people of the internet

gusto ko lang magklaro ng ilang mga bagay bagay, bigyan n’yo ko ng ilang minuto, maupo kayo d’yan sa harap ng computer n’yo at basahin at unawin ‘tong sasabihin ko. internet ang mundo ko at computer ang buhay ko, hindi ako kahapon lang nakahawak ng computer at kahapon lang natutong maginternet, kung meron akong minaster sa mundong ‘yan bukod sa mga bagay na alam kong magagamit ko sa trabaho o mga bagay na magagamit ko para protektahan ang sarili ko, alam ko pag niloloko ako at alam ko pag may itinatago sa akin ang kausap ko, kaya kung sasabihin mong “jon, mabait ka pala” kalokohan! tatlong bagay lang ang posibleng dahilan kung bakit ako mabait,

1. bago pa lang kitang nakakausap at nagpapakitang tao lang ako sa’yo dahil pinaulanan mo ‘ko ng papuri.
2. gusto kita, na napakabihirang mangyari dahil tulad ng sinabi kong dahilan kung bakit hindi ako nakikipag EB, ayoko ng tao.
3. mabait ako dahil alam kong may tinatago ka sa’kin at kailangan kitang diskartehan para makuha ko ang gusto ko.

hindi mo naman siguro iniisip na nagpakita agad ako ng galit sa gagong ‘to habang kinukuha ko yung gusto ko sa kanya,
ang punto ko lang, andito ako sa isang sulok nagba blog ng mag isa, nananahimik, ‘wag mo na ‘kong lapitan kung hindi ka rin lang magiging totoo dahil ayokong isipin na kinuha mo ang atensyon ko para lang paglaruan ako dahil nalulungkot ako para sa’yo kung ganun nga ang intensyon mo. mahihirapan ka sa’kin at makakawawa ka lang. hindi ako mabait na tao at ako ang pinaka asshole na makakasalamuha mo sa internet. wala akong pakialam sa pakiramdam ng ibang tao at matagal ko ng pinatay ang pagkapikon sa pagkatao ko para sa mga taong wala naman akong pakialam. mahirap akong maging kaibigan dahil marami akong issues sa pagkatao ko, bigla na lang akong nawawala at bigla na lang akong nagsosolo, hindi kumikibo at hindi namamansin, at ewan ko pero nahihirapan ang iba na intindihin na mas gugustuhin ko pang manahimik at magsolo habang inaayos ang sarili ko kesa ibunton ang pagkagalit ko sa mundo sa mga kaibigan ko. hindi ko kailangan ng pakikipagkaibigan na may kakambal na obligasyon. kailangan pag online ka s’ya agad ang kakausapin mo, kailangan pag nagtext sagot ka agad, kailangan pag nag pm kahit busy ka sagot ka agad, taena ayoko ng pakikipag kaibigan na parang kinakailangan mo pang araw araw mag time in at mag time out, dahil ayoko ng pakiramdam na pag aari ako ng ibang tao. ayoko rin naman ng kaibigan na kung hindi mo pa buburahin sa mundo mo, hindi pa n’ya maaalalang humihinga ka pa at nageexist pa. alam kong magkakontra ‘yang sinabi ko na ‘yan pero wala akong magagawa iyan ako, at hindi ko binabargain na o sige babaguhin ko ‘to at babaguhin ko ‘yan para lang magustuhan mo ‘ko bilang kaibigan, mas gugustuhin kong tanggapin ako ng tao kung ano ako kesa yung tinanggap ako dahil inihulma n’ya na ako kung anong kaibigan ang gusto n’ya para sa sarili n’ya. hindi pagkakaibigan ang tawag dun, ang tawag dun… kagaguhan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

16 thoughts on “people of the internet”

  1. kahit sa anong relasyon kahit sa pakikipag kaibigan lang, hindi pa rin dapat inaalis ang RESPETO. kahit gaano kayo ka-close o komportable hindi sapat yun para baguhin nyo ang isa’t isa sa kung ano ang natural sa inyo.

    tingnan nyo kami ni Defpotec, nagtatagal kaming magkaibigan kasi…tanggap na tanggap ko pagiging abnoy nun at pagiging mongoloid. wala pilitan o pressure para maging mabait. naks!

    teka… sino naman kaya tong demanding na ‘to na tinutukoy mo? DA WHO?

    “hindi ko kailangan ng pakikipagkaibigan na may kakambal na obligasyon. kailangan pag online ka s’ya agad ang kakausapin mo, kailangan pag nagtext sagot ka agad,”

    tsk tsk tsk! sa totoo lang, maraming ganyan na “kaibigan”.

  2. @ maru
    eksakto! nakakabuwisit lang dahil may nakausap ako kahapon na pakiramdam ko e para akong batang dinidiskartehan na “kung hindi mo susundin ang gusto ko hindi kita bibigyan ng kendi” ayokong ayoko ng ganyan na kinakailangan ko pang sumunod sa batas ng laro ng isang tao para lang ilabas n’ya sa harapan ko ang barahang hawak n’ya.
    at nabubuwisit ako sa mga kaibigang minahal mo at binigyan ng higanteng atensyon pero sa katapos tapusan hindi ka pa rin pala kilala.

