bakasyon grande

nasa ikatlong araw na ako ng apat na araw na bakasyong grande na ibinigay sa akin sa opisina. sa sunday pa ng gabi ang pasok ko kaya parang may extra isang araw pa ako, kaya pa siguro ng mga dalawang session ng inuman ‘to. lasing ako nung wednesday, dalawa lang kaming uminom ng tropa, nagpunta kami sa alabang, sa may festi yung maraming inuman.
ngayon lang ulit ako nakainom habang may nagpeperform na banda, ganun pa rin ang pakiramdam, nakaka el pa rin manood ng bokalistang babaeng tumitili. ang sagwa ng sisig nila, parang buo buong giniling ang laman. ang init din sa nap’westuhan namin, bago kami matapos uminom dun at lumipat ng ibang iinuman, pakiramdam ko nanggigitata na ako. dapat nga hindi ako nalasing kse sa apat na bote ng iniinom ko halos 1/4 nun inilalabas din ng katawan ko sa may parteng noo at kilikili ko.


.. dapat kahapon pa ‘ko may entry kaya lang dahil sa matindihang hangover na pinagbayaran ko, buong araw akong tulog at gumigising lang ako para uminom ng malamig na tubig at pineapple juice. tuwang tuwa at proud na proud ang pamilya ko sakin.
nawalan ng pundasyon ang entry ko, pero sayang naman kaya pinira piraso ko na lang.

* nakakamiss din ‘yun ganitong buhay na matutulog ka pag inaantok ka na, at gigising ka pag gusto mo lang. dalawang taon mahigit na rin pala akong may trabaho, at hindi nangyari na lumagpas ng tatlong araw ang bakasyon ko mula nun, pinakamatagal na yata yung dalawang araw na bakasyon nung nagkanana ako sa ihi, na ayoko na munang idetalye kung saan ko nakuha.
* ang layo ng ihian dun sa pinag inuman namin kaya kung hindi rin lang pakiramdam ko e may tumitilamsik ng ihi pag natatawa ako ng biglaan, hindi ako nagsi cr.
* nung isang beses na nag cr ako, malayo pa lang naramdaman ko ng makakabangga ko yung lalaking payat na naka skinny jeans, kalbo, may tattoo sa balikat at may hikaw sa ilong. patalikod kse s’yang nagpapaalam dun sa babaeng kausap n’ya at wala akong ibang dadaanan kundi sa likod n’ya. habang papalapit ako namukhaan ko s’ya. artista ‘to, s’ya ‘yung gumanap na DING sa darna,

dala ng kalasingan, naisip ko ano kaya kung gumawa ako ng eksena at bugbugin ko’to pagkabangga sa akin? o kaya pagtama n’ya sa katawan ko kunin ko ‘yung isang bote ng beer sa kabilang mesa tapos ibuhos ko sa ulo n’ya, sikat ako nito at ang sobrang blogable ‘yun.
* pag tama n’ya sa dibdib ko, napaharap s’ya at bago pa ako makagawa ng aksyon, nakangiti n’yang tinapik tapik ang balikat ko tapos sabi n’ya “sorry, sorry” na parang may kausap s’yang bata na malapit ng umiyak, o parang eksena na may babae s’yang nabuntis at hindi n’ya kayang panagutan habang naguusap sila sa loob ng kotseng nakaparada.
“sorry, sorry”
* at ewan ko kung lasing na talaga ako nung mga oras na ‘yun o nabigla lang ako kaya ang maaksyon sanang pangyayari na maaaring pagsimulan ng pagsikat ko ay aksidenteng tinapos ko sa isang pangungusap “ok, lang sir.. my fault” 😦
* lumipat pa kami ng inuman ng kasama ko, at naka tatlong red horse pa ako dun. dumating yung isang kumpare namin at nagkayayaan na kumain muna bago umuwi.
* ang sarap ng porksilog.
* nung uwian na nagkayayaan pang mamickup ng pokpok sa kalsada
* hindi ko alam kung anong oras na ako nakauwi, basta ang naaalala ko, naligo pa ako at nagonline saglit.
* pagcheck ko ng email, nabasa ko ang message na ‘to

ewan ko kung lasing lang ba ako nung mga oras na ‘yun o talagang sa biglang basa ang mababasa mo ay

