matakot ka, babae

naisip ko lang, bakit hindi na lang lagyan ng expiration date ang marriage contract, tapos kunyari after 6 months o kaya 2 years may option ka kung gusto mong mag renew ng ilang buwan at taon pa, taena’ tignan ko kung mag matapang pa ‘tong mga babaeng ‘to pag hinihingian mo ng perang pang inom, o tignan ko kung makabuka pa ng bunganga ‘tong mga babaeng ‘to na kesyo pagod na dahil nagtatrabaho din naman sila pag ginigising mo ng madaling araw para paglutuin ng sinangag at noodles. kung tutuusin, tayong mga lalaki ang naunang lumabas dito sa mundo. hinugot sa tadyang nating ‘yang mga babaeng ‘yan.. dun pa lang pangita na kung gaanong pasakit ang gagawin sa buhay natin ng mga ‘yan. at dahil sa kaadalentaduhan n’yang mga babaeng ‘yan at likas na pagiging pakialamera at gustong laging nasusunod, pinakialamanan ang mga bagay na pinagbabawal. kaya tayo ganito ngayon na pahirapan para makabalik sa paraisong ‘yun. tapos ano? hanggang ngayon gusto nila sila pa rin ang masusunod? kalokohan.
lagyan ng expiration date ang marriage contract at tignan ko kung hindi parang mga naging pusang ke aamo at ke lalambing n’yang mga babaeng ‘yan na naghihilahod sa mga binti natin pag nalalaman nilang malapit ng mapaso ang kontrata nila. at kung sasabihin n’yong kawawa naman ang mga anak sa ganung sitwasyon..
ahhhhm, bakit k’se hindi pa magimbento ng puno ng saging na p’wedeng magbuntis, kasimple simple ng buhay pinapahirap.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

24 thoughts on “matakot ka, babae”

  1. ayos ah! babae din ako pero kung tutuusin kahit walang expiration date ang marriage contract pakiramdam ko nagagawa naman ng mga lalaki ang gusto nilang gawin ng malayang-malaya.

    bakit k’se hindi pa magimbento ng puno ng saging na p’wedeng magbuntis…

    e di ung anak mo half tao, half saging!!!

    ==
    ayokong makinig sa mga sinasabi mo, dahil babae ka.

  2. hmmm… 2 consecutive post tungkol sa magagandang babae + 2 consecutive post tungkol sa init ng ulo sa misis = kulang sa romansa

    baka nga… :nod:

    ==
    .. at bilang kaibigan, handa mo ba akong tulungan? hindi? k.

  3. alam mo akala ko ako lang ang baliw na nakaka isip na lagyan ng expiration yung mariage contract, gusto ko din lagyan ng expriation yung mariage contract ko if ever gusto ko minimum of 3yrs tapos renewable LOL

    ==
    3 years?!? baliw ka nga, antagal nun ah!

  4. buti na lang di ka naging congressman😀

    pero hmnn.. ok nga din cguro yang may expiration date, para di obligado ang mga babae na magtiis sa asawang babaero na, lasenggero pa! taz maliit pa ang… sweldo!!!😛

  5. ganda ng entry ahh, pansin ko lang lately almighty jon parang irita ka na kay misis ahh, kulang ka lang yata talaga sa haplos ng asawa di kaya?

    ^_^V

    buti nalang di pa ako nag aasawa

  6. hanngang ngayon pa ba di mo pa rin matanngap na magkaiba ang babae at lalaki?
    “they are wired differently..ika nga” magkaibang planeta ang pinanggalingan…

    kung hindi pa umpisahan mo na.
    mag-sauna ka muna, para lumamig ang ulo mo. kung san ka happy.

  7. @maru: ganun ba yan? kulang sa sex? ahh… kaya ba laging tahimik ang asawa ko? hahaha

    mighty jon c. — init ulo ka na naman. dinamay mo na naman kaming lahat ng girls. 5th ako sa makating dila na yan. di ko pa nga naintindihan nung una yung OT comment ni sexy mamaru…

  8. mamaru,

    ako ang third place sa makakating dila. konti palang na pinya nakain ko. pero nagulat ako na pangatlo ako! baka isipin nila fans na fans ako ni cabron! ergsh!

    jon,

    naiinis ka sa asawa mo kasi parang gusto mo na siya iwanan, kasi parang may gusto ka nang ibang puntahan. kaso nagugulami ka kasi sabi ng lipunang ito hindi pwede. kaya sinisisi mo na lang sa kanya ang kung ano-ano. yey!

    kanta ng rivermaya: wag na init ulo, baby…

    ehehehehe

  9. ngyon ko lang din napansin yung kategoryang makakati ang dila..lols!

    parang gusto ko sang ayunan yung sinabi mo jon kaya lang baka dala lang ng galit yan. pero mas ok sana kung hindi na nauso ang kasalan eh..puro na lang gastos. mas ok sana kung syota syota na lang..mas less complicated ang buhay.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s