  3. Oh magko-comment lang ako kunwari para di isipin ng iba na tayo uli ang magkaaway. Wahahaha! It’s time for another green pea😆

    ==
    inaapi nyo yung emoticon ko e halos isang oras kong pinagpilian yan, sabi ko pa naman ayoko nung dilaw kse mukhang garbanzos. hmp!

  4. “mas gugustuhin kong tanggapin ako ng tao kung ano ako kesa yung tinanggap ako dahil inihulma n’ya na ako kung anong kaibigan ang gusto n’ya para sa sarili n’ya”

    Mismo! kahit ako di ko kelangan ng kaibigang demanding…ndi yun kaibigang matatawag …mas maganda kng may bigayan at natural lang ung pakikipagkaibigan.😉

    ==
    mas maganda kung magmahalan na lang tayong dalawa tapos kalimutan na natin yang mga kai kaibigan na yan, hmmmkei?

  5. sa mga tunay na nakakakilala saken, alam nila na hindi rin ako pala-kaibigan na tao. ayoko nyang mga “do-this for me and prove that you’re a friend” shit..

    at sa kadahilanan na yan kaya solo-flight din ako sa cyberworld na aking ginagalawan. i fight my own fight, i lick my own wounds ika nga. madami na akong binura na mga tao sa listahan ko. iba ibang dahilan pero ang common denominator –> HINDI KO SILA GUSTO. at hindi ko kayang pilitin ang sarili ko na gustuhin ko sila.

    putaena ang dami demanding at walang kwentang tao ang nakilala ko na sa internet. leleksyunan ka tungkol sa kung anu-anong katarantaduhan, pero sa totoong buhay, kabaliktaran naman ang kanilang ginagawa.

    at mahaba na ang comment ko. ang gusto ko lang naman sabihin eh…

    pwede ba kitang maging fwend jon?

    bwahahahahaha!

    ==
    yan ang pinaikling sinabi ko, kundi kita gusto lumayas ka sa buhay ko! bwhahahha’
    medyo nabaklaan ako sa salitang “fwend” pero, hmmmkei.

  6. nakakatakot ka talaga idol. di ko sasabihin n mabait k. pero sa totoo lng nabaitan nmn ako sau🙂 besides naniniwala nmn kc ako na ang tao ay likas na mabait depende na lang sa mga forces sa paligid nya katulad nyan naguusok ang ilong ba o tuktok m dahil jan sa kaaway m. so cguro minus the kaaway at demanding na kaibigan isa ka ng kagiliw-giliw na na blogger.

    ==
    natats naman ako, sobra.
    at maniniwala ka bang tinatouch ko ang sarili ko ngayon habang tinitignan ang comment mo?

  7. dios mio jon, wala sa link ang sukatan ng pagkakaibigan…

    and sorry to disappoint your predictions, pero hindi ikaw ang pinatutungkulan ng entry ko. don’t be so MJC.

    and yeah, you’re still in my blogroll and i do believe i’m still your friend.

    sus, i still have the book you sent me!

    ahm. i was busy. friends?

    ==
    ahhhm’ anong link ang pinagsasasabi mo? sino namang isip bata ang inaakala mong magtatanggal ng link sa blogroll? malamang hindi ako dahil bukod sa matured na ko e di ka naman nawawala sa link ko, tignan mo nga ulit, sus!
    with benefits? hmmkei.

  8. waa, ilang beses na kong nag comment tumatalbog yung comments ko, ah basta kahit talbog ng talbog comments ko friends pa rin kita

    ==
    oo naman! kaw pa e katunayan nga nyan kahit tinabla mo ko sa EB e kaibigan pa rin kita.
    boooooo!

  9. @moo: so nag paka OT ka para sabihin sa buong readers ni jon na abnoy ako? ok lang… di naman ako ubersensitive at iyakin… at sana moo, sa pamamagitan ng entry na ito ni jon, nakuha mo ang ibig kong ipahiwatig.. di ako marunong mag rant e… pero salamat kay jon… na express nyang mabuti ang gusto kong i express…. kaya…..

    @JC: ang bait mo talaga….

    ==
    wag kayong mag away, dadating si popeye may dalang tinapay.. ahhhm puyat ako kaya nasa peak ako ng kakornihan sa mga oras na ‘to, sensya na.😦

  10. 2. gusto kita, na napakabihirang mangyari dahil tulad ng sinabi kong dahilan kung bakit hindi ako nakikipag EB, ayoko ng tao.

    hindi ko akalaing may ibang tao rin pala na ayaw din sa tao katulad ko. trip ko sumali sa mga online forum pero pag oras na ng EB naglalaho ako. di ko kasi alam kung paano ako kikilos sa harap ng mga taong hindi ko pa ganon kakilala. matutuyo lang ang laway nila kakakausap sakin dahil ang isasagot ko lang ay tango o simpleng oo. mas gugustuhin ko pang magkulong sa kwarto ko at mag internet o manood ng downloaded series kesa makisalamauha sa iba. mabuhay ang mga loner!😀

    ==
    bakit kaya hindi tayong mga loner ang mag set ng EB para sa mga katulad natin? tapos syempre walang aattend.. coolness!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s