa amoy mo tapos kamalas-malasan mapapagitnaan ka ng dalawang taong pareho ang amoy.

    naamoy mo ba sarili mo? kumapit na syo ung amoy nila jon!๐Ÿ˜€

    ==
    nung huli kong inamoy ang sarili ko, amoy johnson’s baby cologne pa rin naman

  5. Hi JC!! Thanks for droppin by! =) May new URL ako, kindly check it out! Will be back tom to comment on your posts! Thanks sweetie! =) XOXO =)

    ==
    awww namiss kita. also, please wag mo kong tawaging sweetie kung di ka handang mahalin ako, tnx.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s