shu mod

at dahil panggabi na ako at matagal ng napatunayan ng mundo na kakambal ng puyat at byahe ang tigyawat, kinontak ko ang isang kaibigan na may malaking kredibilidad tungkol sa mga bagay na ito. hindi s’ya derma at hindi s’ya intsik, hindi s’ya nagbebenta ng mga creme na galing china at hindi s’ya nagtapos ng medisina sa mukha.. isa s’yang bakla.
isa s’ya sa maraming mga bakla na biniyayaan ng makinis at mamula mulang mukha. tinext ko s’ya kagabi pagkauwi ko galing trabaho kung ano ang mabisang pampahid sa mukha para maiwasan ang tigyawat at kaninang tanghali ko lang natanggap ang sagot n’ya. baka busy s’ya o puyat sa kabaklaan, hindi ko na inalam pa.
ang sagot n’ya “try mo ang shu mod” sinagot ko ng “saan nakakabili, magkano at pa’no ang paggamit?” at matulin s’yang sumagot ng “mura lang, sa watson meron, keri na ang umaga at gabi pero mas winner pag mas madalas” at dahil bukod dun e wala na akong naiisip na kailangan pa sa kanya, pinutol ko ang ugnayan namin sa isang simpleng “ktnx”
tinamad akong umalis kanina, madami akong kailangang lakarin. sa husgado para ifollowup yung kaso nung poging bumasag sa ilong ko, sa banko para sa application ko ng union account, at sa mall para bumili ng napagusapang gamot sa mukha. pero dahil sa champion ako pagdating sa obli obligasyon, wala ako ni isang natapos sa mga ‘yan. hiwa hiwalay kse at pakiramdam ko e hindi kakayanin ng isang lakaran lang. narinig ko sa pamangkin ko na umalis ang nanay ko, pumunta sa mall para magbayad sa telepono ng asawa n’ya. tinext ko agad para sa gamot at para kahit papa’no naman e may ma accomplish ako. ” ma, daan ka watson o mercury bili mo ko SHU MOD pampahid daw sa mukha ‘yun, dito kita babayaran” hindi ko inaasahan ang reply nya dahil ganun naman ‘yun pag may ibinibilin ako, ang reply pag may balita na sa pinapagawa mo.
at kanina lang, ilang oras bago ako magpasyang umidlip para may panlaban sana sa magdamagang puyatan, nag ring ang celfone ko, pupungas pungas pa ‘ko nung sagutin ko, para lang mawala ang kahit na gapatak na antok na natitira sa pagkatao ko sa boses ni gng. cabron na galit na galit at ipinahiya ko daw s’ya at pinagtawanan daw s’ya sa watson.. tinatanong ko s’ya kung anong problema pero hindi n’ya naman masabi sa akin kung anong kinakagalit n’ya. pakiramdam ko na gulpi de gulat ako dahil hanggang sa patayin n’ya na lang ang celfone hindi ako nakakibo, pakiramdam ko lumilipad pa rin ang diwa ko kakaisip kung ano na namang kagaguhan ang nagawa ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

32 thoughts on “shu mod”

  1. ahh mainam nga daw talaga yang shu mod, akshuli, 2nd yr. HS ata aq ng una kong madinig yan. yan daw kc ang regimen ni charito solis sa kanyang face…

    bat nga ba di ko ni try sa pimpols ko😐

    may iba pa ding name kilala yan, kyumodz naman! LolsπŸ˜†

    ==
    kyumodz? hmmm parang tunog syumod ng mga robot a!

  2. uyyyy! imperness, mabisa nga raw yun na pampakinis ng mukha. college pa lang ako narinig ko na yan eh. buti na lang at di ko kelangan yan…la naman akong pimpols sa mukha.
    hmmmmn….kaya pala nararamdaman ko na makinis ang lalamunan ko….pampakinis nga pala talaga yan. lols!

  3. kung akin lang lugar sayo, akin suntok bakla sa ilong…

    ikaw wag na niwala bading…. ikaw niwala lagi intsik.. ikaw tingin intsik, lagi kinis kutis…. akin pakita sayo ano ikaw gamit, basta ikaw bili sakin…

  4. eh ako nga ngayon ko lang yan nadinig. ngayon alam ko na… sabi kasi ng partner ko sarap daw nyan i-swallow, pag kana inum ka at yosi ng ilang araw bago ang labanan. malangsa daw…. ^_^

  5. haha!huli na nung ne getz ko kung ano ang shu mod.mali kasi ang pronounce ko nung una kong binasa.shoe-mod…..nagtaka pa ako nung huli kung bakit nagalit si gng. cabron.haha!!!me pogi points ka nanaman sa nanay mo!ewan ko pero pumasok sa utak ko si dennis the mennace.πŸ˜€

  6. ang bilis talaga mag isip ng utak ko pagdating sa mga double meaning…bastos agad naisip ko pero nagkaron pa rin ako ng kaunting pagdududa dahil nabibili pala sa watsons yun..biglang nag iba pananaw ko sa tindera ng watsons. lols!

    naaliw din ako sa mga comments..andami palang “aral” sa mga fans mo..hehe!

  7. ayos! may napulot na naman akong magandang aral mula sa yo boss jon! lols!

    ==
    at hindi lang dyan nagtatapos yan kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon… ahhhhm’ yun e kung babae ka ha!

  8. di ko naisip yun ah? yun pala yun? mas malakas sana pagtawa ko kung alam ko beforehand..well gaya mo di ko alam yung shu mod na yan..pero malabong magpabili ako sa iba ng mga gamit sa mukha etc.. wawa naman si mam cabron? ano kaya naisip ng watsons saleslady?

    ==
    ahhhm’ siguro naisip nila na isang matrona si gng. cabron. yun lang ang naiisip ko.

  9. @ anonymous kung babae ka.. =πŸ˜‰ kung bakla ka =
    Jon Cabron | May 31, 2008 | 9:12 am

    @ anonymous
    kung babae ka.. =πŸ˜‰
    kung bakla ka =😦

    tsaka kung babae ka, asl pls.

    de pot@, nag iba na pala ang site mo di gaya ng dati na na-save na ang name ko sa baba….eto anonymous ang nalabas pag na iwang blanko. hahahahahahha

    sarap daw sabi ng partner ko i-swallow, yum yum inum muna ako sabaw ng buko 3 then laban na…

    alone ^_^’V

    ==
    heheh, nung isang araw lang kita naisip’ sabi ko mukhang naiwan ka sa kabila at hindi ka nagpaparamdam

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s