gusto kong bumaet

hindi ko alam kung papano natin maipapaliwanag ito, dumadating minsan sa buhay natin na gusto nating gumawa ng kabutihan at magpalaganap ng pagmamahal pero may kung anong p’wersa ang humahadlang sa lahat ng ginagawa natin at pinipilit n’yang lumabas na masamang tao pa rin tayo. malinis ang intensyon natin pero iba ang nangyayari.
nung huling araw ko na pumasok ng alas dos ng tanghali, sakay ng bus ng biglang may tumayo at naglabas ng megaphone, kesyo ilang taon na raw silang naka strike dahil sa hindi makataong pamamalakad ng may ari ng kumpanya nila, kesyo nakapicket sila at ang magpapalakas daw ng loob nila ay ang kaunting tulong pinansyal na maibibigay naming mga pasahero. nung nagumpisa na s’yang magikot bitbit ang kapirasong kahoy na hulugan ng barya, nagtatalo pa rin sa isip ko kung maghuhulog ba ako, bukod kse sa sakto lang ang barya ko para sa pamasahe sa jeep na susunod kong sasakyan papuntang opisina, nakikilala ko ang speech ni manong, eto yung halos araw araw na naririnig ko dalawang taon mahigit na ang nakakalipas, at casual employee pa lang ako n’un. natapos ang pag dedebate ng isip ko nung nagliwanag ang mukha n’yang nasa harapan ko at binabati ako ng magandang tanghali po sir, kasabay ng pag lapit ng hulugan ng barya sa harapan ko. nasurpresa ako at hindi nakapag abot. nagpasalamat pa rin s’ya sa akin at nag bulong ng god bless you at mapayapang paglalakbay daw sa lahat, nadurog ang puso ko, naisip ko na dalawang taon na nga siguro ang welga at maaaring dalawang taon na rin na uubo ubong naglalabada ang asawa n’ya habang pakalat kalat ang mga maliliit n’yang mga anak. nasa may pinto ang kinauupuan ko kaya dun ko s’ya inabangang dumaan, at habang nakikita ko s’yang papalapit, binubunot ko naman sa lalagyanan ko ng barya ang bente pesos na ipambibili ko sana ng isang marlboro tens sa tindahan bago pumasok. natagalan ang pagbunot ko dahil naipit ng zipper ng coin purse ang papel na bente, at saktong nasa may hagdan na s’ya ng pintuan ng bus na nagbawas ng bilis para sa paglundag n’ya, pinwersa ko ang perang papel sabay tapik sa balikat ng mama, na tipong nag alangan kung lilingunin n’ya ba ako o ihahanda n’ya na ang paa n’ya sa pagtalon at kung papano n’ya ihahanda ang katawan n’ya sa pwersa ng pagbagsak… gumulong ‘yung mama sa kalsada. at nagsigawan ang mga pasahero, sabay andar ulit ng bus na sinasakyan namin. ambigat bigat ng dibdib ko, parang sasabog. lumunok ako ng talong magkasunod, pumikit. at nagkunwaring natutulog.

ang tagal kong hinintay ang oras ng uwian, mahirap mag ubos ng walong oras sa isang opisina kung mag isa ka lang, at ng sa wakas hinudyat na ng orasan ang pagpatak ng ala sais ng umaga, dali dali akong tumakbo sa cr, naghilamos at nagsepilyo, at nanakbong lumabas ng kumpanyang pinagsilbihan ko ng walong oras. habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep, malayo pa lang napansin ko na ang matandang babaeng nakaupo sa may gilid ng kalsada sa sahig ng isang sarado pang establisimento, duon sa dadaanan ko.
andami kong taong nakikita, may papasok ng opisina, yung iba naman katulad kong pauwi na rin, at ‘marami rami rin ang mga mukhang nagdya jogging lang, pero wala ni isa sa mga ‘yun ang pumapansin sa matandang nakaupo sa gilid ng daan. bukal sa dibdib na kinapa ko sa bulsa ko ang coin purse ko at dumukot ng limampiso sa loob n’un, pag tapat ko sa matanda, hinanap ng mata ko ang lalagyanan n’ya ng limos, at nakita ko ang isang puting plastik na baso na nakaipit sa mga hita n’ya habang abala ang mga madudumi n’yang kamay sa paghihimay ng tinapay na hawak n’ya.
magaan sa dibdib kong inihulog ang limapiso kong dala at hindi ko na hinintay na bumulong s’ya ng pasasalamat. unti unti na akong humakbang papalayo ng may ngiti sa mga labi at nakataas ang mga noo. nang biglang nakarinig ako ng away sa likuran ko, isang boses ng matandang babae na nagsisisigaw at parang may pinapagalitan. tumigil ako at lumingon sa likod ko, nakita ko ‘yung mismong matanda na binigyan ko ng limos na nagmumura at nagpupumilit tumayo pero dala siguro ng katandaan natumba din s’ya pero diretso pa rin s’ya sa pagsigaw. gusto ko s’yang lapitan at itanong kung sino ang kaaway n’ya pero naisip ko na baka mapasubo na naman ako sa away, maya maya pa ibinato n’ya yung hawak n’ya kaninang tinapay.. sa lugar na kinakatayuan ko. sinundan ko ng tingin kung sino ang pinatutungkulan n’ya ng mga salita n’ya, at nagulat ako dahil walang ibang tao sa likod ko kung saan tumatagos ang mga mata n’yang matatalim. maya maya pa nilapitan s’ya ng isang babae at parang inaawat s’ya. at nung medyo napayapa na ang matanda dahil bubulong bulong na lang ito, ako naman ang nilapitan ng babae at dun ko nakumpirma na ako pala ang kaaway nung matandang babae na binigyan ko ng limos. naisip ko, na kung may baril ang matanda, mamamatay ako ng walang kaalam alam, ang sabi sa akin nung babae
“nagagalit sayo yung matanda, kase daw ‘yung kape n’ya hinulugan mo ng pera”

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

26 thoughts on “gusto kong bumaet”

  1. Takot ako sa pulubi😦 Nasuntok na kasi ako ng yagit sa sta mesa dati eh. Pero may favorite ako na manong sa cubao, dun sa may mrt station, kasi magaling sya maggitara. Yun lang ang binibigyan ko tsaka binibilhan ng pagkain. Yung masungit na babae tinatakasan ko nyehehehe.