___ aguilar invites you to her Gspot. ewan ko, pero natuwa ako nung nabasa ko ‘yan at kinabahan sa mga posibilidad na p’wedeng mangyari.
* habang nagpopost ako nitong entry na’to nagbukas ako ng friendster, at ito ang sinasabi ng horoscope ko.

ulul!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

19 thoughts on “bakasyon grande”

  1. “ok, lang sir.. my fault” — at napa-English ka pa a. haha. kala ko matindi na ang magiging banat mo e. at tungkol dun sa Gspot, madalas ko ring maranasan yan pag may hangover, kala mo lahat ng nakikita mo e nagpaparamdam ng sarap.

  2. miss ko na red horse parekoy! meron din naman dito sa nz pero saksakan ng mahal. pre buhay pa ba yung mga beer house dun sa east service road sa alabang? nung araw kasi (nung may naghuhubo pa) may dinala akong opismeyts dun. nung una a-ayaw-ayaw epek pa pero banda dun nakadalawang show na ayaw pa din umuwi. ahehe

  3. si CJ Muere(?) yan, yung hindi naman dapat nanalo kung hindi lang mas laos pa lahat ng kalaban nya sa starstruck. dapat kasi ako na lang ang sumali dun. hmmph.

    pero gusto ko yang ideya mo ah, instant sikat nga naman yan. mas mabuti kung napaiyak mo sya tapos tawanan mo tapos magtawag tayo ng crew ng the buzz o kaya startalk. para masaya lang. kung gusto mo pagtulungan nating gulpihin si kuya germs tapos sabihin natin kasi hindi nya tayo tinanggap nung nag-audition tayo sa that’s kaya tayo gumaganti.

    tagal mong nawala! punta ko nang punta dito wala ka namang bago pero at least ngayon meron na.

    wala akong sense. 😀

  4. @ miss choi
    bumalik tuloy sa gunita ko nung may bakla akong nakilala sa mall, kukunin nya raw akong commercial model, ang vtr sa isang mabaho at mumurahing motel sa isang liblib na lugar sa alabang.
    lagi din akong pumupunta sa blog mo at ewan ko pero parang may parte ng pagkatao ko ang nadudurog pag isinasara ko na ang blog mo dahil wala kang bagong entry,
    hindi ko alam kung pagmamahal ‘to o ano pero ayoko ‘tong nararamdaman ko.
    .. kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko.

  5. kayang kaya mo nga patumbahin yang si cj muere.hehe! mukhang di papalag yang bata na yan eh puro ngiti lang naman ang ginawa nyan sa starstruck..tingnan mo ngyon walang show gaya ni mike tan…

    “* nakakamiss din ‘yun ganitong buhay na matutulog ka pag inaantok ka na, at gigising ka pag gusto mo lang. dalawang taon mahigit na rin pala akong may trabaho, at hindi nangyari na lumagpas ng tatlong araw ang bakasyon ko mula nun, pinakamatagal na yata yung dalawang araw na bakasyon nung nagkanana ako sa ihi, na ayoko na munang idetalye kung saan ko nakuha.”

    ahaha! ang sarap talaga magpahinga sa bahay.. pero yung wala sanang pinapagaling na nana sa ihi..lols!😆

  6. @ ellieshe / christine
    gustuhin ko man na ituro sa inyo kung ano at saan yun.. ikinalulungkot kong baka hindi pa kayo handang madiskubre ang mga bagay na yun. also, pwede nyong isend ang pictures nyo sa joncabron @ gmail .com .ktnx.

  7. iba na talaga ang sikat at pati sa gspot may invites! kwento ko lang, si kengkoy unang nakaranas ng bading na nakisilip habang umiihi sya e dyan sa pinas nitong huling uwi namin. magmula nun hindi na sya sa public toilet nung resort umiihi kundi dun na mismo sa hotel room namin at talaga pong na trauma ang kengkoy ni kengkay, ahahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s