    BTW ayos na yung site ko, hindi na ko LJ. Siguro naman mamahalin mo na ko nang todo nyan.

    ==
    ayokong sabihing mahal kita dahil masyado pang maaga. basta inadd kita sa blogroll ko na bihira kong gawin sa mga bago pa lang na kakilala, at kinikilig ako pag nakikita ko ang nick mo. that is all.

  2. sa susunod cguro, mas ok na sa kamay mo na mismo iabot para safe😀
    yung sa mamang nahulog, wel, di nmn yun intensyon mo, so not necessarily ur fault, kaso mejo parang may dala ka atang malas! Lols😆

    ==
    yuck! yoko nga sa kamay, andudumi kaya nung mga yun?!😛
    at wala akong dalang malas, kahit bilangin mo pa ang lahat ng nunal ko sa katawan

  3. potangena. laugh trip ‘to!😆

    kilala ko na yung mamang may megaphone sa bus. 1st year college pa lang ako nadidinig ko na sya sa mga bus na byaheng lawton. at pitong taon na ang nakalipas, umaakyat pa rin sila dahil nga sa welga nila. tumigil na ako sa pagbibigay sa kanila dahil naisip ko, kung hahanap na lang sya ng ibang trabaho, malamang nabawi na nya yung nalugi nya sa kumpanya. ewan ko pero 7 years? hindi na ako naniniwala sa kanila. hehehe
    naawa ako dun sa matanda. letse ka Cabron. kung ako nandun malamang binuhos ko pa sa iyo yung kape. bwahahahaha!

    ==
    nyaiks ibig sabihin hindi lang dalawang taon yung welgistang yun ng Y transit yata? lols.

  4. mukhang nakita ko na rin yung mamang sinasabi mong nakamegaphone. kawawa naman yung matanda,baka ilang oras pa ang ginugol nyang pagpapalimos mabili lang yung kape na yun.bakit pumapalpak ka ata ngayon?check mo kaya ulit kung san lugar nakalagay mga ba-lat mo sa katawan at kung ilan.baka lumipat na yan kung saan….

    ==
    meron ako sa ilalim ng itl*g. pero hindi ko na dapat sinasabi pa yun.

  5. ang haba nga ng entry mo.. :grinnod:

    sa totoo lang..isa ako sa mga taong hindi na “gaanong” pumapansin sa mga nanglilimos sa kalsada or kahit sa loob ng government offcs..like Manila City Hall..
    dahil maraming beses na akong sumubok na tumulong & magabot ng konting halaga..pero hindi pa nagtatagal..nakikita ko na kasama pala sila sa sindikato..

    kaya sa ibang paraan na lang siguro ang gagawin kong pagtulong..pero hindi yung magaabot ako sa kalsada..

  6. haha. naiimagine ko yung feeling nung matanda. kaw nga naman kse. tulad ng ibang mga nag-comment na, di rin ako nagbibigay sa mga namamalimos, lalo na sa mga bata. may nabigyan kse ako dati, pagkakita ko ulet sa kanya, may dalang plastik ng rugby. sus. thanks for keeping me in your blogroll. tats ako.

  7. nyahahhaa. seriously natawa ako sa entry na to

    napansin ko yung mga nagwewelga na umaakyat sa bus at naghihingi ng tulong parang iisang script lang gamit nila, mapaQC, Makati, Maynila yang mga yan. parang iisa lang ang takbo ng mga salita nila yung mga malalalim na tagalog yung mga hinaing nila iisa lang nagiiba lang ang pangalan ng kumpanya. parang may template n sila na sinusundan.

    naalala ko din dati may nakasabay ako sa jeep na mamang may dalang mga malalaking bagahe e saktong paliko yung jeep ng bumaba sya kaya ayun nahulog din at nagpaguloggulog sa kalsada. pero ang matindi tumayo agad sya at biglang naglakad ng diretso na parang walang nangyari. kaya imbi na maawa ako natawa ako bwahhaha

    taena haba ng comment ko. lame

  8. padaan lang po.

    sineryoso ko ang pagbabasa ng post. at pagdating sa dulo nalaglag ako sa silya ko. laugh trip talaga ang mga posts niyo. late reaction naman si matandang babae, nakatulog ba siya habang nanghihimay ng tinapay at hindi niya napansin ang paghulog ng barya?

    =)

  9. itong mga anak ko kapag nakakita ng ganyan, gusto agad magbigay ng pera. sabi ko naman, minsan mas mabuti pang sa ibang paraan na lang. lalo na dito sa alemanya, lalo pat kitang kita kong naninigarilyo o kaya e may mga alagang nagtatabaang aso; e ang mahal kaya ng pagkain ng mga pets dito ano, ang luho nila nasusunod pero yung pagkain nila tipid, ano kaya yon? pero kapag sa pinas, minsan may pagkain, minsan laruan o minsan e konting barya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s